Tuesday, September 27, 2011

Typhoon!

May nagtanong sa akin:


"Ano ang masasabi mo sa mga taong paiba-iba ang laman ng utak? 'Yung mga taong magulo ang pag-iisip, kumbaga."


At eto ang sinagot ko sa kaniya:


May kilala akong ganyan. Paiba-iba ang laman ng utak niya. Hindi ko siya maintindihan. Nakakainis nga ‘yung ganun eh, ‘yung magugulo ang utak. Minsan nilibre ako nung kaibigan kong ‘yun. Edi natuwa ako kasi ililibre niya ko. Tapos mayamaya eh nagbago nanaman ang isip niya’t nagdesisyon siyang ako na lang ang manlibre sa kanya. At dun ko natutunan na mahalaga pala talaga ang hindi pangtetrend ng ibang tao na.


Okay.. Moving on..


Parang ang layo naman ng titulo ko sa pagk`kwento ko diba? At dahil sa lamig ng panahon at walang pagtapos ng ulan at paghampas ng hangin. Eto pa rin ako, nakatunganga sa monitor na ito at di alam ang gagawin. 


Bwiset na pedring to, eh. Di ba niya naiisip na marami na ang naghihirap ngayon? Yung mga sanga sa puno ng niyog namin nagsibagsakan na. Yung sampayan namin sa garahe na wala na din, linipad. Yung ilog sa bandang marilao eh umapaw na naman. Pano na yung mga nakatira dun? Nakaka awa. Wala akong magawa kung di panuorin ang mga kababayan ko na tinutupok ni pedring. Gusto ko man maging si wonderwoman pero di ko talaga magawa.







Minsan may nagtanong sa’kin kung paano raw ba pinapangalanan ang bagyo. Hindi ko maalala kung ano ang sinagot ko. Siguro nagsesurvey ng isangdaang bobong katao at tinatanong nila kung anong ibibigay nilang pangalan na nagsisimula sa letrang P sa magiging anak nila.
PAG-ASA: Hi sir, itatanong ko lang po sana kung sakaling magkakaroon kayo ng anak na pinaglihi sa bagyo, anong pangalan na nagsisimula sa letrang R ang ibibigay niyo?
100 na bobong katao: Kung magkakaanak ako ng bagyo?  ipapalaglag ko ‘yun!
Asawa ng 100 na bobong katao: Bobo! Pinaglihi lang sa bagyo, hindi mismong bagyo.
100 na bobong katao: Ahh. Eh anong itsura nun kung pinaglihi sa bagyo?
Asawa ng 100 na bobong katao: Edi mukhang ulan!
100 na bobong katao: Ganun ba? Edi Rain ang ipapangalan ko sa kanya.
Asawa ng 100 na bobong katao: Eh bobo ka e.
Ayun sa aking pananaliksik, meron na silang listahan ng mga pangalan na nakahanda na bago pa man dumating ang mga bagyo. At pwede ding maulit ang pangalang ‘yun sa mga susunod na taon.


Ito ang listahan ng pangalan ng lahat ng dadating na bagyo hanggang sa taong 2016. http://www.pagasa.dost.gov.ph/genmet/rpnames.html Tignan mo lang, baka sakaling gusto mo silang iwelcome kapag dumating sila e.


Alam mo ba kung gaano kahalaga ang pangalan ng isang bagyo? Siguro kung gano ito kalakas, pero hindi ko talaga alam.


Isipin mo na lang ang pakiramdam ng mga bagyo ‘di ba? Kung ikaw kaya ang pangalanan ng Ondoy at Juaning, hindi ka ba magwawala?

Monday, September 26, 2011

Those moves of jagger. :)

Reporter: Kung ikaw ay prutas ano ka at bakit?
Esteeliling: Manga! Kasi parang manga, seasonal lang din ako... seasonal gumana ang utak.

Aaaaaaaaaahhhhhh......

Uu korni, alam ko na yan at wala ako pakialam. Lumipas ang ilang araw, ngayon ko lang ulit ito nabisita. Nagdaan na ang mga bagyo, ang nuknukan ng init ng panahon, ang anniversary ngayon ng bagyong ondoy, ang pagka panalo ni shamcey supsup bilang 3rd sa Ms. Universe at ang pag alis ni mariel sa ABS-
CBN, ngayon ko lang naisip na aba, meron nga pala akong hobby nung panahon ni kopong kopong.

Napaisip lang kasi ako. Talaga bang mahirap magtapat ng pag-ibig? Ako kasi bias, magiging may tililing ba ako kung ganun lang kadali yun. E bakit yung iba, nagkakasyota ng sandamakmak? Yung tipong buhok sa ulo ang ginagamit na pambilang ng mga gelpren. Life is unfair talaga.

Pero pano naman kung babae ang gustong magtapat? Keribels lang ba ito?

Sa panahon na ito kasi di na uso ang Maria Clara. Yung mga manang ngayon e nagiging tagapag alaga na lang ng mga pamangkin o minsan e apo sa kapatid. Wala na tayo sa panahon na kelangan ang lalake ang mag da moves. Wala na rin yung tipong mambubulahaw ka para lang mangharana. Kung meron mang mga lalakeng dinadaan sa kanta ang panliligaw, ang paborito ng mga kabataang lalakeng panligaw e S2pid Luv. O aminin, maraming jejemon at mga batang nakapatong lang sa ulo ang cap. Pero no offense sa mga ganun pumorma, pero karamihan e ganun ang style talaga.

Pano nga ba tatanggapin ng mga lalake ang panliligaw or pag amin ng isang babae sa nararamdaman nya? Meron pa bang martir ngayon at sasabhing "Eww... Turn off naman nanliligaw sa lalake... ewwww"? Hindi ba mas tataas pa nga dapat ang pogi points mo to the highest level pag napunta ka sa ganitong sitwasyon? E ano nga ba ang mapapatunayan mo kung ligawan ka man ng babae? Pride? Susme, ang mga mapapride ngayon e binabaril na sa Luneta.

Kung mga matatanda naman ang tatanungin mo, siguradong isang malaking "X" ang ibibigay sa yo (bilang babae). Katakot takot na flashback ang ipamumuka sa yo kung pano niligawan sya ng lolo mo at kung bakit dapat e mag ala Maria Clara ka. Baka nga tanungin ka pa kung nahawakan na ba ang kamay mo at sampalin ka na lang habang sinasabing "ILANG BUWAN NA ANG LAMAN NG CHAN MO??!?!?" Minsan nga natatawa na lang ako. Bakit ang laki ng pagkakaiba ng noon at ngayon. Tatahimik na nga lang ako. Ayoko naman din mamuhay sa panahon ng hapon.

Pero ako sa totoo lang, taas kamay ako sa mga babaeng nagagawa ang mga ganitong bagay. Ika nga e No guts! No glory! Kung kaya mong sumakay sa rumaragasang ilog kahit na alam mong kahit anong oras e pwede kang mahulog o mauntog sa mga bato, go lang. Basta wag ka lang aaray kapag nakita mong tatamaan ka na pero di ka pa rin umilag. Hindi ko kasi alam ang pakiramdam ng babae pag nababasted kaya wala ako sa lugar para sabhing "Madami pang lalake jan". Lalaki kase ako. Haha






........Tama!

Wednesday, September 21, 2011

Normal na Juan Dela Cruz

normal adj. 1 ang mga regular na, average, dati,
run-of-the-mill, ordinaryo, unibersal, pangkalahatan, karaniwan,
tipikal, ayos lang

Average.... ordinaryo.... karaniwan....

Marami sa tin na ganito ang description sa halos lahat na bagay. Kapag tinanong mo kung maganda ang pelikula, ang karaniwang sagot ay " ayos lang.." Kapag tinanong kung madali ba ang exam, ang sagot ay "ayus lang". Pag tinanong ka kung pogi ang boylet ni babae ang sagot e "Mabait" (Although malayo sa normal ung sagot, pero yun kasi lagi ang ordinaryong sagot ng mga tao).

Ganyan tayo. Ganyan ako. Isang normal na babae na may normal na buhay na may normal na pamilya na may normal na pangarap. Wala ka itulak kabigin sa kin. Isa akong napaaaaaaka normal na tao...

Na sa sobrang normal e nakakainis na....

Hindi kasi ako katulad ni anne curtis na maganda . Hindi kasing sexy ni ehra madrigal (Lamang lang sya ng mga.... 30 paligo). Di rin ako kasing galing kumanta ni Regine velasquez. Hindi rin ako kasing galing ni Michelle Gumabao sa volleyball. In short... wala akong talent. Kumbaga, isa akong jack of all trades... pero master of none. Pero diba atleast nagagawa mo ang maraming bagay. Yun nga lang, wala kang fans kasi NORMAL ka lang. Hindi nag eexcel, hindi nag sstand out.

Bata pa lang ako alam kong nakasulat na sa gulong ng palad na magiging isang saling pusa ako sa buhay. Nung elementary ako, out of 46 pang 16 lang ako. Nung 3rd year highschool, out of 80 pang 19 lang ako. At ngayong 4th year di ko alam kung san ako pupulutin. Oh diba? San ka pa? Nung nagtapon ng katalinuhan, kagandahan at lahat ng kung ano ano pang maganda e parang half sleep ata ako.

Di ko nga alam bat ganito ang naging buhay ko. Dati lagi ko sinasabi na magiging presidente ako ng Pilipinas. Pero parang hanggang presidente lang talaga ng klase ang maabot ko dahil nga sa utak kong kulelat. Napakaplain, napakasimple. Wala akong katangian na mapapa WOW ang mga tao. Kahit nga sa pagsusulat, masasabi ko pa ring average lang din ako. Hindi ako ganun kahaba mag essay lalo na pag tungkol sa kahibangan yang mga topic katulad na lang nga "RH Bill", bwiset na rh bill yan. Pati ba naman yan isasali sa exam? Pag tagalog naman, puro ka jejehan ang nasusulat ko sa katamaran ko magtype. Pano ba aaasenso ang mga taong average lang? Wala. Mag uubos ka ng 12 oras sa assignment mo pero line of 7 pa din yung makukuha mo.

Yan naman ang realidad ng buhay e. Mga matatalent, winner. Mga average, Loser. Kahit sa larangan ng pag ibig e. Ano pipiliin mo? Yung gwapo o yung normal lang (like, mabait?). Wag impokrito syempre mas mapapa first look ka sa may itsura at hindi sa hitsura pa.


Pero in fairness naman, may mga advantages din naman ang pagiging plain or normal e. Hindi ka mahoholdap kasi iisipin nila wala ka namang pera. Hindi ka makukuyog ng mga tao, kasi hindi ka naman pansinin. Bago ka pag isipan ng masama ng mga tao, yun munang mga mukang halang ang bituka ang iinvestigahan. Hindi ka mapapagod pag may liga kayo kasi hindi ka na mapapansin ng coach mo para paglaruin ka. Pwede ka rin magkasyota, yun e kung totoong merong taong naghahanap ng "simpleng" magiging kapartner (Kung meron man, takte, jackpot yun pre). Oh diba napakarami?

Ikaw? Gusto mo bang maging average joe lang? Gusto mo bang matulad sa kin na parang hatsing lang na pagkatapos kang i hatsing e pupunasan ka lang ng tissue? Ayaw mo? Pwes simulan mo nang magka ADHD at magpakabibo. Sumisip sa Teacher at gawin ang lahat para mag stand out.

At habang ginagawa mo yan, nawa e hindi ka patulan ng mga tao sa paligid sa pagiging epal. Ayt~

Sunday, September 11, 2011

Leggo.

Sabi nila, pag mahal mo ang isang tao, kaya mong tanggapin lahat lahat - ultimo di nya pagsisipilyo, di niya pag papabango o kahit di siya maligo ng 1 linggo, lahat yan keri lang. Pero ganun nga lang ba un kadali?

Nanonood ako kanina ng -------- di ko alam yung title eh, basta sa velvet na parang PBB ang dating, at meron dung mag asawang pumasok at isa pang lalake. Ang ginawa eh kunwari ang mag asawa ay ung babae at ung isang lalake na kasabay nila pumasok. Inisip ko na madali lang yun. Ano ba yung magkunwari ka lang na parang di kayo magkakilala, habang yung di mo kilalang lalake ang hahawak sa kamay ng asawa mo... hahalik... yayakap... TEKA! amp moments yun ah.

Napaisip ako ng saglit habang pinapanood ko yun. Kahit na di ako gano naniniwala sa mga drama nyang mga reality tv shows na yan, parang napatanong ako sa sarili ko.. ang hirap siguro makita ang mahal mong may kalampungang iba. Kahit ba laro laro lang ito, nakakapraning.

E pano naman kung yung nakaraan ng mahal mo ang humahalukay ng utak mo?

Accept the past, sabi nga nila. Kasama raw ang past, present at future ng isang taong mamahalin mo. Pero ganun lang ba ito kadali gawin? Hindi ko alam kung anong pampamahid ang iniinom ng iba, pero di ko makita ang point na magawa ito. Sabi nga ni kaibigan na itago na lang natin sa pangalan na KJo, the point is pointless. Maiisip mo pa rin yung maaari nilang ginawa or ginagawa bago ka dumating sa buhay nila.

Oo, alam ko namang mali ang pag iisip na iyon. Mas nauna sila sa buhay ng mahal mo, kaya wa say tayo dun. Ang point ko lang eh, di mo naman maiiwasang masaktan diba? Kahit ulit ulitin mo sa kokote mo na "ok lang yun" o kaya "tapos na yun", Andyan pa rin ung kibot sa mga varicose veins mo na nagsasabing "Pffffttt.... Time out, masakit." Pero andyan na yan eh, isa syang package deal na pang TV shopping na may "but wait there's more" na selyo.

Ang masakit pa dyan eh kung lahat ng nauna sa yo eh nasa paligid mo lang. Yun bang tipong kaharap lang ng bahay ng bf mo ang ex nya. Yun bang tipong katropa mo pa ito. Yun bang tipong minsan e nakukuha pang manghingi sa yo ng candy. Minsan nakakainuman mo pa ito (o sila). Kaya mo bang lunukin ito lahat at sabhing DARNA... este... wala yan?

The more kasi na nakikita mo ang nakaraan nya, the more na nagpupumilit yang takot at selos na pumasok sa bunbunan mo. At the more na makikita mo ang mga ito, the more mo rin maiisip at minsan matratrauma sa mga maaaring nangyari sa kanila. Pano pa kung alam mo mismo ang mga nangyari, yari ka. Kung nahilo kayo sa dami ng paulit ulit na salita, skip to the next paragraph.

Maaaring sabihin nyo na napakababaw nitong mga sinasabi ko pero nangyayari ito. Siguro nga merong mga taong dedma lang sa ganitong mga set up. Taas dalawang kamay ko sayo at everyone, join me, "Congratulations!!!".... isa kang ulirang babae.

Hindi naman masama sabihin ang nararamdaman mo sa iyong boypren. Hindi kalokohan ang pag amin na nagseselos ka, o di kaya ay di ka komportable sa setup o sitwasyon nyo(LoL. Pero di ko ginagawa to, haha.). Wag magpaka feeling matigas ka na kunwari di apektado sa mga nakikita. Sana lang pag nagsabi na ang mga babae sa mga lalake ng mga bagay na ito eh pakinggan naman. Minsan kasi ang nangyayari eh nagagalit din sila at pilit sinasabing wala na daw, wala na daw. Ano ba alam nyo sa nararamdaman naming mga babae? Hindi nyo ba alam na the more nyo kinakausap ang nakaraan nyo, mas lalo lang nag shoshortcircuit ang lohika ng tao?

Friends lang daw sila. Yan ang numero unong rason ng mahal mo. Yan din ang numero unong rason kung bakit natututo magselos ang mga kabataang tulad ko. Lalo na kung alam mong masakit malaman ang nakaraan, talaga wow pare, bigat. Pero ginusto mo yan eh. Kung ayaw mo ng ganitong setup, breakin mo. Ganun lang kasimple yun.........




.......diba.

Wednesday, September 7, 2011

It depends upon ourselves

Napanood ko last week ang final destination 5, at anak ng tokwa, inakakadiri talaga. Nakakapigil hininga, napapa "eeeeee" nga ako eh. Nakakasuka daw, pero di naman ako tinamaan. Manhid na ata ako (bitter). Pero pramis, panoorin nyo sa sinehan, wag sa pirated dvd. walang thrill. Ang mga binibili lang na pirated e mga bold at tagalog movies. Haha!

Anyways, ndi tungkol sa final destinantion ng mundo ang topic ko ngayon. Hihi!  Naranasan nyo na bang maging invisible man? Alam niyo ba yung feeling na yun? Yung para ka na rin kasi nilamon ng ga-building na baha dahil ndi ka nag eexist. Kumbaga, parang patay ka na rin.

Mahirap ang pakiramdam pag invisible man ka. Sana nga e talagang wala ka jan para kahit pano magagawa mo ang lahat; kumaen ng kumaen, manira, magnakaw at kung ano ano pang kasamaan pero hindi. Nakikita ka pa rin ng tao, pero para ka lang tae na parang ayaw ni tingnan man lang.

Sino nga ba ang may gusto maging invisible man? Sino ba ang may gusto na para ka lang utot na dadaan at makakalimutan na maya maya. Sino ba ang may gusto na wala kang makausap kasi pakiramdam mo e wala rin namang makakarinig sa yo. Yung tipo ba kahit ba magbigti ka jan eh maaagnas ka na lang eh di ka pa rin pinapansin. Wala. Siguro kung naging aso tayo o isda na simple lang mag isip, pwede pa. Pero hindi e. Tao tayo. Masakit sa kasin kasin na balewalain ka ng mga tao.

Kung iisipin naman, maraming dahilan kung bakit nagiging invisible man ang tao. Minsan sa katigasan ng ulo, pinipili na lang ng mga tao sa paligid na dedmahin na lang. Minsan makapal ang mukha mo na wala ka naman trabaho eh umaaasa ka pa rin sa magulang mo. Syempre mag gagalit galitan portion sila at di ka na lang papansinin. Meron naman talagang tinamaan ng malas at walang nagmamahal sa kanila. Yun yung mga lehitimong(sinearch ko pa talaga tong word na to. HAHA!) invisible man.

Kahit ano pa man ang mga dahilan, di pa rin masaya maging invisible man. Oo nga, nakakakain ka, nakakatulog ka, nakakagala ka ng walang nakikialam sayo pero the hell naman. Kahit pano naman makakaramdam ka ng hiya diba? Minsan mag eeffort ka, pero babaliwalain ka lang, ano pa gagawin mo kundi magpatuloy na lang sa pagiging invisible? Kung maghihintay ka naman na pansinin, mas malabo kang makawala sa sumpang iyon.

May mga tao naman na mas pipiliin na lang maging inbisibol...

Minsan kasi ang mga magulang, hindi nila napapansin na nasasaktan na nila ang mga anak nila. Yung iba nga, hindi naman kilala ang anak nila pero kung mapagsabihan nila ang mga anak nila e kala mo close sila. Hindi naman maaalis yung utang na loob eh. Alam naman natin na kung wala sila, wala rin tayo. Sa puntong ito, mas gusto mong maging inbisibol. Minsan nga magtatanong ka ng gagawin, dededmahin ka lang at kala mo eh isang utot lang ang narinig nila.

Ang nakakatawa minsan e pag akala mo eh nalampasan mo na ang invisible man stage. Ayan ok na ang lahat, maayus na ulit. Hindi ka na samang loob na nagkatawang tao. Pero ilang araw lang e babalik na naman sila sa dati na di ka tatantanan hanggang sa maging inbisibol man ka ulit. Sayang lang ang effort.

Ano nga ba ang nararamdaman ng isang true blue invisible man? Huwag mo itanong yan sa mga magulang at baka ikaw e madamay sa listahan ng mga taong ginawa nilang inbisibol men. Hindi nila maiintindihan ang generasyon ito. Ni hindi nga nila nalalaman kung ano nga ba interes ng kanilang mga anak. Kasi nga, singaw ka lang. Wala kang silbi sa mundo.

Naalala ko tuloy nung ako eh inbisibol din sa amin. Pinagalitan ang mga kapatid ko. Mejo natuwa nga ako nun kasi feeling ko kasama ako dun, hindi na ko inbisibol. Nung nagsalita ako na "may ginagawa lang po akong assignment" ang sagot ba naman eh "Hindi naman ikaw ang kinakausap ko at wala akong pakialam kung may assignment ka!" Oh yes diba? Pero in fairness naman e kinausap ako, pero wala daw siya pakialam. Ironic.

Ganun lang siguro talaga, magulang sila. Anak ka lang. Wala kang karapatang magalit. Kahit may oras na tama ka, mali ka pa rin. Kung ako nasa kalagayan nila, mas pipiliin kong maging inbisibol na lang. Kesa naman araw araw magtalo dahil hindi nila maintindihan ang kanilang mga anak.

Siguro ulit ulitin mo na lang ito sa utak mo:

Isa akong utot
Isa akong sama ng loob
Nabubuhay ako para hindi pansinin
Nabubuhay ako dahil invisible ako

Congratulations! Welcome sa tililing family! Hahaha!