Tuesday, November 15, 2011

Two is better than one.

"E ano nga ba ang pakialam ko kung magalit sila? E sa mahal ko e, paki ba nila!"

Yan. Exactly. Yan ang mga madalas na linya ng mga taong pumapasok sa bawal na pag ibig. E bakit nga ba? E ano nga ba ang alam ng mga impokritong tao tungkol sa pag ibig? Naranasan na ba nilang may kahati sa atensyon? Naranasan na ba nilang umagaw ng mga nakaw na sandali? Naranasan na ba nilang mag date habang katext nung isa ung jowa nya? Wala. Wala silang alam. Ang hirap kaya nun diba? Kung tutuusin, mas bilib pa ko sa kabit, kasi nagagawa nyang isakripsyo lahat para dun sa isang taong yun. Hindi lahat kaya isuko ang pride ang makuntento sa hating pag-ibig. Pede na nga syang barilin sa Luneta. Isa syang bayani.

Ang hindi ko lang maintindihan, sa dinami dami ng tao naman kasi na magugustuhan mo, e yun pang may kadena na sa leeg. Ilang bilyon ba ang mga tao? Anong probability na sa ilang bilyong tao na meron ang planetang ito, sya pa ang napili mo? Ang weird. Destiny? No way. Kahit kelan hindi ko matatanggap na dahil sinabi ng kalangitan, dahil nagtugma ang mga zodiac sign nyo, dahil nagpantay pantay ang mga planeta, dahil may falling star, ibig sabihin ay meant to be kayo. Ano kayo mga hayop? Na kahit sino na lang pwede?

Sabi ng iba, gusto nila ng challenge... ng thrill kaya nila nagagawa yun. Pwde ka namang tumalon sa hinulugang taktak o kaya mag slide mula Tagaytay papuntang Taal. Yun, napakachallenging nun. Anong thrill ang mapapala mo sa pagiging isang kabet? Yung thrill na baka mahuli? Yung challenge na kaya mong agawin ang isang taong taken na?

Ganyan daw kasi tayong mga tao - marupok. Mas inuuna ng tao ang puso kesa sa utak. Bakit nga ba ganun e ang silbi lang naman nga ng puso ay magbomba ng dugo para mabuhay tayo. Bakit pilit nating binibigyan ng ibang trabaho ang puso natin? Huwag na natin antayin na mastress ang puso natin at magpasa ng resignation letter.

Karaniwan, inililink ng mga tao a.k.a. tayong mga babae ang bawal na pag ibig sa mga lalake. Mga lalake raw ang madalas gumawa ng ganito. Mga lalake raw ang dapat sisihin kung bakit nauso ang salitang "Kabet". Oo normal sa lalake ang magkagusto sa iba. Narinig ko nga dati na ang mga lalake raw ay likas na polygamous. Minsan pa nga daw kaya lang naman nagkakaroon ng kabet ang lalake dahil iba ang habol nila. Pero wala namang magiging manyak, ma-EL na lalake kung walang malanding babae, diba? Wala namang mangyayari kung hindi mo titingnan o ieentertain yung thought na "Ui, pwede to ah?". Dito magsisimula ang walang katapusang turuan na wala naman talagang makakapagsabi kung sino ang nauna. Hindi kayo papayag sa sinabi ko diba?

Kaya nga bilib na bilib ako kay Ramon Revilla at Robin Padilla, eh. Hindi naman daw sila babaero, habulin lang daw talaga sila ng babae? Natatawa na lang ako habang binabasa ko yung artikulo tungkol dito. Sabi nga nila, yun daw yung "matinik". 

Kaya kayong mga lalake kahit gaano kayo katinik, mas malupet pa din ang woman`s instict. Kung naamoy namin na nambabae kayo, di na kame titigil sa kakaamoy. Mati`trigger na yung utak naming magkunwaring wala kameng alam. Pero ang totoo, nagiipon na kame ng mga sinyales. Kahit simpleng galaw mo lang, iisipin namen na may kalokohan ka nang ginagawa. 

Yung mga "what if..", "try not to be serious in our relationship, I enjoy na lang natin ngayon kung anong meron tayo", "Taga san ka? Uy, taga dun din ako, sabay na tayo" at "Miss, may nakaupo na ba dito?" lines. Lul niyo! Bulok na yan.

Kaya sa susunod na gagawa kayo ng katarantaduhan, subukan niyong magconsult saming mga babae.

Sa huli wala rin naman ako magagawa. Ano nga naman ba ang karapatan kong magsermon e wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. LoLjk

"Ang tunay na lalaki ay hindi nagbibilang ng babaeng shinota niya, ang binibilang niya ay yung mga babaeng hindi niya pinapansin para sa taong mahal niya"







No comments:

Post a Comment