Bigla kong maiisip na sa ganitong mga pagkakataon tumatamis ang ampalaya.
Unti-unting papasok sa papakitid kong isipan ang mga mumunting pagkukulang ko, na habang tumatagal ay dahan-dahan ding lumalaki. Kulang ako sa pera. Kulang ako sa damit. Kulang ako sa laman. Kulang ako sa talino. Kulang ako sa talento. Kulang ako sa kaibigan. Kulang ako sa pagmamahal.
Siguro nga'y masyado lang akong naghahanap. Masyado akong naghahangad at umaasa na ganito ang kalalabasan ng ganyan, at ganun ang kalalabasan ng ganito. Kaya siguro naging matalik na kaibigan ko ang pagkadismaya.
At bigla akong mapapayuko.
Okay. Moving on..
Kapag pangit ang kinalabasan, pede ka naman daw magsimula ulit. Akala ba nila madaling magsimula ulit? Nakakatamad. Sa hinaba-haba na ng nilakad mo, babalik ka lang pala sa simula. Pero ang maganda lang dun, alam mo na ang mga dapat at 'di dapat na gawin, mga tama at maling diskarte at kung saan nga ba mas magandang dumaan. Dre, sa pagkakamali ka nga raw matututo e.
Pero anu't-ano pa man, mahirap paring isipin na pagkatapos ng lahat eh sa pag-ulit ka lang pala babagsak.
Katulad ng isa kong subject ngayon. Tenang subject 'yan, ang kati. Sa lahat ng subject ko ngayon, ito 'yung pinakamakirot. Tumataginting na palakol ang grades ko nung 1st grading. Hindi ko alam kung bakit ba ganun ang mga marka ko samantalang lagi naman akong pumapasok at lagi naman ako ngngumingiti sa klase. Siguro nga kulang 'yung pagpapacute. Balak kong kausapin 'yung teacher ko dun bago dumating ang kuhanan ng card at tatanungin ko ang grade ko para sa 2nd grading kundi, kakatayin ako ng buhay sa bahay. Minsan nga sumagi sa isip ko na ano kaya kung ialay ko na lang ang sarili ko sakanya? Pwede ba? Haha. Mahirap dito, hindi ko maalis sa utak ko 'yung posibilidad na bumagsak ako at hindi makagraduate dahil sa isang subject na 'yun. Tuwing umaabot sa batok ang ngiti ko dahil sa nginitian ako ng crush ko, bigla namang papasok sa utak ko na pipti-pipti ang grades ko. Tuwing magsasaya kami ng barkada ko dahil mga lasing na, bigla naman akong mag-eemo dahil naghihingalo ang bwisit na grades ko.
At kagaya nito. Sinubukan kong magpost ulit na may konting katuturan. Kahit na sa tingin ko eh gasgas na ang killer typing skills ko at bulok na ang mga ideya ko sa utak. Nitong mga nakaraang araw kasi eh napapalaban ako lagi sa inuman kaya siguro nabobobo na ako. Ayan Estee, kaya ka bumabagsak eh, puro ka inom!
No comments:
Post a Comment