Showing posts with label kalokohan. Show all posts
Showing posts with label kalokohan. Show all posts

Thursday, December 22, 2011

LSS ng may tililing

Habang nakaupo at nag-aayos kuno ng aking mga bitbit na groceries sa loob ng mall, bigla na lang tumugtog ang isang mabagal at tila madramang awitin. Sa aking panandaliang pakikinig, ang tanging naalala ko ay ang mga salitang,

“It’s not over… until you say goodbye.”

 
Hindi ko alam kung ang mga salitang iyan ay kabilang sa isang pangungusap o sa dalawa o sa tatlo. Hindi ko rin alam kung tama ang pagkakasunud-sunod ng mga salita. Ang tanging alam ko, iyang pitong salitang iyan lamang ang natira sa loob ng espasyo ng ulo ko. At sa isang iglap, bigla na lamang nahalungkat ang mga binaon kong alaala.

Tatlong tao na ang pumiling magpaalam sa akin. Hindi dahil natigok sila (huwag naman sana) ngunit dahil pinili nilang magpakalayo-layo. Lumisan sila ng hindi ko man lamang alam kung bakit. Kung kaya’t hanggang ngayon, kapag di-sinasadyang naaalala ko, lagi kong iniisip na marahil isa akong walang kwenta.

Siguro may nakakainis akong pag-uugali. Siguro hindi ko maibigay kaagad kung anuman ang gusto nila. Siguro. Siguro. Ngunit napagtanto kong mabuti na ring hindi ko malaman dahil pagod na akong magbalik-tanaw sa mga nakaraan. Okay na yung mga ganitong araw na paminsan-minsan, mala-Maalaala Mo Kaya ang drama ko. Para maiba naman. 

Bigla kong naisip ang blog entry ng isa sa mga blogger dito na hindi ko siya masyadong kilala pero lagi ko siyang sinusubaybayan. Sino nga ba sa amin ang mas tanga? Siya na nagmamahal ng isang taong hindi naman sinusuklian ang kanyang pag-ibig? O ako na nagmahal na ng ilang beses ngunit parati nalang palpak? Sa totoo lang, hindi ko tiyak. Basta sa isip ko, dahil ako si Esteeliling, ako dapat ang mas tanga. Mas tunggak sa mga bagay-bagay. Mas hangal pati na sa aspeto ng pag-ibig. Pero more than that, ayoko lang ding mababa ang tingin nitong blogger sa kanyang sarili. 

Napakatalino niyang babae. Kahanga-hanga mag-isip sa lahat ng bagay. Alam kong hindi pa siya tuluyang nag-fu-FULL FORCE sa pag-ibig o sa pakikipagrelasyon. Kung kaya’t sa tingin ko, mas may pag-asa siyang agad makahanap ng para sa kanya. Samantalang ako’y nakakadalawang palya na. Huwag kayong mag-alala. Hindi ako humahagilap ng simpatya. Mas kailangan yun ng mga namatayan. Ibigay niyo na lang yun sa kanila. Ang sa akin lang, sapat na ang magkaroon ng isang tanga sa mundong ito. At hindi  itong tinutukoy ko.

Ako ang taong pahahalagahan ko kung anuman ang pinagsamahan natin. Lagi kang mananatiling parte ng aking mundo. Ngunit kung pinili mong tuluyan nang iwanan ako...

“Don’t hide yourself in regret / Just love yourself and you’re set / I’m on the right track, baby / I was born this way.”
Sa isang kisapmata, agarang nalusaw lahat ng mga iniisip ko. Matagal na palang nagpalit ng track na pinapatugtog sa loob ng mall. Napaisip ulit ako. Kahit pala may pagka-gaga o pagka-tukmol yang si Lady Gaga o di kaya may pagkasapi ng anumang masamang espiritu ayon sa maraming Kristyano, paminsan-minsan may silbi din siya sa lipunan.


Thursday, December 8, 2011

50th

It is with a heavy heart that I take up the pen to write the words you are reading this very moment, stranger. Heavier, still, is the pen itself dahil exagg lang daw ang biglang pag-English sa bungad.

Ilang gabi na rin akong nakakatanggap ng banta sa aking buhay mula sa blog ni Esteeliling dahil sa hindi pagsusulat sa blog na ito. Ano nga ba naman kasi ang aking maiaambag? E mula nang mamulat ako sa mundo at magkaroon ulit ng twitter ay never in my tanang buhay pa ako ulit na sumulat dito. Pero joke lang. haha.

Ngunit masisisi niyo ba ako? Sa murang edad na labinglima, maaga akong naulila at kinailangang ipadala sa evil stepsisters sa Bundok Tralala para magtanim ng kamote at doo’y maging living lampaso with built-in washing machine and baking oven nila. Nilakipan ng proof of purchase ng Knorr chicken cubes of any variant, sinobre, hinulog sa dropbox sa may suking tindahan, sabay nawala rin sa Customs. Tuluyan nang mag-isa sa buhay, napilitan akong kumayod para may makain at may pang Venti White Chocolate Mocha Frap: naging takatak girl; namasada ng dyip; naging manikurista, barista, masahista, La Sallista, ateista, komunista; naging si Batista; nag-artista hanggang sa nalaos at nauwi uli sa pagiging manikurista. Hindi na rin bago sa akin ang bumagsak sa finals, ma-late sa job interview, ma-two-time ng jowa, o ma-jebs sa MRT habang rush hour. Ako ang batang walang makain sa ilalim ng tulay. Ako ang sigaw sa Balintawak. Ako ang ninakaw na kaban ng bayan. Ako! AKOOOOOOOOO!

*hingal dahil nasobrahan sa OA*

Ngunit, subalit, datapwat, ako rin ay ang may tililing mong kainuman sa unang gabi ng iyong breakup. Ako ang suspension of classes dahil may bagyo. Ako ang napulot mong isandaang piso (na tigba-barya). Sa kabila ng lahat ng kamalasang ‘to sa buhay, ako ang kasama at kakwentuhan mo sa pagtuklas ng mga dahilan para ngumiti at tumawa, ng mga munting bagay na patunay na ang buhay ay nananatiling masaya.

Ako si Esteeliling, ang inyong vice-governor.

Ay teka, matagal pa pala eleksyon.

…Ahem.

Ako si Esteeliling. ‘Lika, kwentuhan tayo.


Tuesday, November 22, 2011

Emoterang esteeliling

Babala: Ang sumusunod ay bugso ng aking emosyon. Pagbigyan niyo na ko please.

Nitong mga nakaraang araw di ko makakaila na wala ako sa aking sarili. May kung anong mabigat na pakiramdam na nagdudulot sa akin ng kalungkutan -- na parang maraming bagay ang mali. Nagsimula ang lahat nung Lunes at tila kasabay ng pagdating ng panibagong yugto sa buhay ang panibagong teacher sa physics ay mukang binagyo na ang lahat.

Signal I. Walang nangloloko kung walang nagpapaloko. 

Isang kasabihan na talaga namang hindi ko maalis sa aking isipan. At dahil sa kasabihan na yan, naisip kong walang taken for granted kung walang nagpapa-taken for granted. Marahil alam niyo na kung ano ang ineemote ng ate niyo. 

Ok na sana eh, tinulungan ko siya at nagthank you naman siya. Pero bakit di ko maalis sa isipan ko na alam niya ang nararamdaman ko at kaya siya sa akin humingi ng tulong ay dahil di ako makakatanggi. Palagi na lang kasing ganun. Ako naman si tanga, palaging pumapayag. Nagemotera lang ako nung sinubukan ko siyang kamustahin matapos kong gawin ung favor niya. 

At ayun, hindi na naman siya sumagot sa tanong ko. Tila magrereply lang siya kapag siya ang may kailangan. Badtrip. Nakakainis. Mula nung gabing yun, tuloy-tuloy na ang emote ko. "Ayoko na!"-- paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili kahit pa pauli-ulit din naman akong fail! Sana lang this time mapanindigan ko na.

Signal II. Friends come and go

Ayoko sanang maniwala sa quote na yan. Kung merong isang bagay akong ipagmamalaki, yun ay talagang pinapahalagahan ko ang aking mga kaibigan. Once na maging close ako sa isang tao, mabilis akong ma-attach. 

Pakiramdam ko talagang close friends na tayo. Lalo pa kapag may "grupo" na tayong kinakabilangan. Isang grupo na sana ay magtatagal ng habambuhay. Pero hindi pala ganun yun sa ibang tao. Kung minsan, napipilitan lang pala sila dahil sa ibang rason. 

Akala ko close na kami, yun pala ayaw lang niya mapalayo sa isang kaibigan niya kaya siya sumama sa grupo. Kaya naman, bigla-bigla na lang din siya aalis at mang-iiwan. Biglang hindi mamansin at kakalimutan na lang ang lahat. 

Ang saklap! Nakakalungkot pero ng dahil sa kanya, naisip kong may mga ilang bagay na hindi mo pwedeng ipilit. Dahil sa kanya, natatakot na akong ma-attach sa mga tao. Ayoko ng ganun, 'one day close friends tayo the next day kebs sayo'. Pero apparently, isang katotohanang walang equal kahit sa pagkakaibigan. Ayun.

Signal III. Saan ako patutungo?

In english, where do I go from here? Ako na ang kuma-career crisis. Mula pa nung isang buwan ay napapaisip na ako sa aking future. 

Oo, ako ay nag-aaral ngayon at ang hindi pa din malinaw sa akin. Hindi ko mahanap ang specific field na magiging buhay ko. Maraming tanong ang di ko masagot. Maraming posibilidad ang aking naiisip. Ika nga, I need divine intervention or enlightenment. Siguro nga dumadating ang lahat ng tao sa ganito. Yung tipong bigla ka na lang mapapaisip kung saan ka patutungo. Minsan naman alam mo ang patutunguhan pero di mo naman alam ang daan. 

At sa totoo lang, alam ko namang lahat ng kasagutan ay wala sa kasalakuyan. Pero masasabi kong ayos ding mag-reality check once in a while. At inaamin kong wala pa akong sagot sa aking sarili pero isang malaking hakbang ang pagkakaroon ng tanong sa buhay. Sana sa mga susunod na buwan ay matuklasan ko din ang nais ko.

Signal IV. Tira-tirang damdamin.

May mga pagkakataong sa dami ng emosyon, di maiiwasang kung anu-anong bagay ang dumadapo sa isip ko. Paminsan nasasabi nating napapagod na tayo. At ngayon, sinasabi kong napapagod na ako. 

Kung kaya't pinipikit ko ang aking mata at tinutulog na lang lahat ng sakit at emosyon na gusto kong kalimutan. Alam kong sa aking pagising ay wala namang nabago ngunit kahit papaano ay pakiramdam ko ay may bagong pagkakataon ako para bumangon at maging matatag sa lahat. At sa pagsulat ko nito, unti-unting gumagaan ang aking pakiramdam. Salamat.



Tuesday, November 15, 2011

Two is better than one.

"E ano nga ba ang pakialam ko kung magalit sila? E sa mahal ko e, paki ba nila!"

Yan. Exactly. Yan ang mga madalas na linya ng mga taong pumapasok sa bawal na pag ibig. E bakit nga ba? E ano nga ba ang alam ng mga impokritong tao tungkol sa pag ibig? Naranasan na ba nilang may kahati sa atensyon? Naranasan na ba nilang umagaw ng mga nakaw na sandali? Naranasan na ba nilang mag date habang katext nung isa ung jowa nya? Wala. Wala silang alam. Ang hirap kaya nun diba? Kung tutuusin, mas bilib pa ko sa kabit, kasi nagagawa nyang isakripsyo lahat para dun sa isang taong yun. Hindi lahat kaya isuko ang pride ang makuntento sa hating pag-ibig. Pede na nga syang barilin sa Luneta. Isa syang bayani.

Ang hindi ko lang maintindihan, sa dinami dami ng tao naman kasi na magugustuhan mo, e yun pang may kadena na sa leeg. Ilang bilyon ba ang mga tao? Anong probability na sa ilang bilyong tao na meron ang planetang ito, sya pa ang napili mo? Ang weird. Destiny? No way. Kahit kelan hindi ko matatanggap na dahil sinabi ng kalangitan, dahil nagtugma ang mga zodiac sign nyo, dahil nagpantay pantay ang mga planeta, dahil may falling star, ibig sabihin ay meant to be kayo. Ano kayo mga hayop? Na kahit sino na lang pwede?

Sabi ng iba, gusto nila ng challenge... ng thrill kaya nila nagagawa yun. Pwde ka namang tumalon sa hinulugang taktak o kaya mag slide mula Tagaytay papuntang Taal. Yun, napakachallenging nun. Anong thrill ang mapapala mo sa pagiging isang kabet? Yung thrill na baka mahuli? Yung challenge na kaya mong agawin ang isang taong taken na?

Ganyan daw kasi tayong mga tao - marupok. Mas inuuna ng tao ang puso kesa sa utak. Bakit nga ba ganun e ang silbi lang naman nga ng puso ay magbomba ng dugo para mabuhay tayo. Bakit pilit nating binibigyan ng ibang trabaho ang puso natin? Huwag na natin antayin na mastress ang puso natin at magpasa ng resignation letter.

Karaniwan, inililink ng mga tao a.k.a. tayong mga babae ang bawal na pag ibig sa mga lalake. Mga lalake raw ang madalas gumawa ng ganito. Mga lalake raw ang dapat sisihin kung bakit nauso ang salitang "Kabet". Oo normal sa lalake ang magkagusto sa iba. Narinig ko nga dati na ang mga lalake raw ay likas na polygamous. Minsan pa nga daw kaya lang naman nagkakaroon ng kabet ang lalake dahil iba ang habol nila. Pero wala namang magiging manyak, ma-EL na lalake kung walang malanding babae, diba? Wala namang mangyayari kung hindi mo titingnan o ieentertain yung thought na "Ui, pwede to ah?". Dito magsisimula ang walang katapusang turuan na wala naman talagang makakapagsabi kung sino ang nauna. Hindi kayo papayag sa sinabi ko diba?

Kaya nga bilib na bilib ako kay Ramon Revilla at Robin Padilla, eh. Hindi naman daw sila babaero, habulin lang daw talaga sila ng babae? Natatawa na lang ako habang binabasa ko yung artikulo tungkol dito. Sabi nga nila, yun daw yung "matinik". 

Kaya kayong mga lalake kahit gaano kayo katinik, mas malupet pa din ang woman`s instict. Kung naamoy namin na nambabae kayo, di na kame titigil sa kakaamoy. Mati`trigger na yung utak naming magkunwaring wala kameng alam. Pero ang totoo, nagiipon na kame ng mga sinyales. Kahit simpleng galaw mo lang, iisipin namen na may kalokohan ka nang ginagawa. 

Yung mga "what if..", "try not to be serious in our relationship, I enjoy na lang natin ngayon kung anong meron tayo", "Taga san ka? Uy, taga dun din ako, sabay na tayo" at "Miss, may nakaupo na ba dito?" lines. Lul niyo! Bulok na yan.

Kaya sa susunod na gagawa kayo ng katarantaduhan, subukan niyong magconsult saming mga babae.

Sa huli wala rin naman ako magagawa. Ano nga naman ba ang karapatan kong magsermon e wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. LoLjk

"Ang tunay na lalaki ay hindi nagbibilang ng babaeng shinota niya, ang binibilang niya ay yung mga babaeng hindi niya pinapansin para sa taong mahal niya"







Wednesday, October 26, 2011

Kwentuhan tayo..

Marami ang nagsasabing mas maganda at mas masarap raw mag-usap habang naglalakad. Isang gawaing minsan ko lang magawa. Masarap ngang makipagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Nagkakabigayan ng opinyon, nagkakalabasan ng kalokohan, at nagkakapalitan ng tawa.
Mas trip kong makipagkwentuhan ng one-on-one habang nakatambay sa ilalim ng langit at nakahilata sa damuhan. Parang job interview ang dating. Masinsinan ang kwento, walang ilangan, may sense at mas maririnig niyo mga bulong sa bawat pasigaw na litanya.
Sabayan mo pa ng beer at kaunting mani. Perpektong bonding-moments-with-matching-iyakan-side-dish na.
At dahil nga magk`kwentuhan tayo. Marami tayong topic ngayon. Kung ano ano lang, kung anong sumagi sa utak. =)))))))))
Positive Poles
Minsan, naisip kong mabuti din ang pagiging nega. Hindi naman sa sobrang nega na nagiging pabrika ka ng negative vibes. ‘Yun bang tipong hindi ka umaasang magiging positibo ang mga mangyayari. Iniisip mong may mangyayaring aberya sa bawat plano kaya hindi mo maiiwasang magtago ng Plan B na minsan pa nga’y umaabot hanggang saPlan Z v42.6.
Ang kinagandahan ng ganitong pag-iisip ay hindi ka masyadong maaapektuhan ng pagkabigo. Hindi na kasi masyadong malakas ang impact sa’yo ng isang pangyayari kung inaasahan mo na ito sa una pa lang. Ang masarap pa dito ay kapag maganda ang naging resulta ng lahat na taliwas sa inaasahan mo.
Puro ang tuwa. Solido ang tagumpay.

At dahil nga sabaw ako ngayon, may iba nanaman akong it`topic

HOW TO BE SOSYALERO/SOSYALERA

1.Tumambay lagi sa Starbucks. Maghapon, magdamag. Butasin ang pwet kakaupo at kakahigop ng kape. ‘Wag kalimutang kuhanan ng letrato ang sarili habang nakabalandra ang baso ng nasabing kape. Gawing profile picture sa Facebook ang nakuhang letrato at lagyan ng caption na “I Love Starbucks.”
Purgahin mo ang sarili sa malamig na kape.
2.Palitan ng titik ‘E’ ang letrang ‘O’ sa mga salitang bibigkasin ninyo.
Halimbawa: Dorm - Derm, Sabon - Saben
3.Umupo sa driver’s seat ng kotse ng kaibigan. Kunan ng letrato ang sarili. Siguraduhing makikita sa letrato na hawak mo ang manibela. ‘Wag kalimutang ngumiti na may kasamang yabang at magpasalamat sa kaibigan.
Ipost sa Facebook ang larawan. Lagyan ng caption na “Badtrip, tumaas nanaman ang gasolina.” at gawing primary picture.
4.‘Wag kalimutang singitan ng salitang “bitch” ang bawat sasabihin. Puwedeng sa gitna, sa unahan o sa dulo ng mga sasabihin mo.
5. Kapag inabot ng pag-aalburuto ng tiyan habang namimili sa mall, ‘wag kang matataranta. Dumaan muna sa isang mamahaling restawran at umorder ng marami. ‘Wag nang kainin ang inorder dahil baka lalong magalit ang tiyan mo. Ibulsa ang libreng tissue.
Dumiretso sa restroom. Diretso ang lakad na para bang wala kang nararamdaman. Ngitian ang mga makakasalubong at punasan ang mukha kapag pinagpapawisan.
Paalala: Ang susunod na gagawin ay kinakailangan ng matinding timing. 
Hawakan ang flush kasabay ng pag-upo sa toiletbowl. Siguraduhing sasabay ang pagflushmo sa pagbagsak ng dumi sa tubig ng inidoro. Kapag nagawa ng tama, siguradong walang makakaamoy ng sama ng loob na inilabas mo. Gamiting panlinis ng puwet ang libreng tissue na nakuha sa restawran. Lumakad palabas ng restroom

Hahahahahaha!
Maligayang pakikipagsosyalan! =)))

Tuesday, October 25, 2011

Irrelevant.

Ang boring. Nakakawalang gana. Nakakawalang buhay.



Nakakapagod kumilos ng kumilos, o gumalaw ng gumalaw pero mas nakakapagod ‘yung hindi ka makagalaw ayon sa gusto mo. Nakakasawa. Nakakasakal. Hindi ka malaya, nakatali ka.
Nakakainis kapag hindi mo magawa ang isang bagay hindi dahil pinagbabawalan ka kundi dahil baka may magalit o may maapakan ang paa, o ego.
Hindi ka pwedeng umalis at humiwalay papunta sa lugar na gusto mong puntahan dahil sasabihin nilang nang-iiwan ka.
Hindi mo pwedeng ilibre itong isa dahil magseselos ang iba.
Hindi mo pwedeng gastusin ang sarili mong pera dahil baka sa mga susunod na araw eh kailanganin nila.
Hindi mo magawa ang mga bagay na gusto mo dahil ayaw nila.
Hindi ka makapagsuot ng mga trip mong damit dahil nababaduyan sila.
Nakakasakal.
Bakit ba sa bawat hakbang ko eh kailangan ko pang isipin ang iba? Bakit kailangan ko pang isipin ang mararamdaman nila? Bakit kailangan ko pang isipin kung gusto o ayaw nila?
Nakakapressure.
Hindi ko pwedeng sabihin na ayaw ko na dahil magagalit sila. Susumbatan ka nila. Wala kang kwenta.
Naba`blanko ang utak ko ngayon at kung ano ano na lang pumapasok sa utak ko at yun ang tinatype ko. Pasensya na.

Okay? Moving on..


May nagtanong sa’kin dati kung ano raw ba ang pinagkaiba ng selos at inggit. Bigla ko lang naalala, kasi wala akong magawa at Martes ngayon at wala talaga akong magawa.
Ano nga ba ang pinagkaiba ng selos at inggit? Sa unang tingin ay parang iisa lang naman sila ng kahulugan, pero kapag tinignan mo ng mabuti ay malalaman mo kung ano nga ba ang pinagkaiba nila. ‘Wag mo lang pakatitigan ng husto dahil baka kung ano ang makita mo. K.
Selos. Inggit. Paano nga ba natin mahihimay ang selos at inggit? Naaalala ko dati na ikinumpara ko ito sa isang saging. Halimbawang binigyan ng saging ng kaibigan mo ‘yung isa niyo pang kaibigan, at ikaw ay hindi nabigyan.
Posibleng  maging masaya ka para sa kaibigan mo dahil sa nakatanggap siya ng saging pero kung kupal ka, posible namang makaramdam ka ng selos o inggit. Pero paano mo nga ba masasabi kung selos o inggit ‘yung nararamdaman mo?
Ganito lang kasimple ‘yan. Kung nasabi mo sa sarili mo na sana ako ‘yung binigyan niya ng saging, selos ‘yan brad. Pero kung nasabi mo naman sa sarili mo na sana ako din nabigyan niya ng saging, ‘yan naman ‘yung tinatawag na inggit.
Hindi lang naman sa saging applicable ‘yan, pwede ding i-apply ‘yan sa lahat ng prutas katulad ng papaya, pinya o talong. Kaso gulay ‘yung talong e.

Irrelevant nga diba?

Sunday, September 11, 2011

Leggo.

Sabi nila, pag mahal mo ang isang tao, kaya mong tanggapin lahat lahat - ultimo di nya pagsisipilyo, di niya pag papabango o kahit di siya maligo ng 1 linggo, lahat yan keri lang. Pero ganun nga lang ba un kadali?

Nanonood ako kanina ng -------- di ko alam yung title eh, basta sa velvet na parang PBB ang dating, at meron dung mag asawang pumasok at isa pang lalake. Ang ginawa eh kunwari ang mag asawa ay ung babae at ung isang lalake na kasabay nila pumasok. Inisip ko na madali lang yun. Ano ba yung magkunwari ka lang na parang di kayo magkakilala, habang yung di mo kilalang lalake ang hahawak sa kamay ng asawa mo... hahalik... yayakap... TEKA! amp moments yun ah.

Napaisip ako ng saglit habang pinapanood ko yun. Kahit na di ako gano naniniwala sa mga drama nyang mga reality tv shows na yan, parang napatanong ako sa sarili ko.. ang hirap siguro makita ang mahal mong may kalampungang iba. Kahit ba laro laro lang ito, nakakapraning.

E pano naman kung yung nakaraan ng mahal mo ang humahalukay ng utak mo?

Accept the past, sabi nga nila. Kasama raw ang past, present at future ng isang taong mamahalin mo. Pero ganun lang ba ito kadali gawin? Hindi ko alam kung anong pampamahid ang iniinom ng iba, pero di ko makita ang point na magawa ito. Sabi nga ni kaibigan na itago na lang natin sa pangalan na KJo, the point is pointless. Maiisip mo pa rin yung maaari nilang ginawa or ginagawa bago ka dumating sa buhay nila.

Oo, alam ko namang mali ang pag iisip na iyon. Mas nauna sila sa buhay ng mahal mo, kaya wa say tayo dun. Ang point ko lang eh, di mo naman maiiwasang masaktan diba? Kahit ulit ulitin mo sa kokote mo na "ok lang yun" o kaya "tapos na yun", Andyan pa rin ung kibot sa mga varicose veins mo na nagsasabing "Pffffttt.... Time out, masakit." Pero andyan na yan eh, isa syang package deal na pang TV shopping na may "but wait there's more" na selyo.

Ang masakit pa dyan eh kung lahat ng nauna sa yo eh nasa paligid mo lang. Yun bang tipong kaharap lang ng bahay ng bf mo ang ex nya. Yun bang tipong katropa mo pa ito. Yun bang tipong minsan e nakukuha pang manghingi sa yo ng candy. Minsan nakakainuman mo pa ito (o sila). Kaya mo bang lunukin ito lahat at sabhing DARNA... este... wala yan?

The more kasi na nakikita mo ang nakaraan nya, the more na nagpupumilit yang takot at selos na pumasok sa bunbunan mo. At the more na makikita mo ang mga ito, the more mo rin maiisip at minsan matratrauma sa mga maaaring nangyari sa kanila. Pano pa kung alam mo mismo ang mga nangyari, yari ka. Kung nahilo kayo sa dami ng paulit ulit na salita, skip to the next paragraph.

Maaaring sabihin nyo na napakababaw nitong mga sinasabi ko pero nangyayari ito. Siguro nga merong mga taong dedma lang sa ganitong mga set up. Taas dalawang kamay ko sayo at everyone, join me, "Congratulations!!!".... isa kang ulirang babae.

Hindi naman masama sabihin ang nararamdaman mo sa iyong boypren. Hindi kalokohan ang pag amin na nagseselos ka, o di kaya ay di ka komportable sa setup o sitwasyon nyo(LoL. Pero di ko ginagawa to, haha.). Wag magpaka feeling matigas ka na kunwari di apektado sa mga nakikita. Sana lang pag nagsabi na ang mga babae sa mga lalake ng mga bagay na ito eh pakinggan naman. Minsan kasi ang nangyayari eh nagagalit din sila at pilit sinasabing wala na daw, wala na daw. Ano ba alam nyo sa nararamdaman naming mga babae? Hindi nyo ba alam na the more nyo kinakausap ang nakaraan nyo, mas lalo lang nag shoshortcircuit ang lohika ng tao?

Friends lang daw sila. Yan ang numero unong rason ng mahal mo. Yan din ang numero unong rason kung bakit natututo magselos ang mga kabataang tulad ko. Lalo na kung alam mong masakit malaman ang nakaraan, talaga wow pare, bigat. Pero ginusto mo yan eh. Kung ayaw mo ng ganitong setup, breakin mo. Ganun lang kasimple yun.........




.......diba.

Saturday, August 20, 2011

O8.18

Mga taong walang magawa sa buhay..


Religion/christian living time namin ngayon. Mag a`act daw kame as grade five pupil to be ready for our cathecism sa pabahay elementary school. Biro mo yun? 4th year palang kami pero magiging teacher na kame. At ang ituturo namin ay religion, ewan ko ba kung bakit pinaka ayaw ko na subject to. Hindi naman sa hate ko si GOD pero na bo`boringan talaga ako sa subject na to and its all because of our subject teacher. Lagi akong tulog sa klase na to. Parang ang mga kaklase kong walang magawa. Lahat na lang may sariling mundo at bihira lang ang makikinig.


*mga iba`t iba kong naririnig:


(at dahil nga mag a`act kame as gr. 5)
Paula: Ano yung templo?
Eldon: Yung malaki.
Joshua: Eeeewwww.
[ang green ng utak nila]


*eto pinatayo kami, ituturo daw ang sign of the cross (kunwari di namin alam)


*lahat nagsisigawan na penge daw ng candy


*etong mga katabi ko (team mapagmahal) ay eh ang iingay. Banatan ng banatan
Tokz: Mahal ko pa ang buhay ko
Erwin: -____-
Tokz: Eh ikaw ang buhay ko


*si willie the pooh nakangiti magisa.


*si carls tsaka angeline ang sweet. kala mo naman sila. nakasandal sa isa`t isa


*si jim nilalambing si basbas. Pa hard to get naman si basbas


*si porniyang kinakamot yung likod ni eulita.


*si kuya emar inaantok na naman.


*may nagbigay sakin ng pluma ko. Almost 3 weeks ko na tong hinahanap. Naiyak na nga ko eh.


~may ginawa nga pa lang tula ang mapagmahal~


ETO:


Ang pagibig isipin mo, pag iniisip, nasa puso
pag nasa puso, nasa isip, kaya ito`y magulo
Pag ibig na akala mo ay totoo na:
Yun pala`y panandaliang dadaan lamang

Mag - isip, malungkot, mayamot ay napagdaanan,
maging masaya`y ni minsa`y di naranasan,
Lintek na pag ibig ba`t pa naramdaman?

Umaga, tanghali, gabi sayo`y nakatuon
Kahit na kinakain ko lang ay tutong
Dahil yan lamang ang pinapakain sakin taon taon
Kaya naman lumalaki na ang aking ut*ng

Pati aso namin pagkain tutong
Galing sa carinderya, pati sabaw ng pagong
Di makatulog sa gabi iniisip ang aso naming na ulol
Dahil sa tahol ng tahol, ayun nga naulol!

At paglipas ng isang taon, kapit bahay namin na bulol
Ng dahil sa aso naming na ulol
Pati pinsan ko hindi na makapag OL
Paksyet1 Lahat na na-olol.
LOL!

-mapagmahal team

Random day.. Tawa na lang

Tuesday, July 26, 2011

It`s you na naging dahilan.

"It's not you, it's me"

Yeah, yeah. Common line ng mga nakikipagbreak. Hindi ko nga ba alam bakit eto ang common gamitin ng mga taong magdaling magsawa. Wala na bang maisip na irarason at yan ang favorite nyong line? Hindi mo ba masabing "E ang takaw takaw mo kasi." O kaya "konti na lang kasi kahawig mo na yung suwelas ng paborito kong chucks." O di kaya "Parang machine gun kasi bunganga mo."

Masakit nga naman kung yun ang sasabihin. Para lang kasing nakakaloko. Pag sinabihan kayong ganyan, tanungin nyo na kung ano ba ang mali sa kanya. Tingnan mo kung makakasagot yan. 9 out of 10 matatagalan sumagot at mag iisip pa yan. (Gumawa pa nga ako ng sarili kong survey haha)

Bakit nga ba nauuwi sa break up ang isang relasyon? Hindi magkasundo ng ugali? Nakakasakal? May mga bwisit na magulang na hinahamak ang pagkatao? Weh?

E kung di ka ba naman isa't kalahati... Kaya nga nagkakaroon ng ligawan diba? Kaya nga may salitang ligawan para makilala nyo ang isa't isa. Kaya nga nagkakaroon ng mga date para maintindihan mo kung bilmoko at bilmokonyan yung nililigawan mo. Kaya nga merong pasundo sundo sa skul para malaman mo kung handa magsakripisyo ang mga lalake. Kaya nga merong madalas nababasted tulad ng iba dahil sa lintek na ligawan na yan. But that's another issue :)

Kung iisipin mo naman e talagang yan ang mga dahilan kung bakit ka nanliligaw. Ang nakakainis lang kasi e karaniwan din ang pagiging plastik pag umaakyat ng ligaw. E pano ba naman ganito ang setup ng mga lalake:

1. Suot ang pinakabagong polo na bili sa tyangge.
2. Bagong gupit lagi, bagong paligo at laging nakagel.
3. Laging naka Tommy na pabango, minsan Coolwater pag ubos na pabango ni utol.
4. Galante, laging may dalang ferrero rocher o kaya toblerone. Pag nawalan ng laman ang pitaka choc nut na lang..
5. Nag aral ng GMRC, napakagalang at napakabait.
6. Nagmumog ng honey, ang tatamis ng lumalabas sa bibig.
7. In connection to # 4, lagi ring may dalang mga pasalubong para sa mga nakababatang kapatid.

E sino bang di maiinlove sa mga ganyan? Kung yung nakikita mong tao e kala mo santo sa sobrang bait. Di magtatagal at sasagutin na sya ng babae. Habang tumatagal:

1. Laging nakasando na, minsan lumalabas pa ang utong.
2. Long hair na, sa ulo pati sa ilong. May maaamoy ka na rin na kakaiba na karaniwang masakit sa ilong.
3. Baby cologne ang laging amoy nya.
4. Mas madalas mangutang kesa manlibre (o magbayad).
5. Naninigaw na. Akala mo e nakahire ng katulong kung makautos.
6. Lumalaklak ng sili, mura ng mura at kala mo demonyo sa anghang magsalita.
7. Inuutusan pa ang kapatid para bumili ng yosi nya.

Dyan na magsisimula ang break ups. Dyan na sasabihin nung makikipaghiwalay na "It's not you, it's me." na ang ibig sabihin talaga e "It's not you that I love, It's me na nandidiri na sa yo." Bakit nga ba kasi di na lang ipakita sa nililigawan mo ang totoong ikaw? Hindi naman matatago ng pabango at gel ang sarili mong baho. Hindi naman pwedeng habambuhay kang magiging hunyango at isang araw e lalabas din ang tunay mong kulay. Hindi ba mas ok na makita niya kung anong klase kang halimaw ngayon kesa magulat sya na ang tupa palang inaalagaan nya e isang lobo pala?

Sinubukan kong basahin ang mga sinulat ko sa taas. Ang dame kong ka leche leche na pinagsasabi pala. hahaha. Baka epekto na din siguro to ng mga ka leche leche na tao.

Pero seriously diba? Hindi ko naiisip na pagmamahal ang tawag mo dun kundi panloloko lang. Sabi nga nila, kung gusto ka nung tao, kahit ano pang baho ng alipunga mo, mamahalin at mamahalin ka niya. Mas gusto ko pa yung mga tipong Robin Padilla-style(yung corny) ng panliligaw kesa naman para kang orocan na puro kaplastikan lang. Marami ang nauuwi sa hiwalayan dahil sa mga ganitong rason.

Minsan naman, meron talagang mga tao na masasabing hustler sa mga relasyon. May mga lalake/babae na magaling dumiskarte. Yun bang tipong mabulaklak ang mga dila at lahat e kaya mapasagot. Naiinis ako sa mga taong ito. Naiinis ako kasi sila yung madali talaga akong mapa oo. Hahaha!

Ito yung mga taong ginagawang katuwaan lang ang pakikipagrelasyon. Ito yung mga taong pinagkaitan ng laruan nung bata kaya hayan, ngayon naglalaro. Kapag nakuha na nya ang/ang mga gusto nya sa taong yun, itatapon nya na to na parang basahan. Dito na rin magsisimula yung mga lines na "It's not you, it's me." na ang meaning naman e "Sorry, it's not you , It's me na nang uto sa yo." Ingat ingat lang kung ganito kayo. Ang karma andyan lang yan. Pinsan nga daw yan ni Kamatayan e. Pareho rin silang biglaan kung dumating. Oooooh?

Meron din namang totoo ang naging relasyon. Yung tipo bang talagang nagkainlaban ang dalawa. Yun bang hindi nagpakaplastik, pareho nila tinanggap ang pagkukulang ng isa't isa. Typical love story diba? Pero hindi. Masyado sila nagiging busy sa mga sarili nilang buhay. Unti unti na nawawala yung tamis nila. Nawawala na yung bonding na kelangan para maging pundasyon ng isang relasyon. Dito na papasok ang break up dahil nagfall-out na sila. Ang relasyon na ganito ay parang kandila na dumating na sa dulo at naubos na. Ito yung mga nakakalungkot kasi sayang. Nakakalungkot dahil minsan na din ako nakaranas ng ganito.

Ito ang nakakainis (O nakakatuwa?) na rason ng break ups - Pagiging machine gun.

Sino nga ba ang matutuwa kung ang karelasyon mo e sanay sa pakikibakbakan? Yun bang tipong mga Last Action Hero na hindi nauubusan ng bala at tuloy tuloy lang ang baril? Ang pinagkaiba lang nila e si Schawsde.....neger e sa baril pumuputok. Ito naman ay sa bibig.

Ito yung mga tipong sobrang seloso/selosa. Hindi ko naman sinasabing masama ang magselos. Sabi nga ng mga matatanda, Isa daw itong sign ng pagmamahal sa yo ng isang tao. Pero what the fvck mehn! Kung ito ang iuulam mo sa umaga, tanghali at gabi, never mind na lang pare. Nakakainis ba minsan e makita ka lang na may kausap na lalake/babae e raratratin ka na at walang tigil ang putak. Hindi mo lang matext minsan e tatawagan ka pa at saka pagbababarilin ang tenga mo. Yun bang minsan e kabisado mo na lahat ng sasabihin nya - kung gano katgal bubuka ang bibig nya, kung ano lalabas sa bibig nya, ilang exclamation point, ilang period... - Yan. Yan ang authentic na "It's you, yes, IT'S YOU!!!" na rason kung bakit nagkakahiwalay. Minsan lang di ko masisi yung mga ganung tao. Siguro lang e sobra lang magmahal yun kaya walang ibang ginagawa kundi pumutak ng pumutak. Makabasag na eardrums na pagmamahal.

Basta ako, ang masasabi ko lang, wala akong pakialam sa mga breakups na yan. Paki ko ba, e hindi pa nga nagiging kami e break na agad kami. Kaya wala talaga ako pakialam. Pero joks lang~ hahaha.