Monday, April 8, 2013
Napabayaan na
"Minsan talaga ang hirap sumabay sa agos ng buhay eh.." Yan yung mga katagang nakakawalang gana pakinggan, eh. Kung alam mo sa sarili mo na nahihirapan ka na sa buhay mo. Pakatatag lang, dude! Wag mo na sasabayan ng negative doings ang iyong negative thoughts. It will lead you to negative results.
Ang sarap siguro sa pakiramdam nung nakukuha mo lahat ng gusto mo, yung nagagawa mo lahat ng gusto mong gawin sa buhay, yung natatanggap mo lahat ng alam mong desrve sayo at yung either mag expect ka o di ka mag expect ang positive lang lahat ng lumalabas na resulta.
Pero di naman lahat yan makukuha mo sa isang kisap mata, eh. Kelangan din maghirap at magtiwala sa Kanya at sa sarili mo. Hindi naman ako yung taong sobrang positive, eh. Katunayan nga ang dami ko na ding napagdaanan about sa pagsuko sa buhay pero yun yung mga naglead sakin para marealize lahat ng mga ka-shit-an ko ngayon. Haha. Sobrang dami kong flaws. Inshort, imperfect ako. Eh wala naman talagang perfect na tao, eh. Aba.. bathala ka kung ganun ka.
Minsan kasi sobrang wrong timing lang talaga ang mga pagkakataon sa buhay natin. Minsan nagkakasabay sabay yung mga problema natin. Dagsa dagsaan silang dumadating and only we can do is to keep holding on. Di natin alam kung anong gagawin natin. Madalas pa nga eh sasarilihin lang natin 'to, tinatago lang natin, ayaw nating ipa alam sa iba kung ano yung mga pinagdadaanan natin. May advantage and disadavantage din yung mga ganto, eh. Advantage ang di pagsabi ng problema sa mga taong alam mong makakaintindi sayo kasi maiiwasan ang depression, ayaw nilang nanatili kang malungkot so they'll keep you happy until you can forget the reasons why you're sad, another is the more na open ka sa iba, mas mababawasan yung problema mo and it will give you such relief. Disadvantage naman kase maiisip mo na pag nagshare ka ng problema sa iba makakadagdag lang din to sa bigatin nila kasi lahat naman ng tao may problema, eh. Another is maaring ij'judge ka nila or di kaya ay maari nilang ishare to sa iba, kumbaga di sila makakpagtiwalaan. Hay. Anggulo no? Eh ganyan talaga, eh. Magulo naman talaga ang buhay. May ups and down, di naman kelangan na lagi lang na nasa ups tayo. Syempre dun tayo sa may thrill! Sa may adventure ang buhay. =)))))))) Dibuuh?
Minsan kung di natin kayang tadyakan yung mga problema natin papalayo. Tuhurin na lang natin.. Mag pray tayo. :) Humingi tayo ng guidance Saknya. Di naman Niya tayo papabayaan. Mahal na mahal Niya kaya tayo. Kaya nga Niya sinalba yung buong sanlibutan sa mga kasalanan diba.
Pero yung totoo? San ba talaga ko mag e end up sa mga pinagsasabi ko dito? Actually, these past few months. Naguguluhan na talaga ko sa buhay ko. Di ko alam kung san ako tutungo. Kahit napapakita ko na masaya ako sa maraming tao pero pag nag iisa na lang ako wala akong magawa. Di ko alam kung pano ko iha handle lahat ng 'to. Gusto ko lang talagang lumayo. Kasi di ko na talaga kaya pa.
Ako'y isang nawawalang nilalang.
Subscribe to:
Posts (Atom)