Wednesday, October 26, 2011

Kwentuhan tayo..

Marami ang nagsasabing mas maganda at mas masarap raw mag-usap habang naglalakad. Isang gawaing minsan ko lang magawa. Masarap ngang makipagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Nagkakabigayan ng opinyon, nagkakalabasan ng kalokohan, at nagkakapalitan ng tawa.
Mas trip kong makipagkwentuhan ng one-on-one habang nakatambay sa ilalim ng langit at nakahilata sa damuhanParang job interview ang dating. Masinsinan ang kwento, walang ilangan, may sense at mas maririnig niyo mga bulong sa bawat pasigaw na litanya.
Sabayan mo pa ng beer at kaunting mani. Perpektong bonding-moments-with-matching-iyakan-side-dish na.
At dahil nga magk`kwentuhan tayo. Marami tayong topic ngayon. Kung ano ano lang, kung anong sumagi sa utak. =)))))))))
Positive Poles
Minsan, naisip kong mabuti din ang pagiging nega. Hindi naman sa sobrang nega na nagiging pabrika ka ng negative vibes. ‘Yun bang tipong hindi ka umaasang magiging positibo ang mga mangyayari. Iniisip mong may mangyayaring aberya sa bawat plano kaya hindi mo maiiwasang magtago ng Plan B na minsan pa nga’y umaabot hanggang saPlan Z v42.6.
Ang kinagandahan ng ganitong pag-iisip ay hindi ka masyadong maaapektuhan ng pagkabigo. Hindi na kasi masyadong malakas ang impact sa’yo ng isang pangyayari kung inaasahan mo na ito sa una pa lang. Ang masarap pa dito ay kapag maganda ang naging resulta ng lahat na taliwas sa inaasahan mo.
Puro ang tuwa. Solido ang tagumpay.

At dahil nga sabaw ako ngayon, may iba nanaman akong it`topic

HOW TO BE SOSYALERO/SOSYALERA

1.Tumambay lagi sa Starbucks. Maghapon, magdamag. Butasin ang pwet kakaupo at kakahigop ng kape. ‘Wag kalimutang kuhanan ng letrato ang sarili habang nakabalandra ang baso ng nasabing kape. Gawing profile picture sa Facebook ang nakuhang letrato at lagyan ng caption na “I Love Starbucks.”
Purgahin mo ang sarili sa malamig na kape.
2.Palitan ng titik ‘E’ ang letrang ‘O’ sa mga salitang bibigkasin ninyo.
Halimbawa: Dorm - Derm, Sabon - Saben
3.Umupo sa driver’s seat ng kotse ng kaibigan. Kunan ng letrato ang sarili. Siguraduhing makikita sa letrato na hawak mo ang manibela. ‘Wag kalimutang ngumiti na may kasamang yabang at magpasalamat sa kaibigan.
Ipost sa Facebook ang larawan. Lagyan ng caption na “Badtrip, tumaas nanaman ang gasolina.” at gawing primary picture.
4.‘Wag kalimutang singitan ng salitang “bitch” ang bawat sasabihin. Puwedeng sa gitna, sa unahan o sa dulo ng mga sasabihin mo.
5. Kapag inabot ng pag-aalburuto ng tiyan habang namimili sa mall, ‘wag kang matataranta. Dumaan muna sa isang mamahaling restawran at umorder ng marami. ‘Wag nang kainin ang inorder dahil baka lalong magalit ang tiyan mo. Ibulsa ang libreng tissue.
Dumiretso sa restroom. Diretso ang lakad na para bang wala kang nararamdaman. Ngitian ang mga makakasalubong at punasan ang mukha kapag pinagpapawisan.
Paalala: Ang susunod na gagawin ay kinakailangan ng matinding timing. 
Hawakan ang flush kasabay ng pag-upo sa toiletbowl. Siguraduhing sasabay ang pagflushmo sa pagbagsak ng dumi sa tubig ng inidoro. Kapag nagawa ng tama, siguradong walang makakaamoy ng sama ng loob na inilabas mo. Gamiting panlinis ng puwet ang libreng tissue na nakuha sa restawran. Lumakad palabas ng restroom

Hahahahahaha!
Maligayang pakikipagsosyalan! =)))

No comments:

Post a Comment