Saturday, July 30, 2011

Update and Upgrade


Dear Blogsite,
Halos isang linggo na pala akong nagk`kwento about sa shit na pagibig. Kung hindi mo na pansin — ako din — ngayon lang.
Dahil simula na ng weekend, ngayon lang din ako makakapag-update(kahit lagi naman). Naging busy kasi ako ngayon sa bago kong tungkulin sa buhay — ang gumawa ng wala. Isa sa pinakamahirap gawin pero madami ang gumagawa.
Pero ang tunay kong ginagawa ay magsilbi sa mga kababayan ko. Tunog pulitiko ako pero totoo. Ang nakakatuwa nga lang dito eh isa na ako ngayon sa mga tatamaan ng madaming pahaging ng lipunan. Sa susunod ko na siguro i-e-elaborate ‘yan. (actually, paglilinkod lang to sa kapwa klasmeyts ko. XD haha)
Masaya naman ako sa ginagawa ko ngayon.
Gigising ng mas maaga kesa sa nakagawian.
Obligadong maligo at magsepilyo na bihira kong gawin dati.
Pero ayos lang.
Masaya pa naman.
Baka sa mga susunod na araw ay hindi na.
‘Wag naman sana.
‘Yun na lang muna siguro ngayon ang update ko dahil may panonoorin pa ako.
TV series marathon muna ngayon dahil weekend.
Kung itatanong mo  naman kung anong nag-upgrade sa buhay ko ngayon?
Mas naging abala ako.
Paalam.

Nagpapaliwanag,
Ako.


Friday, July 29, 2011

Ang resulta ng aking pagsusuri.. :))

1) Siguro ang mga mababae di mabubuhay yan ng walang pa`charming charming sa mga ibang gwapitos, pero bago sila matulog, siguradong ang laman ng utak nya ay ang lalakeng pinakaimportante sa kanya.

2) Kaming mga babae, mas emo pa kesa sa inaakala nyo (example - me! haha), pero kung sa isang punto eh minahal nmin ang isang lalake, mas matatagalan kami maka move on kasi ang bawat segundong subukan naming lumimot ay nagbibigay lamang ng mas malaking sakit.

3) Madali kaming mabaliw pag nginitian kami ng mga lalake (depende sa ngingiti), w/ maching kindat na nakakamatay. haha.

4) Minsan, gusto naming mga babae  na kami lang ang kachikahan ng mga lalaking gusto rin namin.

5) Pag binigyan nyo kami ng mga pambiting mga salita tulad ng "Alam mo...hmm.. wag na lang.." siguradong mamatay kami kaiisip kung ano nga ba iyon. Minsan ang konklusyong maiisip namin e mas malala pa kesa sa iniisip nyo. Makikita mo na lang na tumatawa sa isang sulok kakaisip kung ano nga ba gusto nyong sabihin.

6) Pag nagbuhos ng problema sa yo ang mga babae, kelangan lang namin may makikinig sa min. Di nyo na kelangan pa bigyan ng mga advice chuva. 

7) Isang hint: Kapag ang babae ay madalas kang itinatopic sa isang convo tiyak gsto kanun.

8) MAS MALAKI ANG PAGMAMAHAL NAMIN KESA SA PAGMAMAHAL NYO!!!

9) Mahilig gumamit ng mga salitang "hot", "cute", "gwapo". Pero pag nakita mo sa mata ng babae na sinabihan ka ng gwapo kahit di ka naman talaga ganun na mey itsura.. Tiyak may gusto sayo yun.
 
10) Kapag may ginawang katangahan ang mga babae sa harap ng lalake, dehins nya malilimutan un ng mga 3 o 4 na araw hanggang sa muli sila magkita nung lalakeng un.

11) Kapag ang babae ay di karaniwang kalmado at tinatamad, malamang pinepeke nya lang un dahil siguradong may iniisip lang syang iba.

12) Wala na ko masyadong maisip.. Buffering....

13) Kapag ang isang babae e nagsabing gus2 lang nya mapag isa, ang totoong ibig nya sabhin ay " Wag mo ako iiwan..."

14) Kapag ang babae ay nakipag usap ng seryoso, pakinggan nyong mga lalake. Minsan lang yun mangyari, at kung mangyari man, ibig sabhin, may problema talaga. (daming comma nun ah)

15) Para sa mga babae: Kapag ang lalake ay tumingin sa yo ng lagpas ng isang segundo, may pagnanasa na yun sa yo hahaha!

16) Para sa mga babae: Talagang iniisip ng mga lalake na ang mga babae ay "weird", "unpredictable" at talagang di mo mainitindhan ang iniisip. Pero ang mga rason na yun ang mismong nagpapalapit ng loob ng mga lalake sa mga babae.

17) Para sa mga babae: Ang isang lalake ay handang ibigay ang lahat lahat, mabasa lamang ang iniisip ng babae sa isang araw.

18) Para sa mga babae: Walang lalakeng kayang lusutan ang lahat ng kanyang problema ng nag iisa. Mapride lang ang mga lalake at ayaw lang umamin na di nya talaga kaya.

19) Buffering ulit .. Lags. haha

20) KAPAG ANG BABAE Eh SINASAKRIPISYO NA ANG TULOG AT ANG LAHAT PARA LANG MAKAUSAP KA, TALAGANG TL SA YO ITO AT GUSTO KANG MAKASAMA NG MAS MADALAS

21) Kahit na ibreak mo ang isang babae kahit ilang buwan na ang nakakalipas, at given na minahal ka nya talaga, malamang sa malamang, mahal ka pa rin nun. Kung meron mang gus2 iwish ito, yun eh ang bumalik ka sa buhay nya...

Wednesday, July 27, 2011

Pagtitiwala..


Tiwala.

Eto ang salitang mahirap bigkasin. Kasabay kasi ng pagsasabi mo nito ay ang pangamba na mawala rin ito. Kapag ikaw naman ang bibigyan nito, para itong magsisilbing kadena o alarm na pipigil o gigising sa utak mo na panghawakan mo ang salitang ito. Ganyan kabigat ang salitang ito.

Kung iisipin mo, isa lang itong noun na makikita mo sa kahit anong pinoy diksyunaryo. Kung walang makitang ganung diksyunaryo, inglesin mo na lang at hanapin sa English dictionary. Kung wala eh translate mo sa hapon.... o sa intsik....

Bakit nga ba napakalaking bagay ng salitang ito?

Kapag nagbigay ka ng tiwala sa isang tao, para mo na ring binibigay sa taong iyon ang buo mong sarili. Kumbaga, yung paborito mong tapsilog eh ibibigay mo na lang sa ibang tao. Kalakip ng salitang iyon ang prinsipyo ng nagbigay nito at nakaselyo sa emosyonal na paniniwala. Kung kaya mong punitin ang prinsipyo at paniniwala ng taong nagbigay ng tiwala sa yo, astig ka. As in astig, ang kapal ng mukha mo.

Bakit nga ba nawawala ito?

Napakaraming dahilan ng pagkawala ng tiwala. Sa sobrang dami, kulang pa ang isang buong page nito. Kung pagkakabit kabitin mo, magkakaroon lang ng 3 rason kung bakit nangyayari ito:

1. Pangungulila
2. Kagipitan
3. SADYA LANG TALAGA NA MAKAPAL ANG MUKHA

Naku, yan ang pinaka unang paliwanag ng mga lalake kung bakit sila nagkakasala. Laging "lalake lang ako, may pangangailangan." Aminin man natin o ndi, mey napapanood at nababasa akong mga ganito pati daw yung mga ibang babae.. yun nga lang mas talamak sa mga lalake. Kawawa yung mga nag iibang bansa na bilang mo sa daliri kung ilang beses lang makauwi sa Pinas. Kita mo yung nagsumbong kay kuya Eddie, nagulat siya ng nadagdagan ang anak nila.

Nakakatakot pa naman pag tiwala na ang mawala. Parang nagiging mga adik ang nasa paligid mo at laging tamang hinala. Kahit gumawa tayo ng tama, pero dahil nawala na ang tiwala, wala na. Parang salamin lang sya na pag nabasag e di na pedeng buuin pa tulad ng dati. Parang tali na pag napatid na ay di mo na mababalik sa totoong hitsura. Nakabuhol na lamang ito, na tila nagbabadya lagi ng pagkaputol.

Bagamat nawala na ang tiwala na binigay mo sa iba, hindi nangangahulugan na kelangan eh mabuhay ka nang ganun. May mga taong nagsisisi sa pagkasira ng tiwala, kaya wag natin isarado ang utak at hayaan itong bukas sa pagbabago. Kaakbay ng pagtitiwala ang pagpapatawad, ika nga ni big brother. Kapag natutunan na nating magpatawad, matututo na ulit tayong magtiwala.

Isa pang kailangan sa pagbibigay ng tiwala ay ang pagtanggap. Alam ko na naisulat ko sa pangalawa sa huli kong blog na mahirap ito, lalo na't ng nagtapon ng pagseselos ang langit ay isang drum ang dala mo pero requirements ito. Kumbaga sa math, ganito ang magiging equation nya:

Trust = Forgiveness + Acceptance

wherein

Trust = Love

and

Love = intimate moments... basta lam nyo na kung san tutungo ang intimate moments.

Pero syempre ang mga sinabi ko e mga ideals lang. Nasa sa yo yun kung pano mo iaapply. Kung lahat e kayang gawin yun, e di sana wala nang nagsusuicide at pumapatay ng dahil lang sa pagkabasag ng tiwala.

Tuesday, July 26, 2011

It`s you na naging dahilan.

"It's not you, it's me"

Yeah, yeah. Common line ng mga nakikipagbreak. Hindi ko nga ba alam bakit eto ang common gamitin ng mga taong magdaling magsawa. Wala na bang maisip na irarason at yan ang favorite nyong line? Hindi mo ba masabing "E ang takaw takaw mo kasi." O kaya "konti na lang kasi kahawig mo na yung suwelas ng paborito kong chucks." O di kaya "Parang machine gun kasi bunganga mo."

Masakit nga naman kung yun ang sasabihin. Para lang kasing nakakaloko. Pag sinabihan kayong ganyan, tanungin nyo na kung ano ba ang mali sa kanya. Tingnan mo kung makakasagot yan. 9 out of 10 matatagalan sumagot at mag iisip pa yan. (Gumawa pa nga ako ng sarili kong survey haha)

Bakit nga ba nauuwi sa break up ang isang relasyon? Hindi magkasundo ng ugali? Nakakasakal? May mga bwisit na magulang na hinahamak ang pagkatao? Weh?

E kung di ka ba naman isa't kalahati... Kaya nga nagkakaroon ng ligawan diba? Kaya nga may salitang ligawan para makilala nyo ang isa't isa. Kaya nga nagkakaroon ng mga date para maintindihan mo kung bilmoko at bilmokonyan yung nililigawan mo. Kaya nga merong pasundo sundo sa skul para malaman mo kung handa magsakripisyo ang mga lalake. Kaya nga merong madalas nababasted tulad ng iba dahil sa lintek na ligawan na yan. But that's another issue :)

Kung iisipin mo naman e talagang yan ang mga dahilan kung bakit ka nanliligaw. Ang nakakainis lang kasi e karaniwan din ang pagiging plastik pag umaakyat ng ligaw. E pano ba naman ganito ang setup ng mga lalake:

1. Suot ang pinakabagong polo na bili sa tyangge.
2. Bagong gupit lagi, bagong paligo at laging nakagel.
3. Laging naka Tommy na pabango, minsan Coolwater pag ubos na pabango ni utol.
4. Galante, laging may dalang ferrero rocher o kaya toblerone. Pag nawalan ng laman ang pitaka choc nut na lang..
5. Nag aral ng GMRC, napakagalang at napakabait.
6. Nagmumog ng honey, ang tatamis ng lumalabas sa bibig.
7. In connection to # 4, lagi ring may dalang mga pasalubong para sa mga nakababatang kapatid.

E sino bang di maiinlove sa mga ganyan? Kung yung nakikita mong tao e kala mo santo sa sobrang bait. Di magtatagal at sasagutin na sya ng babae. Habang tumatagal:

1. Laging nakasando na, minsan lumalabas pa ang utong.
2. Long hair na, sa ulo pati sa ilong. May maaamoy ka na rin na kakaiba na karaniwang masakit sa ilong.
3. Baby cologne ang laging amoy nya.
4. Mas madalas mangutang kesa manlibre (o magbayad).
5. Naninigaw na. Akala mo e nakahire ng katulong kung makautos.
6. Lumalaklak ng sili, mura ng mura at kala mo demonyo sa anghang magsalita.
7. Inuutusan pa ang kapatid para bumili ng yosi nya.

Dyan na magsisimula ang break ups. Dyan na sasabihin nung makikipaghiwalay na "It's not you, it's me." na ang ibig sabihin talaga e "It's not you that I love, It's me na nandidiri na sa yo." Bakit nga ba kasi di na lang ipakita sa nililigawan mo ang totoong ikaw? Hindi naman matatago ng pabango at gel ang sarili mong baho. Hindi naman pwedeng habambuhay kang magiging hunyango at isang araw e lalabas din ang tunay mong kulay. Hindi ba mas ok na makita niya kung anong klase kang halimaw ngayon kesa magulat sya na ang tupa palang inaalagaan nya e isang lobo pala?

Sinubukan kong basahin ang mga sinulat ko sa taas. Ang dame kong ka leche leche na pinagsasabi pala. hahaha. Baka epekto na din siguro to ng mga ka leche leche na tao.

Pero seriously diba? Hindi ko naiisip na pagmamahal ang tawag mo dun kundi panloloko lang. Sabi nga nila, kung gusto ka nung tao, kahit ano pang baho ng alipunga mo, mamahalin at mamahalin ka niya. Mas gusto ko pa yung mga tipong Robin Padilla-style(yung corny) ng panliligaw kesa naman para kang orocan na puro kaplastikan lang. Marami ang nauuwi sa hiwalayan dahil sa mga ganitong rason.

Minsan naman, meron talagang mga tao na masasabing hustler sa mga relasyon. May mga lalake/babae na magaling dumiskarte. Yun bang tipong mabulaklak ang mga dila at lahat e kaya mapasagot. Naiinis ako sa mga taong ito. Naiinis ako kasi sila yung madali talaga akong mapa oo. Hahaha!

Ito yung mga taong ginagawang katuwaan lang ang pakikipagrelasyon. Ito yung mga taong pinagkaitan ng laruan nung bata kaya hayan, ngayon naglalaro. Kapag nakuha na nya ang/ang mga gusto nya sa taong yun, itatapon nya na to na parang basahan. Dito na rin magsisimula yung mga lines na "It's not you, it's me." na ang meaning naman e "Sorry, it's not you , It's me na nang uto sa yo." Ingat ingat lang kung ganito kayo. Ang karma andyan lang yan. Pinsan nga daw yan ni Kamatayan e. Pareho rin silang biglaan kung dumating. Oooooh?

Meron din namang totoo ang naging relasyon. Yung tipo bang talagang nagkainlaban ang dalawa. Yun bang hindi nagpakaplastik, pareho nila tinanggap ang pagkukulang ng isa't isa. Typical love story diba? Pero hindi. Masyado sila nagiging busy sa mga sarili nilang buhay. Unti unti na nawawala yung tamis nila. Nawawala na yung bonding na kelangan para maging pundasyon ng isang relasyon. Dito na papasok ang break up dahil nagfall-out na sila. Ang relasyon na ganito ay parang kandila na dumating na sa dulo at naubos na. Ito yung mga nakakalungkot kasi sayang. Nakakalungkot dahil minsan na din ako nakaranas ng ganito.

Ito ang nakakainis (O nakakatuwa?) na rason ng break ups - Pagiging machine gun.

Sino nga ba ang matutuwa kung ang karelasyon mo e sanay sa pakikibakbakan? Yun bang tipong mga Last Action Hero na hindi nauubusan ng bala at tuloy tuloy lang ang baril? Ang pinagkaiba lang nila e si Schawsde.....neger e sa baril pumuputok. Ito naman ay sa bibig.

Ito yung mga tipong sobrang seloso/selosa. Hindi ko naman sinasabing masama ang magselos. Sabi nga ng mga matatanda, Isa daw itong sign ng pagmamahal sa yo ng isang tao. Pero what the fvck mehn! Kung ito ang iuulam mo sa umaga, tanghali at gabi, never mind na lang pare. Nakakainis ba minsan e makita ka lang na may kausap na lalake/babae e raratratin ka na at walang tigil ang putak. Hindi mo lang matext minsan e tatawagan ka pa at saka pagbababarilin ang tenga mo. Yun bang minsan e kabisado mo na lahat ng sasabihin nya - kung gano katgal bubuka ang bibig nya, kung ano lalabas sa bibig nya, ilang exclamation point, ilang period... - Yan. Yan ang authentic na "It's you, yes, IT'S YOU!!!" na rason kung bakit nagkakahiwalay. Minsan lang di ko masisi yung mga ganung tao. Siguro lang e sobra lang magmahal yun kaya walang ibang ginagawa kundi pumutak ng pumutak. Makabasag na eardrums na pagmamahal.

Basta ako, ang masasabi ko lang, wala akong pakialam sa mga breakups na yan. Paki ko ba, e hindi pa nga nagiging kami e break na agad kami. Kaya wala talaga ako pakialam. Pero joks lang~ hahaha.



Ano ang saysay ng isang pangako, kung hindi mo rin ito tutuparin?

Para magpaasa sa isang tao? Para panatilihin siyang masaya pero sa huli nagmumukha siyang tanga? Ano ba talaga ang gusto mo? Ang sarili mo? O ang kasiyahan dulot ng pangako na sinabi mo?
Marami na ang nalinlang sa salitang pangako, marami na ang gumamit nito, iilan palang ang nakagawa, iilan palang ang nagpatunay na ang pangako eh hindi napapako. Pang ilan ka sa manloloko? Pang ilan ka sa maloloko? Pang ilan ka sa gagawa ng pekeng pangako? Isa ka ba sa mga taong sisira ng salitang ito?
Huwag natin sayangin ang salitang ito, ito ang pinaka ALAS na sasabihin mo sa isang tao. Dito mo makukuha ang tiwala at ang pakiramdam nilang ligtas sila sa iyo.
Kaya ang bawat pangako e alagaan, di bale nang onti ang ipapangako mo natutupad naman, kesa sa taong puro pangako pero lahat naman ay napapako.

Friday, July 22, 2011

Trial && Error.

Naniniwala ba kayo sa soul mate? Naniniwala ba kayong merong isang taong nakatadhanang makakasama mo habambuhay? Totoo bang merong true love na minsan mo lang mararanasan sa buhay mo? Totoo bang pag nahanap mo na ang nararapat sa yo e makakaranas ka ng habambuhay na kaligayan?

Ang masasabi ko lang ay...... kanya kanyang paniniwala lang yan (Kala nyo siguro magsasabi ako ng "Bullshit ndi totoo yan" o kaya "&^&$^%!~@! walang ganyan mga #*()&&*#, muntik na pero never kong gagawin yun hee).

Kung ako kasi tatanungin, hindi ko mapilit ulit ang sarili ko na isiping "Oo, eto ay isang match made in heaven!". Hindi ko mapilit ang sarili ko na totoong merong isang nilalang na nakareserve para sa yo na pag nakita mo e pede mo nang i-take out. Minsan kong pinaniwala ang sarili sa kwento ng mga matatanda tungkol sa soul mates at kung pano ito kusang dumadating. E sa dami ba namang katangahang nangyari sa buhay ko tungkol sa letseng pag ibig na yan, matagal ko na isinuko ang paniniwala tungkol sa ganyan.

E pano ba naman, bigla mong mararanasan yung mga kakaibang settings tungkol sa "soulmate". Yung mga tipong pang pelikula na mayaman ang lalake, mahirap si babae. O di kaya yung tipong biglang nagkita ang lalake at babae sa isang lugar. O di kaya e bumibili ka ng softdrinks sa kanto e biglang makikita mo ang pangarap ng buhay mo. Aakalain mong siya na nga yung nararapat sa yo. Pero malalaman mong di ka nya type, may girlfriend na pala, kamag anak mo pala... yun bang tipong malabo pa sa sabaw ng pusit na maging kayo. Sa kakapilit ko sa utak ko na paniwalaan ang sabi sabi ng matatanda, ayun muntik na ko umiyak habang tumatawa sa isang sulok.

Kung sasabihin naman ng iba na hindi ko pa lang nakikita talaga yung soul mate ko. Kumbaga, yung mga lalakeng dumaan sa buhay ko e di totoong soul mate kundi "soul fling" lang. Mas naniniwala kasi ako na ang isang relasyon (lahat ng uri ng relasyon) ay isang trial and error lang. Lahat ng relasyon ay isang trial and error, walang exemption. Mapa artista ka, senador, alien o kahit ano ka pa man, hindi ka sasantuhin.

Naniniwala kasi ako na ang mga dumaan (as in literal na dumaan lang... mga letse...) na lalake sa buhay ko e produkto ng method na yun. Tinry namin (OO NA, SIGE AKO LANG ANG NAGTRY) pero hindi nagclick lahat. Parang yung mga materyales na ginamit ko e galing lang sa divisoria. Hindi ko nakuha ang tamang formula parang mabuo yung relasyon. Tingnan mo nga sina Kris at James. Di ba akala ng karamihan e eto na yung tamang lalake para kay Kris. Pero in the end, nagfail pa rin ung relasyon nila.

Kung tatanungin mo naman ako kung ano ba ang tamang formula, hindi ko rin alam. Mahirap din masabi kung tama nga ba ang blending kahit umabot na ng lagpas 10 years ang relasyon. Yan ang mahirap pag ginagawa mo ang method na yan; araw araw nyong gagawin ang trial and error. Araw araw nyo tetestingin ang relasyon nyo. Kahit ako, umaabot din ako ng 1 year sa relasyon pero hindi talaga nagwo`work out.

Pero bumibilib ako dun sa mga taong pilit tinatama ang relasyon kahit sobrang sira na. Yun bang tipong pilit ineedit yung formula para tumama. Yun tipong try and try pa rin kahit lagpas langit na ang error. Kung ihahambing sila sa isang classroom, sila yung mga tipong kahit di matatalino e pilit pa ring nagrereview para lang makapasa.

Hindi rin ako naniniwalang minsan ka lang iibig ng tunay sa buhay mo. Bakit naman sina Dolphy at Ramon Revilla, wag mo sabihin sa king minsan lang silang nagmahal ng tunay? Naniniwala naman ako na minahal nila ang mga naging babae nila. Hindi mo naman masusukat ang pagmamahal. Hindi mo pwedeng basta na lang sabihing "Ah si Lucring? 40% ko lang yan minahal". Ang ginagawa kasi ng mga taong sukatan e kung ilang beses sila nag away kumpara sa dati nyang babae. O kung sino ang mas palengkera e yun ang less love mo. Sa totoo lang lahat ng minahal mo sa buhay, lahat yan tunay. Iba iba nga lang ang paraan mo ng pagmamahal sa taong yun.







Monday, July 18, 2011

Stress ..

Natry nyo na bang mastress ng sobra sobra sa buhay? Yung tipong mitsa na lang ang kulang e pede ka nang gamitin bilang paputok sa bagong taon? Yung tipong pinagsakluban ka ng langit at lupa.

I did. Naks.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako naiistress. Happy-go-lucky naman ako. Wala akong pakialam sa ibang tao basta wag lang din akong pakikialaman. Minsan nga, tinawag akong lutang kasi nga naman daw, pag naglalakad ako e diretso lang ang tingin na parang may takip ang mga gilid ng mga mata. Op kors nasisira lang ang concentration pag may gwapings nang nakasalubong. Para akong sa exorcist na umiikot ang ulo kakahabol ng tingin.

Eniweys, nakakainis mastress. Papasok ka sa umaga, di ka pa man nakakaupo e katakot takot nang sakit ng ulo ang makukuha mo. May mga kaklaseng maiingay... may mga kaklaseng kalikot ng kalikot.. meron ding ikot ng ikot. Ang nakakainis pa e yung mga tipong napakakukulit na kala mo e mga grade 1 lang at tuwang tuwa sa paglalaro. Nak ng teteng, alas 8 pa lang ng umaga, nasisira na agad ang araw mo. Minsan nga e gusto ko hagisin ng mug sa bunganga. Naisip ko lang e sa hirap ng buhay ngayon, dadagdag pa sa gastusin ang pagpapabunot sa mga nasirang ngipin dahil sa binato kong mug.

Isang araw naisipan kong Di na lang magsalita at kumanta sa isipan. Sosyal.  Pagmulat ng mata ko napansin ko na parang lahat sila e tahimik at nakatingin lahat sa kin. Bakit wala na kayong maburyong na tao kaya lahat kayo natahimik? Naisip ko na tagumpay ito para laban sa mga kampon ni shalala. Akala ko pa naman e makakatanggal stress ang mga ginagawa ko, pero hinde. di ko mapigilan ang sarili ko sa pagpaptahimik sakanila.

Pag malapit na ang quarter exams, jan mo mararanasan ang tugatog ng stress. Sa mga ganitong panahon kasi papasok ang mga deadlines, last minute meetings, ... lahat ng pedeng gumulo sa magulo mo nang utak, anjan lahat. Ang sakit sa ulo na nagkukumahog kang matapos ang isang bagay e itatapon lang sa mukha mo at sisigaw na "DO IT AGAIN!!!!". Kelangan ko talaga kumaen ng maraming saging, pampasaya daw yun. Nakakatanggal daw kasi ng stress yun pero bakit parang masakit na ata ang tyan ko e lalo pa ata ako nasstress???

Sa wakas tapos na ang araw mo. Sa wakas, makakapagpahinga ka na at matatanggal ang stress sa araw na ito. Pero nung narinig ko yung sinabe sakin ng kaibigan ko... lintik na iyan. Daig pa ang Ligo sardines sa dami ng iniisip ko eh. Grabe. Yung ugat ko noo e naglalabasan dahil sa pagkayamot. Minsan matatyambahan ka pa ng mga ulupong na badtrip din at isasalubong sayo ang mukhang sandamakmak din ang mga problema sa muka[literally]. Shet. Streeeeeeeeeessssss.......

Pagktpos ng mga halos 20 mins. na paglalakad, makakarating na ko sa bahay. Diretso kama ako at excited na nagtanggal ng mga sapatos. Hayy.... ang sarap mahiga ng kama. Hindi pa ko nakakalimang minutong nakahiga e biglang magdadatingan ang mga kapitbahay na kaibigan ko. Dahil pinanganak ata ako na may sumpang hindi pedeng tumanggi, ayun napalibre na nga.. Ok na rin kasi kahit kaunti e natuwa naman ako kakapanood ng mga katropa kong mayayabang sa inuman e puro naman sukahan. Tawa ako ng tawa ng tumingin ako sa relo. Omaygas, alas 6 na ng gabi!!!!

Para akong nahulasan bigla at dali dali akong tumakbo ng bahay. Kelangan ko pa palang alagaan ang kapatid ko sabe ng nanay ko. papaliguan, papakainin at lalaruin. haha. Pero di ko naman talaga ginaga ang mga ito. Kelangan ko lang talaga umuwi ng ala sais.

Okay.. Moving on..

Napaiyak din ako kanina sa balikat ng yurbsii ko. Putsa! Napakadami ko talagang iniisp. Sana wala na kong isip para di ko maisip tong mga iniisip ko. Shet!

Muntik na kong mag breakdown sa sobrang stress.

Friday, July 15, 2011

The time you enjoy wasting is not wasted time.

Heto na naman ako. Nakatunganga sa maliit na monitor. Nag iisip ng maibubulgar dito. May naisip ako  kagabi tungkol sa kahirapan ng buhay, pero dahil kahit ako e inaantok sa pinagsasabe ko, hindi ko na tinuloy. Erase. Erase. Erase.

Minsan nga naiisip ko kung bakit ba ako naging ganito katamad. May mga bagay akong nagagawa, pero hindi to the point na halos lahat e maiimpress ko. Hindi kasi ako yung tipo na mabait. Hindi ako yung tipong masipag. Hindi ako yung tipo na laging nagtataas ng kamay tuwing recitation. In short isa akong pako. Isang malaking pako.

Minsan nga naiisip kong wag na lang umuwi sa bahay. Kapag kasi nasa bahay ako, feeling ko wala akong kwenta. Sabi nga daw, border lang ako. Isipin mo yun? Sa mismong sarili bahay, sariling pamilya, ang tingin sa yo e border lang? Hindi ko naman sila masisi kasi nga lagi lang akong nakatapat sa monitor. Kapag mejo tinatamad na ay matutulog. Pagdating ng hapon pag nagbabalak nang magtago si araw, lalabas na ko. Yan ang daily routine ko. Gumising - Kumain - Magcomputer - Matulog - Gumising - Kumain - Matulog - Gumising - Labas - Inom - Matulog - Gumising. Parang napakabusy ng araw ko no? Minsan lang din ako ginanahan maglaba ng damit ko, kaya pag wala ang nanay ko ipapalaba ko sa katulong.

Kasi nga naman, isa akong pako. Sana man lang e pukpukin ako ng magkasilbi naman. Pano ba ko kikilos kung natutulog pa ko? Pano ko ba malalaman kung anong gagawin kung walang magsasabi. Hindi ba border nga lang ako? Sana man lang e sabihan ako na " Hoy, gising na. Baka gusto mo i`try mag alaga ng kapatid mo. Masaya daw yun." Hindi naman lahat e katulad nyo na masipag. Kapag hindi ka nakagawa ng kahit ano sa maghapon, magiging invisible man ka na parang wala silang nakikita. Sa huli, ako pa ang lalabas na nagmamataas at nagmamatigas. Ako pa ang masama at walang kwentang tao. Yan ang natatak sa isip ko simula nung nagkaisip nga ako. Kumabaga sa bahay namen ako si juan tamad.

Yeah. Yeah. Bago pa kayo magreact, alam kong walang tama sa mga sinabi ko sa taas. Random hinagpis lang yan. Nakakalungkot lang kasi isipin na para nga lang akong border. Kelan ko nga ba huling naramdaman na naging proud sa kin ang mga tao sa paligid ko? Kelan ko nga ba huling naramdaman na sinusuportahan ako sa mga desisyon ko? Alam kong may mga times na oo pero mas lamang kasi ang hindi kaya wala ako maalala. Masusunod ang mga desisyon ko pero alam kong puro nakakunot ang noo at naglalabasan ang mga varicose veins sa binti. Ni hindi nga nila alam ang gusto ko, ang hilig ko, ang kagustuhan kong magsulat. Ni hindi nga nila alam na ako pala si Esteeliling na mey tililing pag hyper. 

Hindi ako matalino. Hindi ako maganda. Lalong hindi rin malakas karisma ko. Pinagsakluban nga ata talaga ako ng langit at lupa. Hindi ako yung tipong magiging paborito lalo na kung may choice. Kahit nga siguro ako na lang ang option, mag ka-call a friend pa sila. Siguro nga kaya sila ganun ay dahil nadisappoint ko sila ng maraming maraming beses. Kaya ayan, kahit siguro manghingi lang ng pamasahe e pag iisipan pa ng masama.

Akala ko, pag paulit ulit mong mararanasan ang isang bagay, masasanay ka at magiging immune. Bakit naman ang lintik na ako e hindi pa rin makamove on? Katakot takot na hiya at pagdodown sa sarili ang nararanasan ko araw araw. Minsan nga gusto ko laging may mga pagtitipon, outing reunions... kasi parang nagbabalik lahat sa dati na parang importante ka. Pero makaraan lang ang ilang araw, balik na naman sa dati. Kalorkey haha.

Kapag gumagawa ako ng paraan para magkalapit lapit, hindi ko ba alam bakit laging hindi natutuloy. Mag iipon ako para mailabas sila pero pagdating ng mismong araw, aba may lakad. Nakakalungkot isipin na bakit nga ba mag eeffort pa ko e wala rin namang silbi. Bakit kelangan mong subukan na magbago e simula pa lang wala na silang tiwala sa yo. Kesa naman nga makipagaway pa ko, mas pinipili kong magkulong na lang sa kwarto. Atlis kahit pano, sa loob ng apat na sulok ng kwarto ko, nagagawa kong maging boss ng sarili kong lugar. Nagagawa kong tumawa, umiyak, magalit ng walang sino mang manghuhusga. Sa loob ng kwartong ko, nabubuhay ang mga pangarap na hindi ko kayang gawin sa labas. Dito ako ang bida. Ako ang center of attraction. Ako ang pinakamaaasahan. Saksi ang kwarto ko sa lahat ng saya, sakit, luha at kung ano ano pang pakiramdam na maaari kong maramdaman. Mabuti pa ang kwartong ko. 

Pero ok na rin yun. Wala naman din akong magagawa. Andito na tayo e. Ganito na siguro ang guhit ng palad ko. Masaya na ko na kahit papano naman, meron din pala akong ibang alam gawin bukod sa kumain at matulog. Siguro ilang panahon pa kelangan ko para ganap kong matanggap na isa lang akong hangin na hindi na dapat pinapansin. Kelangan kong tanggapin na ako si Estililing - sa isip, sa salita, at sa gawa.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Bigla akong tinamad, napagod at nanlata. Para akong batang natuyuan ng pawis sa gitna ng paglalaro, na walang natakbuhan para punasan ang likod ko. Kaya ako inubo.
Hindi ko alam.
Sa gitna ng mahahabang pagngisi’y bigla akong nalungkot. Biglang bumagsak ang balikat ko’t nawalan ako ng ilaw. Para akong halamang unti-unting nawawalan ng pataba, natutuyuan ng katas at natatabunan ng ulap.
Ewan ko.
Ganito nga siguro kapag tatlong araw na bakante ang utak ko.

Thursday, July 14, 2011

We are so violent and young.

I always wonder what love felt like. Then I met you. Now I know. LoLs. Ang drama ko lang na naman.

Hahaha. Hinde blog tong gagawin ko eh, post lang. haha. GoodNight. :))

Wednesday, July 13, 2011

Too often, the only escape is sleep.

At kahit mahal kita,
Wala ako magagawa
Tanggap ko ‘to aking sinta, pangarap lang kita


Wala lungss. Nagi`inarte lang ako. Ayoko na kase sarilihin tong problema na to eh (problema nga ba?)
, baka kase mastress at mahimatay nanaman ako. haha. LoLs. haha. Ka`artihan lang naman mga sasabihin ko dito eh. haha.

Naalala ko kaninang math class namen. Sabe ni sir.Garces eh "learn how to let go". haha. Wala lang. napapaisip lang naman talaga ko sa sinabe niya na to. Madalas kase siyang magkwento about sa shit na pagibig na yan. haha. Tuwing maririnig mo yung mga shit na kwento niya ay mapapashit ka talaga. Hahaha. Lagi nga kong tinitira nito sa classroom kaya npapashit ako eh. Hahaha. Nakita niya kase ako ng minsan sa 711, tas kinabukasan kinuwento na niya sa buong klase na nakita niya kame kahapon at mey hinihigop daw na slurpee. Pero di naman slurpee yun eh, gulp yun. Kaya tuwing sinasabi ni sir na slurpee yun, lagi ko din siya kino`correct na gulp yun. haha. May sinabi din siya dati na "pag ayaw, wag pilitin" tama naman db? Pag ayaw, wag pilitin. Tangina eh, ayaw na nga tas pipilitin mo pa? Shit lang eh, buhusan kita ng acido diyan eh. haha. Okay.. Eto pa "Pag wala na, wag nang hanapin pa" ewan ko ba? kung eto ba talaga yun. Hahaha. Sinusulat kase ng kaklase ko [si youleeta] lahat ng katagang sinasabi ni sir. Hahaha. Pero kung ipapatama mo sa isang tao lahat ng mga pinagsasabi ni sir. garces eh matatamaan talaga yung yurbs ko. haha. ANYWAY, eto pa isang too eh. Shit ulit! haha. Wala na nga hahanapin mo pa. Minsan ka tanga kase ng tao eh. Hahaha. Pero di ko din sila masisisi, kase ganun din ako minsan kaya alam kong tangan din ako. haha. Tamo yung g-tech ko .. Nawala nung isang linggo pero hanap pa din ako ng hanap. Zzzzzzzzzzzz ..


Okay.. Moving on..


Mabuti nang nililibang ko yung sarili ko sa mga kashit-an kesa magpakashit ako dahil sa shit na yon. Panshit talaga![okay. Corny ko na] .. 2 araw na tayong hinde naguusap? Shit! Sabe ko kanina sa kaklase ko "I'm used to it" pero shit! Ba`t ganto ako kadrama? Shh.. I wanted to act cold, even for just a little. After what you put us through. And I don’t want to sound bitter or unforgiving or downright ruthless, but I just wanted you to feel a little of what I did. Ang shit ng buhay ko! Shit!




I hope you feel the same.

Saturday, July 9, 2011

You`re waiting for something you know won`t happen.

You`re waiting for something you know won`t happen. Ika nga ni Sir.Garces `tangengot` tanga na engot pa. Yun bang alam naman yung magiging epekto pero gagawin pa din.Sorry. Yun lang ata masasabi ko.  I told you, don't love me  because I am incapable of loving people back. That's why  it is okay to hate me and to abhor me. I told you to step back and control all the feelings that you have for me. PERO, anlaking pero eh. Hindi mo ginawa, instead you move closer.. too close to get away from the pending destruction. Napaka hard headed mo! Masasaktan ka lang. Can`t you see? You were so blinded, you are so engrossed with who I am and yet ignorant of the disaster I can bring. Ewan ko ba kung ganyan kba talaga? Pero sinabe mo sa akin na ngayon ka lang naging ganito. Sinabe ko na sayo nung una wag ka masyadong maging sweet, weakness ko yun eh. Ayan tuloy, nahulog ako. You were happy. You've found something in me people hated , people are scared of. But you, you were different and I am thankful for that


Day by day , your love grows and your longing heightens because I can't love you back. Pero eto na nga nahulog na, di naman as in totally na nahulog. Siguro na`apprciate ko lang lahat ng ginawa mo. Ang paggising mo ng maagang maaga( as in maaga tala) para magsabe lang ng goodmorning dahil maaga ang pasok ko. Ang pagi`ingat sa kin. Ayaw mo ngang nahihirapan ako eh, kaya lahat ng gagawin ko na mahirap nagaalala ka. Sa mga roses at gimik na mga nagawa mo para sakin para makita ko na mahal mo talaga ako. Lahat yun na`appreciate ko talaga. Sabe mo pa nga dati na ngayon ka lang naging ganto. Ako lang yung inayakan mo na hindi mo syota. Sakin ka lang naghintay ng ganto katagal. Pero baket? Baket? Una pa lang sinabe ko naaaaa~



At eto na nga.. Dumating na nga ang araw na ayaw mong mangyari.. `ang pagsabi ko na mey mahal na nga talaga akong iba. Despite of unreciprocated love, you continued loving me. And I continued  not loving you back,of being selfish and  ignoring you. Your destruction  rapidly started. My ignite has been triggered by arguments and slowly you were ravished by the fire. The explosion swallowed you, the fire ravished you. The destruction of your heart continued. You shed tears, you bled blood. I've warned you didn't I?

Kaya eto sa huli nabibitter ka pa din sa akin. But I know that even we act as normal friends, and I know there is hatred occurs when you see me.





Friday, July 8, 2011

Ba`t minsan ang hirap sabihin nito? Minsan naman nasasabi natin sa di tamang oras at di tamang tao. At minsan nasasabe na lang natin to kung kelan huli na ang lahat at di na muling maibabalik ang kahapon.  May pagkakataon din na ang dali sabihin nito pero ang hirap panindigan. Minsan naman ayaw na talagang sabihin ng iba kase nga expert na sila, ikaw ba naman ilang beses na masaktan, kung tanga kapa din ngayon, ewan ko na lang. Minsan mahihirapan tayo pag narinig natin tong shit na salita na to, dahil batay na din sa mga experience eh, minsan ang hirap na din magtiwala at maniwala pa sa mga sinsabe nila. Shiizz! Wala na akong masabe at ayoko nang magdrama pa.

Babala : Ang pagsabi ng shit na ito ay nakakamatay.

ILOVEYOU

Tuesday, July 5, 2011

Maghabulan sa initan :))

Ayun oh. :)) Wala lang ako mai`title dito sa post ko na to at puro kawalang kwenta at kababuyan lang ang ik`kwento ko sainyo. Kaya kung ayaw niyo maboringan iclose mo na yung tab na to. Haha.

Ang nangyari sa akin ngayong araw..

Umagang umaga.. Pagpasok ng classroom. Edi lahat nagsipuntahan sa locker para kunin yung mga libro na gagamitin sa araw na to. Edi nasa locker na ko ako. At pestengyawa naman! Nawawala yung english book ko. Taragis na yan! Sa hirap ba naman ng buhay ngayon pati pala libro nakukuha na. Tengene! Hahaha. Nakakapangigiil lang naman kase. Tyak na hindi ako bibigyan ng pera ng nanay ko pambile ng bagong libro. At siguro wala nang libro na stock sa library na katulad ng ganun. Jusmiyoo! Speaking of library, andoon pa yung library card ko at mey utang pa din akong 28php. Oh, see.. Isa na ako sa mahihirap ngayon at wala akong pambayad para kunin yung library card ko. Pero kahit ganto ako kahirap, di ko ugali manguha ng libro. Kaya sana kung sino man kumuha ng libro ko diyan, sana mabasa mo to. Sana patawarin ka ng libro ko! Tengene. -___-

Okay. Moving on..

1st subject. Religion. Hahaha. Sana kaklase kita para makita mo kung pano magalit at kung pano magturo yung nagtuturo samen (kasalanan to! Shet!) Hahaha. Ayoko na nga mang trashtralk. Baka balikan ako ng sandamakmak na karma.

..................................................

Last period. Mapeh. So ayun, nagp.e kame. Nag physical fitness test. Ayun nakakapagod naman. Na strecth ng todo yung balakang ko dahil sa sit and reach na yan. Haha. Mapapamura ka talaga sa sakit eh. Anyways.. 1 hr and 40 mins yung time namen sa mapeh. Siguro matatapos mo aga yung physical fitness test ng 4o mins. lang. Kaya yung 1 hr na natitira na time samen eh naglaro na lang kame. Di ko maexplain yung objectives ng laro namen dahil magulo. Papangalanan ko na lang tong "agawan ng kahoy" .. Sa saya namen sa paglalaro. Nababadtrip kame sa referee. Hahaha. Basta ...

--------------- Uwian na!-------------

Selebreysyon ng kaibigan namen at ayun pupunta kame sa bahay nila. Ayun naman, nakakain ng madame. Malamang, handaam eh. :D At habang kumakain kame biglang naipsaok namen yung kulugo ng kaklase namen date. Haaha. Nasa kabilang section na kase siya ngayon. Meron pang "yung pizza mey kulugo" Haha. Tae`na. Halos masuka suka na ako sa pinaguusapan nila at sila hindi pa din natitinag. Haha. Partida kumakaen pa kame ng kutsinta. Haha. Sarap! .. Isipin mo yung kulugo na parang napaso ng sigarilyo. Yung kitang kita yung laman, as in fresh, nangingitim yung gilid, parang singsing. Hahaha. Ang baboy talaga. Pero as in laughtrip. Hanggang sa umulan.. Umuwi na.. At eto nagbblog na ko ngayon dito.

Ang kulugo, bow.

Saturday, July 2, 2011

Thank God :))

Thank God, nakapagserve na naman ako. Ang sarap talaga ng feeling ng nakakapag lingkod sa diyos. Kahit pawis na yung inaalay mo pag hinahawakan mo yung mga gamit. Hahaha. Eh kung hinde ka ba naman papawisan kung asuot mo eh pagkapal kapal na sutana at serplice eh. Tapos yung electric fan pa nakatapat lang sa mga lecom. Pag hinde ako nakakapagserve, di ako pinagpapala eh. Yun bang pag hinde ka nagpunta ng simabahan kahit isang beses sa isang linggo, parang isang linggo na din yung mga darating sayo na kamalasan.

 You know God, you`re my stress reliever. :))

Ano.. Akala niyo ba kayo lang magiging cheesy sa mga girlfriend/boyfriend niyo? O minsan pa plural yan. Lagayan mo na lang ng S sa huli. :)) Haha. Btw, ako din sobrang cheesy ko sa boyfriend ko.. si God. :)) Gabi gabi ko nga siya binabanatan ng pick up lines bago matulog, eh. Yun bang pag hinde ko siya binanatan ng mga corny lines ko eh di ako makakatulog. :D Minsan na lang din kase kame mag rosary kasama ang pamilya ko. Kaya ako eto, nagsosolo na lang sa kama. Minsan  inaabot ako ng 15 min. magdasal. Ang dame ko ba namang pick up lines eh. Ewan ko na lang kung hinde pa kikiligin neto si brow.. 5 na siguro ang minimum na minuto kapag nagdadasal ako. Minsan nga napupurga na rin ako kakadasal eh.. Pag dating sa school`ilang beses kaya ako nagdadasal. Morning praise, pagpasok ng classroom, every subjects, before and after ng lunch at break tas mey 3:00 prayer pa tas bago umuwi .. Haha. Oh diba bongga? Magiging santo na nga ako eh. Pero okaye na yun kasi alam kong hindi ako pinapabayaan ni papa jesus. Osiya .. Magbabasa pa ko ng "the lightning thief" .. :))






ILOVEYOUPAPAJESUS. <3

Saan man papunta ..

Wala nanaman talaga akong magawa kundi pumindot ng pumindot dito sa keyboard na maingay. Pakinggan mo kung gaano kaingay ang typewriter, ganto ang sa amin. haha. LoL. Tutal, kakaumpisa ko pa lang ULIT gumawa ng mga kwentong kabarberuhan sa blogspot ko na to, magk`kwento na lang ako kung sino nga ba ako. :)) Habang nagiingay tong lecheng keyboard na to sabay na pinapakinggan ko tong magpakailanman ng rocksteddy at pang apat na ulit na to .. shet lang, di ako nagsasawa. Pakinggan mo na din.

Okay..

Esther Mae ang ibinigay ng mga magulang ko na pangalan saken. Pangmatanda diba? Tinanong ko nga sila kung bakit yan yung binigay na pangalan sakin, ganto ang sabe "Ano gusto mo? Pangbaby na pangalan? Pano pag tumanda ka na? Ang sagwa namang tawagin pag matanda ka na at baby pa rin ang tawag sayo".  Di naman ako natuwa sa pagkwento ko nito. Corny nga, eh. Oh right.. Labing limang taon na gulang na ako at ipinanganak ako noong ika dalawampu`t ng abril. Isa akong senior sa School of Our Lady of La Salette. Oo, 4th year na ako at di ko alam kung makakagraduate ba ako. haha. Pero choss lang~ wala naman atang di nakkagraduate sa La Salette, eh. Shitt! Ano pa bang ilalabas ng utak ko at pipindutin nitong mga daliri ko. Pigang piga na utak ko, kaka exam na lang namin kanina. Isa pala akong altar server. :))

Wala na talaga akong mailagay tungkol sa sarili ko. Baka kasi pag kinuwento ko ang buong buhay ko baka di ako matapos ng isang araw dito at mapagod ako kakapindot. Sa susunod na pagbisita mo dito, sisiguraduhin kong mey mailalagay na ako na meron namang katuturan.

I`add mo na alang ako. =))
http://www.facebook.com/hcoots42

---------------------------------------------------
It`s already 9:35 pm. Gotta go. GoodNight. :))

Heto nanaman ako. :))

Heto na naman ako. :)) 

Gumawa na naman ako ng blogspot ..  at ano? Baka mawala nanaman. Tengene! Dati kasi gumawa ako tapos natulog lang ako, pagkagising ko nawala na? Hahaha. Sana naman ngayon ay ma`awa ang mey habag. Di ba nila alam na mahirap din gumawa ng account dito. Hhaha. LoL.

Okay.. Moving on..

Uulitin ko na naaman yung sinabe ko dati na, gagawin kong diary tong blogspot ko. Kumabaga parang bestfriend ko na din, ang problema lang dito eh hindi pwede ang pisikalan. =)))

Eto nga pala ako:

So .. ano na? Sa susunod na ko magk`kwento ng buhay buhay ko. Kumukulo na yong sikmura ko at nagwawala na ang mga lecheng anaconda dito.

Tapos .. :))