Nakakapagod kumilos ng kumilos, o gumalaw ng gumalaw pero mas nakakapagod ‘yung hindi ka makagalaw ayon sa gusto mo. Nakakasawa. Nakakasakal. Hindi ka malaya, nakatali ka.
Nakakainis kapag hindi mo magawa ang isang bagay hindi dahil pinagbabawalan ka kundi dahil baka may magalit o may maapakan ang paa, o ego.
Hindi ka pwedeng umalis at humiwalay papunta sa lugar na gusto mong puntahan dahil sasabihin nilang nang-iiwan ka.
Hindi mo pwedeng ilibre itong isa dahil magseselos ang iba.
Hindi mo pwedeng gastusin ang sarili mong pera dahil baka sa mga susunod na araw eh kailanganin nila.
Hindi mo magawa ang mga bagay na gusto mo dahil ayaw nila.
Hindi ka makapagsuot ng mga trip mong damit dahil nababaduyan sila.
Nakakasakal.
Bakit ba sa bawat hakbang ko eh kailangan ko pang isipin ang iba? Bakit kailangan ko pang isipin ang mararamdaman nila? Bakit kailangan ko pang isipin kung gusto o ayaw nila?
Nakakapressure.
Hindi ko pwedeng sabihin na ayaw ko na dahil magagalit sila. Susumbatan ka nila. Wala kang kwenta.
Naba`blanko ang utak ko ngayon at kung ano ano na lang pumapasok sa utak ko at yun ang tinatype ko. Pasensya na.
Okay? Moving on..
May nagtanong sa’kin dati kung ano raw ba ang pinagkaiba ng selos at inggit. Bigla ko lang naalala, kasi wala akong magawa at Martes ngayon at wala talaga akong magawa.
Ano nga ba ang pinagkaiba ng selos at inggit? Sa unang tingin ay parang iisa lang naman sila ng kahulugan, pero kapag tinignan mo ng mabuti ay malalaman mo kung ano nga ba ang pinagkaiba nila. ‘Wag mo lang pakatitigan ng husto dahil baka kung ano ang makita mo. K.
Selos. Inggit. Paano nga ba natin mahihimay ang selos at inggit? Naaalala ko dati na ikinumpara ko ito sa isang saging. Halimbawang binigyan ng saging ng kaibigan mo ‘yung isa niyo pang kaibigan, at ikaw ay hindi nabigyan.
Posibleng maging masaya ka para sa kaibigan mo dahil sa nakatanggap siya ng saging pero kung kupal ka, posible namang makaramdam ka ng selos o inggit. Pero paano mo nga ba masasabi kung selos o inggit ‘yung nararamdaman mo?
Ganito lang kasimple ‘yan. Kung nasabi mo sa sarili mo na sana ako ‘yung binigyan niya ng saging, selos ‘yan brad. Pero kung nasabi mo naman sa sarili mo na sana ako din nabigyan niya ng saging, ‘yan naman ‘yung tinatawag na inggit.
Hindi lang naman sa saging applicable ‘yan, pwede ding i-apply ‘yan sa lahat ng prutas katulad ng papaya, pinya o talong. Kaso gulay ‘yung talong e.
Irrelevant nga diba?
No comments:
Post a Comment