Saturday, August 11, 2012

Fear of Rejection :3


Oh eto mabalik tayo sa ka emohan at makabagbag damdaming usapan. Masyado ata ako natuwa sa buhay ko nakalimutan ko na bawal nga pala ako sumaya. Chos.

Alam mo ba ang feeling na parang ginagawa mo na ang lahat pero kulang pa rin? Yung tipong kulang na lang e sungkitin mo ng literal ang mga bituin sa langit? Di ba parang sampal sa mukha na para bang napaka useless ng effort mo?

Ganun siguro talaga pag wala kang boses sa puso nya. Kahit anong sigaw at tawag ay hindi nya maririnig ang mga sinasabi mo. Kahit ilang beses mo nang nag rereach out, ilang beses kang kumakayod para sa isang tao, hindi nya marerealize yun. Kasi nga sarado ang utak nya sa yo. Wala syang ibang maririnig at makikita kundi ang sarili nya ang mga hinaing nya sa buhay. Kaya ayun. Mananatili kang invisible man.

Sabi nila ang mga lalake daw e gusto lang na pinakikinggan sila. E bakit ba minsan itry ko lang nq pakinggan sya e minasama pa at bakit daw ako walang imik. Para daw akong walang pakialam sa kanya. Duh??!!?! Napakamot ulo na lang ako. Mga lalake talaga.

Nakakalungkot lang kasi isipin na gusto mo lang naman sya pasiyahin. Gusto mo lang na maalis yung sakit na nararadaman nya. Ggawin ang lahat-magadvice, tumulong at makinig lang. Pero isa lang ang resulta; isang masamang tao ang tingin nya sa yo. Ang pangit pa dito may mga linya pang "pare pareho kayo. Hindi nyo ko maintidihan!" kung makahambing naman e wagas. Hindi nya malalaman na nakakasakit na pala sya kasi nga, again, sarado ang puso nya sa yo. Ang mahalaga sa kanya ang problema nya lang. Period.

Pero in fairness naman naiintindihan ko mga ganitong tao. Mga may saltik sa utak na konting problema lang e akala mo ay pinagsakluban na ng langit at lupa. Mahirap din naman sila tlaga kalamayin ang loob kasi, again and again, sarado ang puso nila. Sabihin mo nga lang na "ok lng yan" e magagalit na sila sa yo at sasabhing insensitive ka.  pag nabadtrip naman sila sa dun sa nag emo, magagalit na naman at sasabhing walang nakakaintindi sa kanila. Diba?

Para sabihin ko sa mga emo jan na tao, hindi lang kayo ang may problema. Hindi lang kayo ang bumagsak sa isang subject. Hindi lang kayo ang nauubusan o nawawalan ng pera. Hindi lang kayo ang namatayan. Hindi lang kayo ang sinumpang magpapasan ng lahat ng problema. Mas ok nga sana kung ganun pero hindi. Hindi rason na hindi mo mabago ang pagiging negative mo. Yung iba nga e kaya bakit ikaw hindi? E parepareho lang naman ang kinakain natin. Ok lang naman kasi ang malungkot pag narereject pero hanggang kelan mo ba dadamdamin ang problema? Till the end of time? Everlasting? Habang may buhay? Forevermore? Magpakailanman?

Pero syempre dahil hindi importante ang mga iniisip at sinasabi ko, wala na namang makikinig sa kin. Sabi nga nila it's easier said than done kaya alam ko namang mahirap maging positive sa buhay. Pero ang mag emo sa isang bagay ng mas matagal pa sa 3 araw? Hindi pa ba naubos ang luha mo sa isang araw? Kaya sana kayong mga may mga problema.. Bahala kayo!

No comments:

Post a Comment