Ano kaya ang nararamdaman ng mga artista kapag may eksena sila kung saan kailangang ilagay ang mga letrato nila sa ibabaw ng kabaong?
Madalas ko 'tong maisip kapag hindi ako makatulog sa gabi, which is lagi. Iniisip ko kung ano nga bang mangyayari kung sakaling hindi na ako magising kinabukasan. Paano kaya malalaman ng mga kaibigan ko na dedbol na nga ko? Eh ng mga internet friends ko? Will they even give a shit kung malaman nga nila o sasabihan lang nila ko ng 'noonecares' pagkatapos ay ipagpapatuloy ang kung anumang shit na ginagawa nila sa mga precious life nila.
Matutuwa siguro ako kung magiging kaluluwa ako't makikita ko ang lahat ng mahal ko sa buhay na magkakasama sa isang pagtitipon. Nagpupusoy, nagkakape, pumapapak ng kornik at kendi, naggigitara, at kumakanta habang humihigop ng maligamgam na sopas na walang sahog. Korni siguro kapag may umiyak. Mumultuhin ko pureber kung sino man 'yung iyakin na 'yun. Ang magandang part dun ay 'yung magsasabihan na ng mga awezomeneszs ko nung nabubuhay pa ko.
Ay, 'yang si estee' napakabait niyan, eh.
Sobrang masunurin sa maguang at hindi tamad
Yang si estee, napakaganda niyan eh
Kumakaen yan ng buhay ng tipaklong, eh
'Yung mga ganun shits ba. Kasi kadalasan namang napupuri at nabibigyan ng medal ang isang tao kung kelan tapos na siyang embalsamuhin. SOP na siguro 'yung ganung shits.
Galit ka ba sa mundo? Pareho tayo. Pareho nating nais na tumakas sa ‘di patas na paghusga at walang kwentang mga daluyong.
Gusto mo rin bang bumalik sa pagkabata? Pareho tayo. Gusto ko ring bumalik sa mundong ang pinakamabigat na problema ay ang bagong laruan ko.
Gusto mo bang tumakbo? Tara, tumakbo tayo. Tumakbo tayo ng mabilis hanggang mapagpag ang mga mantsa sa mga damit natin.
At alam kong hindi na magnyayari yun. Kaya sa burol ko gusto ko ito yung ilagay niyong litrato:
Nawala man ako, masaya pa din ako sa piling ng panginoon. Gusto mo ba sumama?