Friday, April 20, 2012

Eh ano, eh?


Hello Blogspot!


Ang tagal na din kitang hinde nabubuhusan ng mga kung ano anong kabaklaan, ah. Namiss din kitang pagbuhusan ng mga kadramahan. 

Nagsasawa na ‘ko sa kababawan. Umay na umay na ‘ko sa mga hilaw na katamisan, sa mga komedyang nakakatawa lang dahil sa kaplastikan. Nakakarindi na ang mga reklamo. Nakakasuka na ang mga landi. Gusto ko ng bago.
Gusto ko ng kalaliman. Nagugutom ako sa matatalinong opinyon, sa matatalas na katha at mga pulidong salita. Nais kong lakbayin ang mga daang komplikado. Nais kong umunlad. Bored na bored na ko dito sa pamamahay ko! Gusto ko ng pumasooooooooook! Hahaha.
May napanood akong korean drama dati kung saan naliligo 'yung bidang lalake sa gitna ng lamig ng hating-gabi. Ginagawa niya 'yun para mawala 'yung lungkot na nararamdaman niya. Geez, nasabi ko sa sarili ko. Hindi ko kaya 'yung ganung trip. Siguradong pulmunya ang abot ko kinabukasan. Nawala nga ang lungkot ko, mawawalan din naman ako ng buhay. Teka, nakakamatay ba ang pulmunya?
Gagawin ko sana. Pero..
Tae, isang buhos pa lang, halos masuka ako sa lamig.

Speaking of dramas, siguro naman eh nakapanood ka na ng mga pelikulang ganito ang skema:

Nagkaron ng conflict itong magsyotang bida, at 'di rin nagtagal eh nauwi rin sa hiwalayan. Tapos may makikilalang lalake itong si bidang babae. Sabihin na nating itong si new guy eh 'yung tipo ng lalakeng hahabul-habulin ng mga chikas. Oo, parang perfect boyfriend na siya kumbaga. To cut the story short, babalik din itong si babae dun ke bidang lalake. Bakit kamo? Kasi bida 'yun eh. Kahit anong mangyari, kapwa bida dapat ang magkakatuluyan. Kahit na gaano kaperpekto itong si new guy, hindi parin siya bida. Kadalasang nangyayari 'yan sa mga pinoy movies. Halimbawa eh 'yung Mulawin. LOL.

Ahmm, teka, ano nga bang gusto kong iparating dito. Wala naman. Gusto ko lang sabihin na sa paulit-ulit na nangyayari, siguro eh malapit na kong masanay na hanggang 2nd place na lang.

I'm the great 2nd placer.

Hindi ko alam kung bakit kahit ilang ulit akong magsunog ng pakialam sa tao eh paulit-ulit din akong mistulang nagiging basurero na pumupulot ng basura sa pag-aakalang makakatulong pa ito sa akin.
Pare-pareho kayo.
Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ng lahat ng nangyari ay parang naging hangin na lang ako na walang mukha, kaya di mo makilala. Isa sa pinakamasakit na pakiramdam ay yung tratuhin akong isang estranghero. Pero kahit anong paghihimutok ko, sa huli ay ako rin naman ang magiging talo. Dahil di ako napapagod na umasa.
Siguro eh nangalay na lang ako. Nakakangalay naman kasi ‘yung iwanan kang nakabitin lang sa ere. Kaya siguro naramdaman kong kailangan ko nang gumawa nang paraan para makababa mula sa pagkakabiting ‘yun.
Katulad nga ng sinasabi nila, sayonara. :)


Me mai-post lang. =)))))

No comments:

Post a Comment