Saturday, November 9, 2013

Under Construction

Dahil feeling ko masyado nang baduy ang layout na ginagamit ko, sinusubukan ko ngayon eto ayusin. Wait lang dahil di ko mabalik ung mga dati kong widgets. Walangya.

EDIT: Mahirap pala magdesign ng blog. ppffftt.... Pero ayan gamit ang kakaunti kong kaalaman sa pag eedit ng pictures, meron na kaunting kinalabasan.. hindi ko nga lang alam kung maganda.

Monday, April 8, 2013

Napabayaan na


"Minsan talaga ang hirap sumabay sa agos ng buhay eh.." Yan yung mga katagang nakakawalang gana pakinggan, eh. Kung alam mo sa sarili mo na nahihirapan ka na sa buhay mo. Pakatatag lang, dude! Wag mo na sasabayan ng negative doings ang iyong negative thoughts. It will lead you to negative results.

Ang sarap siguro sa pakiramdam nung nakukuha mo lahat ng gusto mo, yung nagagawa mo lahat ng gusto mong gawin sa buhay, yung natatanggap mo lahat ng alam mong desrve sayo at yung either mag expect ka o di ka mag expect ang positive lang lahat ng lumalabas na resulta.

Pero di naman lahat yan makukuha mo sa isang kisap mata, eh. Kelangan din maghirap at magtiwala sa Kanya at sa sarili mo. Hindi naman  ako yung taong sobrang positive, eh. Katunayan nga ang dami ko na ding napagdaanan about sa pagsuko sa buhay pero yun yung mga naglead sakin para marealize lahat ng mga ka-shit-an ko ngayon. Haha. Sobrang dami kong flaws. Inshort, imperfect ako. Eh wala naman talagang perfect na tao, eh. Aba.. bathala ka kung ganun ka.

Minsan kasi sobrang wrong timing lang talaga ang mga pagkakataon sa buhay natin. Minsan nagkakasabay sabay yung mga problema natin. Dagsa dagsaan silang dumadating and only we can do is to keep holding on. Di natin alam kung anong gagawin natin. Madalas pa nga eh sasarilihin lang natin 'to, tinatago lang natin, ayaw nating ipa alam sa iba kung ano yung mga pinagdadaanan natin. May advantage and disadavantage din yung mga ganto, eh. Advantage ang di pagsabi ng problema sa mga taong alam mong makakaintindi sayo kasi maiiwasan ang depression, ayaw nilang nanatili kang malungkot so they'll keep you happy until you can forget the reasons why you're sad, another is the more na open ka sa iba, mas mababawasan yung problema mo and it will give you such relief. Disadvantage naman kase maiisip mo na pag nagshare ka ng problema sa iba makakadagdag lang din to sa bigatin nila kasi lahat naman ng tao may problema, eh. Another is maaring ij'judge ka nila or di kaya ay maari nilang ishare to sa iba, kumbaga di sila makakpagtiwalaan. Hay. Anggulo no? Eh ganyan talaga, eh. Magulo naman talaga ang buhay. May ups and down, di naman kelangan na lagi lang na nasa ups tayo. Syempre dun tayo sa may thrill! Sa may adventure ang buhay. =)))))))) Dibuuh?

Minsan kung di natin kayang tadyakan yung mga problema natin papalayo. Tuhurin na lang natin.. Mag pray tayo. :) Humingi tayo ng guidance Saknya. Di naman Niya tayo papabayaan. Mahal na mahal Niya kaya tayo. Kaya nga Niya sinalba yung buong sanlibutan sa mga kasalanan diba.

Pero yung totoo? San ba talaga ko mag e end up sa mga pinagsasabi ko dito? Actually, these past few months. Naguguluhan na talaga ko sa buhay ko. Di ko alam kung san ako tutungo. Kahit napapakita ko na masaya ako sa maraming tao pero pag nag iisa na lang ako wala akong magawa. Di ko alam kung pano ko iha handle lahat ng 'to. Gusto ko lang talagang lumayo. Kasi di ko na talaga kaya pa.

Ako'y isang nawawalang nilalang.

Saturday, February 23, 2013

Getting tired?

Napapago ka na ba? Napapagod ka na ba sa mga gawaing lagi na lang pare pareho lang ang resulta? Ako kasi.. Oo.

Nakakapagod din pala no.. nakakapagod yung mga efforts na napupurnada lang. Yung mga efforts na napupunta sa wala. Yung mga sitwasyong ganto na alam mo naman yung kalalabasan pero mas naghahangad ka pa ng mas magandang epekto. Pero dahil nga walang kwenta to sa iba, syempre walang makaka appreciate nito. Ilang beses na din ako gumawa ng way para sa mga pagkakataong maari pang isalba ang mga nangyayari. Ilang beses na.. paulit ulit na.. pero wala ngang nangyayari. Sus, nung nagpaulan si God ng appreciation sa buhay, bilib ako dun sa mga taong lumabas ng bahay nila para makasalo nito. May nakakasalamuha din naman akong mga tao na isa dito. Yun yung mga taong hindi mo inaasahan na makakakita nga nito. Pero asa pa ko sa mga taong hindi nakakaappreciate diba? Uulit ulitin ko ba kung naaprreciate nila nung una? Hindi diba. Kagaya nga sa blog ko dati (kung nabasa mo man) insensitive sila. Insensitive sila sa mga nararamdaman. In short, ala silang pakeelam.

Pero sabe nga nila, eh. Kung mahalaga talaga sayo yung tao hindi ka magbibilang ng efforts. Magpapakatanga ka lang para maiparamdam mo saknya na mahala siya. Eh kase yun naman talaga yung dapat eh. Hindi ka hihingi ng kapalit kung willing ka talaga na mapadama sakanya. (ano say ng mapadama 'te? haha) Mag wa pakels ka na lang kung di niya maappreciate no.

Pero kung shunga ka lang talaga yung mga reasoning sa taas no. Di na uso now adays yung mga martyr. Lahat ng martyr binabaril na sa luneta ng nakaharap. Kung tanga ka at nagpapakatanga pa din.. Aba, matinde ka. Hands down ako sayo.

Eh bat ka nagddrama jan? Eh wala naman talaga mapupuntahan yang pinagsasabe mo jan, eh. Ganto naman kasi talaga pag ang tanging nalalabasan mo eh yung blogsite na ito. Ang tanging pinagbubuhusan mo eh yung keyboard mo. Eh bat nga ba ako nagsusulat dito?

Hayy. The right thing in a wrong time is still the wrong thing. May mga pagkakataon talagang nasa sobrang komportable at pagka saya natin sa ibang bagay ay di natin alam na mali na pala ito. Minsan nga mas pinipili pa natin yung mali para sa sarili nating kaligayahan. Pero yung saya na yun ay temporary lang. Parang sinabe mo lang na 'who says that I cant buy happiness? I can buy chocolates so I can buy my happiness' luuuul! Ako nga kaya kong bumili ng Pocket pizza at Jap. foods, eh. Eh yun yung hapiness ko eh. Pero pag naubos na. Di na happy. Oh diba? Kaya ko din naman lagi pumunta sa gig ng kazee, udub, PNE at chcsi eh. Pero pag pauwi na ko. Waley na. Gets mo to pick up! :D

Sigurado ka bang magiging permanent yang happiness na yan kung kaen ka lang ng kaen ng chocolate? Permanent ba yan? Maybe it takes a lifetime para mahanap natin yung permanent happiness natin. Ang kailangan lang natin ay contentment sa buhay.

Now or never lang naman yan eh. It's your choice!