Hayy. Juskooo. Di ko alam kung matutuwa ba dapat ako o hinde, eh. Biyernes, araw ng wika sa SOLS. Kami ay lumaban sa patimpalak ng katutubong sayaw. At naisip namin na TINIKLING dapat ang sayawin namin dahil ito ang pambansang sayaw ng ating bansa. Isip dito isip doon ng mga steps. Pero.. walang mailagay sa isip. Nawawalan na ng pag asa. Lahat kame sinasabi na kaya namin to.
..............
Dalawang araw na lang? Oo dalawang araw na nga lang ang natitira para magisip kame kung anong gagawin namin. Sa unang araw, naghanap na kame ng buho. Buti na lang may nahanap kame. Nung ika hapon` binigyan kame ng time para magpractice pero wala kaming nagawa kasi ang hirap controlin ng mga kaklase ko. Ang nagawa lang name ay magpukpok ng magpukpok ng kawayan. As in yun lang talaga. Ni`formation nga.. Walaaaaaaaa eh... Nawawalan na talaga ako ng pag asa. Zzzzzz.
Alright.
Ikalawang araw. Sasali pa ba tayo? Ika ng bawat isa. Nabadtrip na ako, naiyak na ko, nag walk out na rin ako. Ohmeygaaawwwdd! Pero section ko to! Kailangan may gawin ako. Pagkatapos ko umiyak, bumalik ako sa covered court. Nag kunwari lang ako ng di nag walk out, kunwari kinuha ko yung tema at kinopya ko. Hahaha! Syempre, para hindi halata. Pagbalik ko naman ng covered court, di ko naman nahalata sa muka nila na natatawa sila dahil bumalik ako. Hahaha. Chos!
Back to the ball game. Last 2 hours na nga lang ang natitira.
4 o`clock na at uwian na. Pinapaalis na kame sa covered court at di namin alam kung san na nga ba kame magp`practice dahil wala pa kameng nagagawa kahit isa. At nung nakapasok na kame sa small gate ng school kung san kame pinadpad ng mga kawayan namen ay dun kame nagstay. Actually, umuulan na nga nun eh. Pero hindi kami natinag, nagpaulan na nga kame. Last 1:30 mins na lang ang natitira.
Ako: St.Luke ayos na tayo..
At ayun umayos na nga ang lahat. Lahat pinapaalis kame. Si Sr.Beth, Manong guard, Sir.Amodia at Ang adviser namin na hindi naman kami sinusoportahan ay pinapaalis kame. Buti na lang to si Sr. Letty masayang nanunuod samen. Tinuturuan pa nga kame kung pano ang gagawin namin.
Madami ng nagawa.....
Shet. Adrenaline rush!
Sr. Letty: Last 5 mins.
St. Luke: Opo, saglit na lang po to..
At ng 6`oclock nagpaysa kame ng itigil na. Bukas na lang daw. Ang usapan 4:00 am sa covered court. Pero nagsimula kame ng 5:30. Funny isn`t? Filipino time nga naman.
Araw ng patimpalak.
Panagalawa pa kameng magpe`perform. Ohmeygaaawwddd! Wala na talaga kameng nagawa. 2 hours? Dere`deretso kame. Hahaha. Sabi namin ie`enjoy na lang namin. At pagdating nga sa stage. Yeah! \m/ We really enjoy it! Nagkalat kame. Hahaha.
Sinasabi na yung mga nanalo..
Emcee: 1st place.. Ikaapat na pangkat... (di na kame umaasa na mananalo kame. Kasi ang alam talaga namin yung kabilang section na yung mananalo. natutulog na nga lang kame eh) SAN LUKAS!
Ang dami naming reaction. Ako natulala na lang dahil di ko alam kung totoo nga ba ang narinig ko, dahil nga nagkalat kame. Haahahaha! Pero ayun, naiyak talaga ako. Di sayang yung paghihirap ko. :))
I`m so proud sa section na to. See? Wala kameng proud and supporting adviser pero nagagawa naming tumayo sa sarili naming mga paa. Alam namin kung anong ibig sabihin ng FOLK DANCE sa MODERN. Hahaha. LoLjk. Baka resbakan niyo ko. Pero.. Seryoso.. Di kame nagexpect.
Aaaaaaaaand.. Nga pala. Last option kame dahil yung iba na disqualified kasi nag modern. Pero a tleast. We did it! :))
Ako yung nasa stage. ;)
St.Luke..
Oh diba? Halatang di kame prepared. Hahaha
PS: Being bitter is a waste of time. It doesn't change anything. It messes with your mind and steals your happiness. :)) So, don`t be.
Aaaaaaaaaand.
Please? Walang trashtalk-an. Tanggapin na lang. ;)
No comments:
Post a Comment