Masasabi kong bata pa lang ako eh marami-rami na rin akong frustrations sa buhay pero hindi naman ganoon kaseryoso. ‘Yun bang mga kabiguang may kinalaman lang sa laruan. Ganun naman talaga kapag bata ka, iikot lang ang buhay mo sa kakalaro.
Dati.
Pinasok ako sa pre-school noon. Siguro nagmamadali ang mga magulang ko na paturuan akong magsulat ng pangalan at magdrawing ng mansanas sa buong araw sa edad na dapat sana ay nilalasing ko ang sarili ko kay Barney. (Oo nga pala, ‘yun nga pala ang kauna-unahang programa sa telebisyon na napanood ko na hindi racist. Iba-ibang lahi ang mga cast nila. May black, white, yellow, green at purple) Sa tingin ko ay masuwerte na kong nakatuntong ako ng kindergarten kung saan nagsulat lang din naman ako ng pangalan ko buong araw.
Sa kindergarten ko unang naranasan ‘yang mga christmas party. Sa kindergarten ko rin unang naranasan ‘yang pagkadismaya ko sa exchange gift na ‘yan.
Pasko nun, syempre hindi ka naman pwedeng magchristmas party kung hindi pasko. So pasko nga nun, umuwi ‘yung nanay ko galing trabaho na may dala-dalang laruan na gagamitin ko dun sa exchange gift. Tae, hindi sinasadyang nagustuhan ko ‘yung binili niyang Troll na action figure. (Alam mo ‘yung Troll? ‘Yung madalas na nakahubad, tayo-tayo ang buhok na kadalasang pink, pango ang ilong at gulat na gulat ang mata. Ewan ko kung troll nga ‘yung tawag dun) Na-astigan lang siguro ako dahil kakaiba ‘yung Troll na ‘yun.
Ginawa ko lahat ng magagawa ko para mapasa-akin ang laruang ‘yun at hindi na gamitin sa lecheng exchange gift. Naghugas ako ng plato, natutulog ako sa tanghali, at umiiyak ako tuwing gabi. Hanggang sa kinausap ako ng nanay ko tungkol doon. ‘Wag daw akong mag-alala dahil siguradong mas maganda pa raw ang makukuha kong laruan kesa sa Troll.
Pagkatapos pumalakpak ng mga tenga ko sa narinig ay hindi na ako nakatulog sa kakahintay ng christmas party. Matindi ‘yung kapit ko dun sa sinabi ng nanay ko. Hindi man lang pumasok sa isip ko na inuuto lang pala niya ko.
Dumating na nga ‘yung araw na hinihintay ko, at umuwi akong humahagulgol pagkatapos ng party. Sino ba naman kasing matutuwa sa regalong pulang alkansya na gawa sa manipis na plastic?!
Siguro, ang gusto lang ituro sa akin ng karanasan na ‘yun ay kung paano ang mag-ipon.
Christmas Party na bukas at di ko alam kung pupunta ako. Alam niyo naman ang ate niyo, nung lunes pa nagd`drama. Kaya ayan, wala talaga akong gana pumunta bukas. As in walang gana.
Sinabi ko nga sa kaklase ko kanina na hindi ako pupunta bukas eh.
Yan ang magandang sabihin. Hahaha. O so ayun.
Nagdadalawang isip pa din ako. -________-