I did. Naks.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako naiistress. Happy-go-lucky naman ako. Wala akong pakialam sa ibang tao basta wag lang din akong pakikialaman. Minsan nga, tinawag akong lutang kasi nga naman daw, pag naglalakad ako e diretso lang ang tingin na parang may takip ang mga gilid ng mga mata. Op kors nasisira lang ang concentration pag may gwapings nang nakasalubong. Para akong sa exorcist na umiikot ang ulo kakahabol ng tingin.
Eniweys, nakakainis mastress. Papasok ka sa umaga, di ka pa man nakakaupo e katakot takot nang sakit ng ulo ang makukuha mo. May mga kaklaseng maiingay... may mga kaklaseng kalikot ng kalikot.. meron ding ikot ng ikot. Ang nakakainis pa e yung mga tipong napakakukulit na kala mo e mga grade 1 lang at tuwang tuwa sa paglalaro. Nak ng teteng, alas 8 pa lang ng umaga, nasisira na agad ang araw mo. Minsan nga e gusto ko hagisin ng mug sa bunganga. Naisip ko lang e sa hirap ng buhay ngayon, dadagdag pa sa gastusin ang pagpapabunot sa mga nasirang ngipin dahil sa binato kong mug.
Isang araw naisipan kong Di na lang magsalita at kumanta sa isipan. Sosyal. Pagmulat ng mata ko napansin ko na parang lahat sila e tahimik at nakatingin lahat sa kin. Bakit wala na kayong maburyong na tao kaya lahat kayo natahimik? Naisip ko na tagumpay ito para laban sa mga kampon ni shalala. Akala ko pa naman e makakatanggal stress ang mga ginagawa ko, pero hinde. di ko mapigilan ang sarili ko sa pagpaptahimik sakanila.
Pag malapit na ang quarter exams, jan mo mararanasan ang tugatog ng stress. Sa mga ganitong panahon kasi papasok ang mga deadlines, last minute meetings, ... lahat ng pedeng gumulo sa magulo mo nang utak, anjan lahat. Ang sakit sa ulo na nagkukumahog kang matapos ang isang bagay e itatapon lang sa mukha mo at sisigaw na "DO IT AGAIN!!!!". Kelangan ko talaga kumaen ng maraming saging, pampasaya daw yun. Nakakatanggal daw kasi ng stress yun pero bakit parang masakit na ata ang tyan ko e lalo pa ata ako nasstress???
Sa wakas tapos na ang araw mo. Sa wakas, makakapagpahinga ka na at matatanggal ang stress sa araw na ito. Pero nung narinig ko yung sinabe sakin ng kaibigan ko... lintik na iyan. Daig pa ang Ligo sardines sa dami ng iniisip ko eh. Grabe. Yung ugat ko noo e naglalabasan dahil sa pagkayamot. Minsan matatyambahan ka pa ng mga ulupong na badtrip din at isasalubong sayo ang mukhang sandamakmak din ang mga problema sa muka[literally]. Shet. Streeeeeeeeeessssss.......
Pagktpos ng mga halos 20 mins. na paglalakad, makakarating na ko sa bahay. Diretso kama ako at excited na nagtanggal ng mga sapatos. Hayy.... ang sarap mahiga ng kama. Hindi pa ko nakakalimang minutong nakahiga e biglang magdadatingan ang mga kapitbahay na kaibigan ko. Dahil pinanganak ata ako na may sumpang hindi pedeng tumanggi, ayun napalibre na nga.. Ok na rin kasi kahit kaunti e natuwa naman ako kakapanood ng mga katropa kong mayayabang sa inuman e puro naman sukahan. Tawa ako ng tawa ng tumingin ako sa relo. Omaygas, alas 6 na ng gabi!!!!
Para akong nahulasan bigla at dali dali akong tumakbo ng bahay. Kelangan ko pa palang alagaan ang kapatid ko sabe ng nanay ko. papaliguan, papakainin at lalaruin. haha. Pero di ko naman talaga ginaga ang mga ito. Kelangan ko lang talaga umuwi ng ala sais.
Okay.. Moving on..
Napaiyak din ako kanina sa balikat ng yurbsii ko. Putsa! Napakadami ko talagang iniisp. Sana wala na kong isip para di ko maisip tong mga iniisip ko. Shet!
Muntik na kong mag breakdown sa sobrang stress.
No comments:
Post a Comment