Tuesday, September 27, 2011

Typhoon!

May nagtanong sa akin:


"Ano ang masasabi mo sa mga taong paiba-iba ang laman ng utak? 'Yung mga taong magulo ang pag-iisip, kumbaga."


At eto ang sinagot ko sa kaniya:


May kilala akong ganyan. Paiba-iba ang laman ng utak niya. Hindi ko siya maintindihan. Nakakainis nga ‘yung ganun eh, ‘yung magugulo ang utak. Minsan nilibre ako nung kaibigan kong ‘yun. Edi natuwa ako kasi ililibre niya ko. Tapos mayamaya eh nagbago nanaman ang isip niya’t nagdesisyon siyang ako na lang ang manlibre sa kanya. At dun ko natutunan na mahalaga pala talaga ang hindi pangtetrend ng ibang tao na.


Okay.. Moving on..


Parang ang layo naman ng titulo ko sa pagk`kwento ko diba? At dahil sa lamig ng panahon at walang pagtapos ng ulan at paghampas ng hangin. Eto pa rin ako, nakatunganga sa monitor na ito at di alam ang gagawin. 


Bwiset na pedring to, eh. Di ba niya naiisip na marami na ang naghihirap ngayon? Yung mga sanga sa puno ng niyog namin nagsibagsakan na. Yung sampayan namin sa garahe na wala na din, linipad. Yung ilog sa bandang marilao eh umapaw na naman. Pano na yung mga nakatira dun? Nakaka awa. Wala akong magawa kung di panuorin ang mga kababayan ko na tinutupok ni pedring. Gusto ko man maging si wonderwoman pero di ko talaga magawa.







Minsan may nagtanong sa’kin kung paano raw ba pinapangalanan ang bagyo. Hindi ko maalala kung ano ang sinagot ko. Siguro nagsesurvey ng isangdaang bobong katao at tinatanong nila kung anong ibibigay nilang pangalan na nagsisimula sa letrang P sa magiging anak nila.
PAG-ASA: Hi sir, itatanong ko lang po sana kung sakaling magkakaroon kayo ng anak na pinaglihi sa bagyo, anong pangalan na nagsisimula sa letrang R ang ibibigay niyo?
100 na bobong katao: Kung magkakaanak ako ng bagyo?  ipapalaglag ko ‘yun!
Asawa ng 100 na bobong katao: Bobo! Pinaglihi lang sa bagyo, hindi mismong bagyo.
100 na bobong katao: Ahh. Eh anong itsura nun kung pinaglihi sa bagyo?
Asawa ng 100 na bobong katao: Edi mukhang ulan!
100 na bobong katao: Ganun ba? Edi Rain ang ipapangalan ko sa kanya.
Asawa ng 100 na bobong katao: Eh bobo ka e.
Ayun sa aking pananaliksik, meron na silang listahan ng mga pangalan na nakahanda na bago pa man dumating ang mga bagyo. At pwede ding maulit ang pangalang ‘yun sa mga susunod na taon.


Ito ang listahan ng pangalan ng lahat ng dadating na bagyo hanggang sa taong 2016. http://www.pagasa.dost.gov.ph/genmet/rpnames.html Tignan mo lang, baka sakaling gusto mo silang iwelcome kapag dumating sila e.


Alam mo ba kung gaano kahalaga ang pangalan ng isang bagyo? Siguro kung gano ito kalakas, pero hindi ko talaga alam.


Isipin mo na lang ang pakiramdam ng mga bagyo ‘di ba? Kung ikaw kaya ang pangalanan ng Ondoy at Juaning, hindi ka ba magwawala?

No comments:

Post a Comment