Saturday, February 23, 2013

Getting tired?

Napapago ka na ba? Napapagod ka na ba sa mga gawaing lagi na lang pare pareho lang ang resulta? Ako kasi.. Oo.

Nakakapagod din pala no.. nakakapagod yung mga efforts na napupurnada lang. Yung mga efforts na napupunta sa wala. Yung mga sitwasyong ganto na alam mo naman yung kalalabasan pero mas naghahangad ka pa ng mas magandang epekto. Pero dahil nga walang kwenta to sa iba, syempre walang makaka appreciate nito. Ilang beses na din ako gumawa ng way para sa mga pagkakataong maari pang isalba ang mga nangyayari. Ilang beses na.. paulit ulit na.. pero wala ngang nangyayari. Sus, nung nagpaulan si God ng appreciation sa buhay, bilib ako dun sa mga taong lumabas ng bahay nila para makasalo nito. May nakakasalamuha din naman akong mga tao na isa dito. Yun yung mga taong hindi mo inaasahan na makakakita nga nito. Pero asa pa ko sa mga taong hindi nakakaappreciate diba? Uulit ulitin ko ba kung naaprreciate nila nung una? Hindi diba. Kagaya nga sa blog ko dati (kung nabasa mo man) insensitive sila. Insensitive sila sa mga nararamdaman. In short, ala silang pakeelam.

Pero sabe nga nila, eh. Kung mahalaga talaga sayo yung tao hindi ka magbibilang ng efforts. Magpapakatanga ka lang para maiparamdam mo saknya na mahala siya. Eh kase yun naman talaga yung dapat eh. Hindi ka hihingi ng kapalit kung willing ka talaga na mapadama sakanya. (ano say ng mapadama 'te? haha) Mag wa pakels ka na lang kung di niya maappreciate no.

Pero kung shunga ka lang talaga yung mga reasoning sa taas no. Di na uso now adays yung mga martyr. Lahat ng martyr binabaril na sa luneta ng nakaharap. Kung tanga ka at nagpapakatanga pa din.. Aba, matinde ka. Hands down ako sayo.

Eh bat ka nagddrama jan? Eh wala naman talaga mapupuntahan yang pinagsasabe mo jan, eh. Ganto naman kasi talaga pag ang tanging nalalabasan mo eh yung blogsite na ito. Ang tanging pinagbubuhusan mo eh yung keyboard mo. Eh bat nga ba ako nagsusulat dito?

Hayy. The right thing in a wrong time is still the wrong thing. May mga pagkakataon talagang nasa sobrang komportable at pagka saya natin sa ibang bagay ay di natin alam na mali na pala ito. Minsan nga mas pinipili pa natin yung mali para sa sarili nating kaligayahan. Pero yung saya na yun ay temporary lang. Parang sinabe mo lang na 'who says that I cant buy happiness? I can buy chocolates so I can buy my happiness' luuuul! Ako nga kaya kong bumili ng Pocket pizza at Jap. foods, eh. Eh yun yung hapiness ko eh. Pero pag naubos na. Di na happy. Oh diba? Kaya ko din naman lagi pumunta sa gig ng kazee, udub, PNE at chcsi eh. Pero pag pauwi na ko. Waley na. Gets mo to pick up! :D

Sigurado ka bang magiging permanent yang happiness na yan kung kaen ka lang ng kaen ng chocolate? Permanent ba yan? Maybe it takes a lifetime para mahanap natin yung permanent happiness natin. Ang kailangan lang natin ay contentment sa buhay.

Now or never lang naman yan eh. It's your choice!

No comments:

Post a Comment