Sunday, April 29, 2012

Ano ang English ng baka? Edi Bakasyon :))

Despite of my busy schedule (weh?), we were still able to find time to celebrate my birthday. Five days of having fun is enough. And being with my family and friends is satisfying. And yes, it's satisfying, and I realized that english doesn’t suit me. Hello grammar nazis! 

Hahaha! Mainit ang singaw ng araw ngayon kaya siguradong nakakatamad na tumambay sa labas. Wala rin naman ‘yung iba kong mga kaibigan sa pagtambay kaya mabuti pang dito na lang siguro ako sa loob ng bahay at tatanga buong maghapon. 

Pero teka` sa pagkakaalam ko ay magku`kuwento nga ko sa mga nangyari sakin sa limang araw na yun. Bumalahaw ang katamaran ko.. naman talaga.

Nagpunta kame ng Zirkoh Tomas Morato nung 24 ng Gabi. At dahil nga birthday ko nun, obligado akong manglibre. Haha. Pero biro lang. Ako mismo nangaya sakanila. 

Naligaw pa kame nung gabing yun dahil nagiba na pala ang pwesto ng zirkoh.. nawalan na kame ng pagasa at napagpasyahan na sa klownz na lang. Ngunit habang nasa daan ay nakita ang zirkoh. Yeeey! Kay kalbo na si waly pa din pala ang bagsak namin.


Syempre ang nagpasaya ng gabi namin na kalbo. :D

At kundi dahil sakanila wala kame dun. =))))) I love you Mommy and Daddy. :**



3:30 am na din kame nakauwi nun at derecho bagsak sa kama. Di pa nga namen alam kung pano kame hahatiin. kung 3 sa kama ko at 3 sa latag sa sahig, para equal diba. Pero napagpasyahan na 4 sa kama ko at 2 kame ni judea sa sahig. Hahaha! 10 30 na din kame nagising nun. Kulang pa yung oras na yun sa tulog namen at lahat bangenge pa. Halos isang araw din wala ang mga kaibigan ko sa bahay nila. At super thankful ako sakanila dahil hindi sila naging kj. Alas tres na din kame umalis ng bahay namin dahil nagka yayaan sa OLEP. =)))))))) At dun.. nagfoodtrip.




Huwebes ng madaling araw ay umalis kame ng pamilya ko. Syempre, family bonding naman. Nagpunta kame eL puerto. =))))))) Konting pictures lang yung maish`share ko dahil sa kabobohan ko na nawala lahat ng pictures ko sa phone ko at yung sa cam lang yung natira. :|

















Lahat naman nag-uumpisa sa isa. Hanggang masundan nang masundan. Magugulat ka na lang, sira na pala ‘yung pundasyon. 

Oo, tatapangan ko. Kapag umabot sa tatlo ang bato, ako na mismo ang sisira sa haligi at hindi ako magsisisi kahit na makita kong sumampal ang mukha ko sa lupa.

Kahit na alam kong ako lang naman ang malalaglag at masasaktan.




Friday, April 20, 2012

Eh ano, eh?


Hello Blogspot!


Ang tagal na din kitang hinde nabubuhusan ng mga kung ano anong kabaklaan, ah. Namiss din kitang pagbuhusan ng mga kadramahan. 

Nagsasawa na ‘ko sa kababawan. Umay na umay na ‘ko sa mga hilaw na katamisan, sa mga komedyang nakakatawa lang dahil sa kaplastikan. Nakakarindi na ang mga reklamo. Nakakasuka na ang mga landi. Gusto ko ng bago.
Gusto ko ng kalaliman. Nagugutom ako sa matatalinong opinyon, sa matatalas na katha at mga pulidong salita. Nais kong lakbayin ang mga daang komplikado. Nais kong umunlad. Bored na bored na ko dito sa pamamahay ko! Gusto ko ng pumasooooooooook! Hahaha.
May napanood akong korean drama dati kung saan naliligo 'yung bidang lalake sa gitna ng lamig ng hating-gabi. Ginagawa niya 'yun para mawala 'yung lungkot na nararamdaman niya. Geez, nasabi ko sa sarili ko. Hindi ko kaya 'yung ganung trip. Siguradong pulmunya ang abot ko kinabukasan. Nawala nga ang lungkot ko, mawawalan din naman ako ng buhay. Teka, nakakamatay ba ang pulmunya?
Gagawin ko sana. Pero..
Tae, isang buhos pa lang, halos masuka ako sa lamig.

Speaking of dramas, siguro naman eh nakapanood ka na ng mga pelikulang ganito ang skema:

Nagkaron ng conflict itong magsyotang bida, at 'di rin nagtagal eh nauwi rin sa hiwalayan. Tapos may makikilalang lalake itong si bidang babae. Sabihin na nating itong si new guy eh 'yung tipo ng lalakeng hahabul-habulin ng mga chikas. Oo, parang perfect boyfriend na siya kumbaga. To cut the story short, babalik din itong si babae dun ke bidang lalake. Bakit kamo? Kasi bida 'yun eh. Kahit anong mangyari, kapwa bida dapat ang magkakatuluyan. Kahit na gaano kaperpekto itong si new guy, hindi parin siya bida. Kadalasang nangyayari 'yan sa mga pinoy movies. Halimbawa eh 'yung Mulawin. LOL.

Ahmm, teka, ano nga bang gusto kong iparating dito. Wala naman. Gusto ko lang sabihin na sa paulit-ulit na nangyayari, siguro eh malapit na kong masanay na hanggang 2nd place na lang.

I'm the great 2nd placer.

Hindi ko alam kung bakit kahit ilang ulit akong magsunog ng pakialam sa tao eh paulit-ulit din akong mistulang nagiging basurero na pumupulot ng basura sa pag-aakalang makakatulong pa ito sa akin.
Pare-pareho kayo.
Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ng lahat ng nangyari ay parang naging hangin na lang ako na walang mukha, kaya di mo makilala. Isa sa pinakamasakit na pakiramdam ay yung tratuhin akong isang estranghero. Pero kahit anong paghihimutok ko, sa huli ay ako rin naman ang magiging talo. Dahil di ako napapagod na umasa.
Siguro eh nangalay na lang ako. Nakakangalay naman kasi ‘yung iwanan kang nakabitin lang sa ere. Kaya siguro naramdaman kong kailangan ko nang gumawa nang paraan para makababa mula sa pagkakabiting ‘yun.
Katulad nga ng sinasabi nila, sayonara. :)


Me mai-post lang. =)))))