Wednesday, October 26, 2011

The ever famous "about me"


Sino ‘yung may-ari ng esteeliling - blog?
Estee. Nasanay na ako sa ganyang pagtawag. Kilala ako ng mga kaibigan, magulang at kamag-anak sa ganyang pangalan. Kilala din ako sa ganyang pangalan ng mga taong hindi naman ako kilala.
Bakit  esteeliling ang title ng blog mo?
Kasi, ganito ‘yan, makinig ka, hindi ko na ‘to uulit-ulitin kaya makinig ka, este magbasa ka pala.
Dati kasi, hindi ko binalak na seryosohin ang pagboblog dito kaya naisip kong magandang ipangalan dito ay “esteeliling” kasi nga pang may tililing lang naman talaga siya. Dati ‘yun. Pero ngayon, sa tingin ko’y mas karapat-dapat nang tawaging “esteeshits” ’to dahil puro kalokohan lang naman ang laman.
May balak ka bang mag-artista? Kasi ang ganda mo sobra eh.
Hahahaha! Ito ang isa sa mga magagandang dahilan kung bakit gustong-gusto kong interbyuhin ang sarili ko kasi malayang-malaya akong purihin ang sarili ko at puwedeng-puwede kong buhatin ang napakagaan kong bangko.
Gusto ko maging .. maging.. maging.. makeup artist. Kaya ang sagot ko sa sarili kong tanong ay ‘wala’. Wala akong balak mag-artista. Maging extra sa horror movie, pwede pa.
Meron ka bang boyfriend??
Wala. next question.
Kung ikaw ang tatanungin, anong gusto mong itanong ko sa’yo? At ano ang isasagot mo dito?
Ahhm. Siguro ag pinakamagandang tanong na pupuwede mong ibato sa’kin ay ‘Ano ang pinakamatindi mong takot?’ Oo, ‘yun nga siguro.
At ang sagot ko naman dun ay ang pag-iisa. Takot akong mag-isa. Ang tinutukoy ko sa pag-iisa eh ‘yung pag-iisa sa buhay hindi pag-iisa sa bahay. Although takot din akong matulog ng mag-isa sa bahay. Takot akong mag-isa. Ayaw na ayaw kong dumating ‘yung oras na mag-isa na lang ako. Wala na ang lahat ng mahal ko sa buhay— pamilya, kaibigan at barkada. Mahina kasi ako. Masyado akong umaasa sa mga tao sa paligid ko. Nakadepende lang ako sa kanila. Sila ang source ko ng energy at lakas ng loob. Sila din ang dahilan kung bakit kaya kong magteleport mula sa bahay namin hanggang sa MOA.
Kelan mo balak tapusin tong blog mo?
At bakit ko naman tatapusin? Kasi wala lang. Wala lang talaga. Walang magawa. Sige na, eto na. Tatapusin ko na.

No comments:

Post a Comment