Habang nakaupo at nag-aayos kuno ng aking mga bitbit na groceries sa loob ng mall, bigla na lang tumugtog ang isang mabagal at tila madramang awitin. Sa aking panandaliang pakikinig, ang tanging naalala ko ay ang mga salitang,
“It’s not over… until you say goodbye.”
Hindi ko alam kung ang mga salitang iyan ay kabilang sa isang pangungusap o sa dalawa o sa tatlo. Hindi ko rin alam kung tama ang pagkakasunud-sunod ng mga salita. Ang tanging alam ko, iyang pitong salitang iyan lamang ang natira sa loob ng espasyo ng ulo ko. At sa isang iglap, bigla na lamang nahalungkat ang mga binaon kong alaala.
Tatlong tao na ang pumiling magpaalam sa akin. Hindi dahil natigok sila (huwag naman sana) ngunit dahil pinili nilang magpakalayo-layo. Lumisan sila ng hindi ko man lamang alam kung bakit. Kung kaya’t hanggang ngayon, kapag di-sinasadyang naaalala ko, lagi kong iniisip na marahil isa akong walang kwenta.

Siguro may nakakainis akong pag-uugali. Siguro hindi ko maibigay kaagad kung anuman ang gusto nila. Siguro. Siguro. Ngunit napagtanto kong mabuti na ring hindi ko malaman dahil pagod na akong magbalik-tanaw sa mga nakaraan. Okay na yung mga ganitong araw na paminsan-minsan, mala-Maalaala Mo Kaya ang drama ko. Para maiba naman.
Bigla kong naisip ang blog entry ng isa sa mga blogger dito na hindi ko siya masyadong kilala pero lagi ko siyang sinusubaybayan. Sino nga ba sa amin ang mas tanga? Siya na nagmamahal ng isang taong hindi naman sinusuklian ang kanyang pag-ibig? O ako na nagmahal na ng ilang beses ngunit parati nalang palpak? Sa totoo lang, hindi ko tiyak. Basta sa isip ko, dahil ako si Esteeliling, ako dapat ang mas tanga. Mas tunggak sa mga bagay-bagay. Mas hangal pati na sa aspeto ng pag-ibig. Pero more than that, ayoko lang ding mababa ang tingin nitong blogger sa kanyang sarili.
Napakatalino niyang babae. Kahanga-hanga mag-isip sa lahat ng bagay. Alam kong hindi pa siya tuluyang nag-fu-FULL FORCE sa pag-ibig o sa pakikipagrelasyon. Kung kaya’t sa tingin ko, mas may pag-asa siyang agad makahanap ng para sa kanya. Samantalang ako’y nakakadalawang palya na. Huwag kayong mag-alala. Hindi ako humahagilap ng simpatya. Mas kailangan yun ng mga namatayan. Ibigay niyo na lang yun sa kanila. Ang sa akin lang, sapat na ang magkaroon ng isang tanga sa mundong ito. At hindi itong tinutukoy ko.
Ako ang taong pahahalagahan ko kung anuman ang pinagsamahan natin. Lagi kang mananatiling parte ng aking mundo. Ngunit kung pinili mong tuluyan nang iwanan ako...
“Don’t hide yourself in regret / Just love yourself and you’re set / I’m on the right track, baby / I was born this way.”
Sa isang kisapmata, agarang nalusaw lahat ng mga iniisip ko. Matagal na palang nagpalit ng track na pinapatugtog sa loob ng mall. Napaisip ulit ako. Kahit pala may pagka-gaga o pagka-tukmol yang si Lady Gaga o di kaya may pagkasapi ng anumang masamang espiritu ayon sa maraming Kristyano, paminsan-minsan may silbi din siya sa lipunan.

No comments:
Post a Comment