Tuesday, November 29, 2011

Sariling hamon.

Wala akong magawa kundi magisip ng walang kwentang bagay kaya eto..

Hamon: Sa isang upuan lamang, sumulat ng isang sanaysay na hindi bababa sa 100 salita tungkol sa mga Jejemon gamit ang kanilang paraan ng pagsulat. Isulat ang oras ng pagsisimula at pagtatapos ng pagsulat sa sanaysay. Pagkatapos, gamit ang karaniwang paraan ng pagsulat, ilahad ang naramdaman o magbigay ng mga komento tungkol sa ginawang hamon.

Tugon sa Hamon:

Simula: 6:30 p.m .. November 29, 2011

@n9 M9@ j€JeM0n @¥ Pr0dUk+o N9 kUL+uR@n9 P0pUl@R. $iL@ aN9 +Um@N9gAp $@ h@M0n N@ hUm!W@|a¥ s@ +R@d!$YuNa| n@ PaM@mAr@An N9 p@G$u|a+. N!n@i$ N!|@n9 Ma6k@R0oN nG $@R!|iN9 @|pA8€T0 a+ N@i!8aN9 M3+oD0|oh!¥@ N9 k0MuN1K@$y0n. m@RaM1 @n9 Na!1n1$ s@ K@n!LaN9 iS+1l0 n9 P@9$u|@t. n6UN1+ k@h!T p@Pa@N0 a¥ N@1PaK!+@ n1|A $@ pAm@Ma6!+An n9 K@n1LaN6 p@k1K!Pa6+@|a$tA5@N n@ h!Nd1 L@h4+ N6 +@0 a¥ A|!p1n N9 n@Ka$An@¥aN. $1L@ a¥ |uM@8a5, n@6pAk!L@|a $@ L1pUn@N, a+ n@9pA|@g4n@p N9 k@N1LaN6 d0K+r1n@ $A i8@’+-1bAn6 p@N19 n6 MuNd0. L1n6iD $@ Ka@|Am@N n9 m@RaM1, @nG m6A j3J€m0N @Y h1nD! |@MaN6 m@+aT@6Pu4n $a P1|ip!N@$ a+ m6@ k@Ra+19 8@n5a $@ +1M06-$i|@nG@N6 A5¥a. M@¥r0oN d!n6 mG@ J3j€M0n $@ 4m3r1K@, aW$+r@|¥A @+ 3uR0p@. kUn6 K@¥a’+ m@5A$a8! N@+1n6 kAh1T p@Pa@n0 @¥ s1m80|o $!L@ n6 K@la¥@An 5@ pA6P@p4Ha¥A9.

Tapos: 7:31 pm, November 29, 2011

Komento sa Hamon:

Pwede ba akong magmura???!!! F@#%$^&*!!! Sobrang hirap!!! Ang sakit sa ulo tsaka sa kamay dahil ang effort naman na mag-isip; gumamit ng mga numbers, characters or symbols; at higit sa lahat, mag-alternate ng capitalization para sa isang simpleng pangungusap!!! Hindi ko itatanggi na ayaw kong makipag-usap sa mga jejemon. Pero sa pamamagitan ng hamon na ito, pinupuri ko sila sa kanilang paninindigan sa isang pamumuhay na nasa labas ng nakasanayan. Out-of-the-box or Out-of-this-world. Alin man sa dalawa ang nararapat na sabihin.

Hay naku! Bwisit talaga! Gabibg gabi sumasakit na ang ulo ko. Anyway, bilang pagtatapos ay mayroon akong pakiusap sa mga jejemon. “Kung makikipag-usap kayo sa mga kapwa jejemon, ok lang na gamitin ang inyong sariling istilo. Pero parang-awa niyo naman, kung ang mga kausap niyo ay hindi kabilang sa inyong lipi, please lang, gumamit kayo ng pangkaraniwang pamamaraan ng pakikipagtalastasan. Hindi kasi lahat ay kasinggaling ninyong umintindi at sumulat.”

Tuesday, November 22, 2011

Emoterang esteeliling

Babala: Ang sumusunod ay bugso ng aking emosyon. Pagbigyan niyo na ko please.

Nitong mga nakaraang araw di ko makakaila na wala ako sa aking sarili. May kung anong mabigat na pakiramdam na nagdudulot sa akin ng kalungkutan -- na parang maraming bagay ang mali. Nagsimula ang lahat nung Lunes at tila kasabay ng pagdating ng panibagong yugto sa buhay ang panibagong teacher sa physics ay mukang binagyo na ang lahat.

Signal I. Walang nangloloko kung walang nagpapaloko. 

Isang kasabihan na talaga namang hindi ko maalis sa aking isipan. At dahil sa kasabihan na yan, naisip kong walang taken for granted kung walang nagpapa-taken for granted. Marahil alam niyo na kung ano ang ineemote ng ate niyo. 

Ok na sana eh, tinulungan ko siya at nagthank you naman siya. Pero bakit di ko maalis sa isipan ko na alam niya ang nararamdaman ko at kaya siya sa akin humingi ng tulong ay dahil di ako makakatanggi. Palagi na lang kasing ganun. Ako naman si tanga, palaging pumapayag. Nagemotera lang ako nung sinubukan ko siyang kamustahin matapos kong gawin ung favor niya. 

At ayun, hindi na naman siya sumagot sa tanong ko. Tila magrereply lang siya kapag siya ang may kailangan. Badtrip. Nakakainis. Mula nung gabing yun, tuloy-tuloy na ang emote ko. "Ayoko na!"-- paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili kahit pa pauli-ulit din naman akong fail! Sana lang this time mapanindigan ko na.

Signal II. Friends come and go

Ayoko sanang maniwala sa quote na yan. Kung merong isang bagay akong ipagmamalaki, yun ay talagang pinapahalagahan ko ang aking mga kaibigan. Once na maging close ako sa isang tao, mabilis akong ma-attach. 

Pakiramdam ko talagang close friends na tayo. Lalo pa kapag may "grupo" na tayong kinakabilangan. Isang grupo na sana ay magtatagal ng habambuhay. Pero hindi pala ganun yun sa ibang tao. Kung minsan, napipilitan lang pala sila dahil sa ibang rason. 

Akala ko close na kami, yun pala ayaw lang niya mapalayo sa isang kaibigan niya kaya siya sumama sa grupo. Kaya naman, bigla-bigla na lang din siya aalis at mang-iiwan. Biglang hindi mamansin at kakalimutan na lang ang lahat. 

Ang saklap! Nakakalungkot pero ng dahil sa kanya, naisip kong may mga ilang bagay na hindi mo pwedeng ipilit. Dahil sa kanya, natatakot na akong ma-attach sa mga tao. Ayoko ng ganun, 'one day close friends tayo the next day kebs sayo'. Pero apparently, isang katotohanang walang equal kahit sa pagkakaibigan. Ayun.

Signal III. Saan ako patutungo?

In english, where do I go from here? Ako na ang kuma-career crisis. Mula pa nung isang buwan ay napapaisip na ako sa aking future. 

Oo, ako ay nag-aaral ngayon at ang hindi pa din malinaw sa akin. Hindi ko mahanap ang specific field na magiging buhay ko. Maraming tanong ang di ko masagot. Maraming posibilidad ang aking naiisip. Ika nga, I need divine intervention or enlightenment. Siguro nga dumadating ang lahat ng tao sa ganito. Yung tipong bigla ka na lang mapapaisip kung saan ka patutungo. Minsan naman alam mo ang patutunguhan pero di mo naman alam ang daan. 

At sa totoo lang, alam ko namang lahat ng kasagutan ay wala sa kasalakuyan. Pero masasabi kong ayos ding mag-reality check once in a while. At inaamin kong wala pa akong sagot sa aking sarili pero isang malaking hakbang ang pagkakaroon ng tanong sa buhay. Sana sa mga susunod na buwan ay matuklasan ko din ang nais ko.

Signal IV. Tira-tirang damdamin.

May mga pagkakataong sa dami ng emosyon, di maiiwasang kung anu-anong bagay ang dumadapo sa isip ko. Paminsan nasasabi nating napapagod na tayo. At ngayon, sinasabi kong napapagod na ako. 

Kung kaya't pinipikit ko ang aking mata at tinutulog na lang lahat ng sakit at emosyon na gusto kong kalimutan. Alam kong sa aking pagising ay wala namang nabago ngunit kahit papaano ay pakiramdam ko ay may bagong pagkakataon ako para bumangon at maging matatag sa lahat. At sa pagsulat ko nito, unti-unting gumagaan ang aking pakiramdam. Salamat.



Tuesday, November 15, 2011

Two is better than one.

"E ano nga ba ang pakialam ko kung magalit sila? E sa mahal ko e, paki ba nila!"

Yan. Exactly. Yan ang mga madalas na linya ng mga taong pumapasok sa bawal na pag ibig. E bakit nga ba? E ano nga ba ang alam ng mga impokritong tao tungkol sa pag ibig? Naranasan na ba nilang may kahati sa atensyon? Naranasan na ba nilang umagaw ng mga nakaw na sandali? Naranasan na ba nilang mag date habang katext nung isa ung jowa nya? Wala. Wala silang alam. Ang hirap kaya nun diba? Kung tutuusin, mas bilib pa ko sa kabit, kasi nagagawa nyang isakripsyo lahat para dun sa isang taong yun. Hindi lahat kaya isuko ang pride ang makuntento sa hating pag-ibig. Pede na nga syang barilin sa Luneta. Isa syang bayani.

Ang hindi ko lang maintindihan, sa dinami dami ng tao naman kasi na magugustuhan mo, e yun pang may kadena na sa leeg. Ilang bilyon ba ang mga tao? Anong probability na sa ilang bilyong tao na meron ang planetang ito, sya pa ang napili mo? Ang weird. Destiny? No way. Kahit kelan hindi ko matatanggap na dahil sinabi ng kalangitan, dahil nagtugma ang mga zodiac sign nyo, dahil nagpantay pantay ang mga planeta, dahil may falling star, ibig sabihin ay meant to be kayo. Ano kayo mga hayop? Na kahit sino na lang pwede?

Sabi ng iba, gusto nila ng challenge... ng thrill kaya nila nagagawa yun. Pwde ka namang tumalon sa hinulugang taktak o kaya mag slide mula Tagaytay papuntang Taal. Yun, napakachallenging nun. Anong thrill ang mapapala mo sa pagiging isang kabet? Yung thrill na baka mahuli? Yung challenge na kaya mong agawin ang isang taong taken na?

Ganyan daw kasi tayong mga tao - marupok. Mas inuuna ng tao ang puso kesa sa utak. Bakit nga ba ganun e ang silbi lang naman nga ng puso ay magbomba ng dugo para mabuhay tayo. Bakit pilit nating binibigyan ng ibang trabaho ang puso natin? Huwag na natin antayin na mastress ang puso natin at magpasa ng resignation letter.

Karaniwan, inililink ng mga tao a.k.a. tayong mga babae ang bawal na pag ibig sa mga lalake. Mga lalake raw ang madalas gumawa ng ganito. Mga lalake raw ang dapat sisihin kung bakit nauso ang salitang "Kabet". Oo normal sa lalake ang magkagusto sa iba. Narinig ko nga dati na ang mga lalake raw ay likas na polygamous. Minsan pa nga daw kaya lang naman nagkakaroon ng kabet ang lalake dahil iba ang habol nila. Pero wala namang magiging manyak, ma-EL na lalake kung walang malanding babae, diba? Wala namang mangyayari kung hindi mo titingnan o ieentertain yung thought na "Ui, pwede to ah?". Dito magsisimula ang walang katapusang turuan na wala naman talagang makakapagsabi kung sino ang nauna. Hindi kayo papayag sa sinabi ko diba?

Kaya nga bilib na bilib ako kay Ramon Revilla at Robin Padilla, eh. Hindi naman daw sila babaero, habulin lang daw talaga sila ng babae? Natatawa na lang ako habang binabasa ko yung artikulo tungkol dito. Sabi nga nila, yun daw yung "matinik". 

Kaya kayong mga lalake kahit gaano kayo katinik, mas malupet pa din ang woman`s instict. Kung naamoy namin na nambabae kayo, di na kame titigil sa kakaamoy. Mati`trigger na yung utak naming magkunwaring wala kameng alam. Pero ang totoo, nagiipon na kame ng mga sinyales. Kahit simpleng galaw mo lang, iisipin namen na may kalokohan ka nang ginagawa. 

Yung mga "what if..", "try not to be serious in our relationship, I enjoy na lang natin ngayon kung anong meron tayo", "Taga san ka? Uy, taga dun din ako, sabay na tayo" at "Miss, may nakaupo na ba dito?" lines. Lul niyo! Bulok na yan.

Kaya sa susunod na gagawa kayo ng katarantaduhan, subukan niyong magconsult saming mga babae.

Sa huli wala rin naman ako magagawa. Ano nga naman ba ang karapatan kong magsermon e wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. LoLjk

"Ang tunay na lalaki ay hindi nagbibilang ng babaeng shinota niya, ang binibilang niya ay yung mga babaeng hindi niya pinapansin para sa taong mahal niya"







Saturday, November 5, 2011

Chenelaloo chenes =))))))))

“Ako ay parang 7-11 para sa mga kaibigan ko, bukas 24/7.”



Ganun ka nga sa kanila, pero ganun din ba sila para sayo?


Sa totoo lang, madalas unfair talaga ang buhay e. Kahit yung mga taong akala mo na masasandalan mo in times of sadness, trouble o kahit para lang may mapagsabihan ng problema. Hindi sa lahat ng oras, ready sila para tulungan ka.


Ang bilis lumipas ng panahon, kalain mo dumighay ka lang ng kaunti, 2 buwan na lang 2012 na.

Sa bilis ng panahon ay marami na ring nagbago. Yung pantalon mo na skinny jeans ay nagiging balabal na lang sa leeg mo kasi yung hita mo e pang dalawang butas na ng pantalon. Yung mga damit mo e pinapamana mo na lang sa mga kapatid o anak mo, at ang lagi mong katwiran eh papasko mo na ito sa kanila. Sapul ba? Bang!

Naalala mo ba yung mga panahon na naglalaro tayo ng piko, tumbang preso at kung ano ano pang mga larong kalye? Yung mga panahong ang mga kuko natin eh pede nang taniman ng kamote sa kaitiiman? Yun bang panahon na kulay green na ang mga uhog natin dahil tamad tayong punasan o suminga? Nakakamiss talaga ang nakaraan.
Nakakamiss din yung kulitan at asaran ng barkada. Para kasing ang saya saya lagi ng buhay pag sila lagi mong kasama. Parang nakakalimutan mo lahat - yung pagpapaluhod sa yo ng nanay mo sa munggo, sa pagsasako sa yo dahil sa kakulitan mo... ganun kasaya. Minsan nga nasasabi natin na mas mahal pa natin sila kesa sa mga magulang natin. Kasi nga, sila yung nakakaintindi sa kalokohan natin, sila yung tipo na nasasakyan ang trip natin. Ang barkada ang parang bumubuo sa kalahati ng buhay natin (Sabay patugtog ng San na nga Ba ang Barkada ng APO, parang mali pa ata title)

Kaya lang dumadating talaga ang time na nagbabago ang lahat. Syempre, hindi naman tayo pede maging bata na lang habambuhay. Anjan na yung time na tatanda tayo... makakakilala ng ibang tao... matututo na ang buhay pala e hindi lang puro laro ang kasiyahan. Malalaman natin na meron din palang ibang tao na pede natin makasama. Malalaman natin na kelangan mo ring magbanat ng buto para may makain na pansarili.

Lilipas ang panahon, maghihiwalay hiwalay rin ang landas ng barkada. Merong makakahanap ng magandang trabaho sa ibang lugar at doon na mabubuo ang buhay. Meron naman makakakita ng bagong environment na feel nya eh masaya sya dun. Meron naman magkakagalit at hindi na magkakausap. Dun mo marerealize at matatanong sa sarili na "ano nga ba ang nangyari?"

Kasi nga pag bata, wala tayo alam gawin kundi magsaya. Wala tayo pakialam kung ito bang taong ito eh sensitive o kaya e tsismosa. Kasi nagiging "comfort zone" natin ang barkada. Hindi man natin ito napapansin pero kahit gano kayaman man o kahirap, katalino o kabobo, lahat nagkakaroon ng pantay na wavelength.

Ngayong tumatanda tayo, dyan natin narerealize ang mali ng bawat isa. Habang natututo tayo sa buhay, nalalaman natin na may mali sa mga nangyayari. Natututo tayong umiwas, o ang mas masaklap, magsawalangkibo. Dahil sa mga rason na ito e unti unti nagkakalamat ang akala natin na solid na tropahan.

Kapag dumating ka na sa stage na unti unti na nawawala ang barkada, dito mo maramramdaman ang panghihinayang. Mararamdaman mo na ang samahan na binuo mo ng matagal na panahon e mawawala lang dahil sa lintik na kasabihang "walang permanente sa mundo, kahit ang barkada nyo". Kahit ano pang effort ang gawin mo upang subukan i-mighty bond ang basag na tropahan, wala na. Para ka na lang kumakain ng hotdog na walang ketchup. Masaklap diba?

Ang sarap sana dumating yung panahon na bigla na lang natin makakalimutan ang mga naging pagbabago at magsama sama ulit tulad nung mga bata pa tayo. Yun tipo bang matatanggap natin ang pagkakaiba ng isa't isa. Yun bang mapagtatawanan natin ulit ang pinakamaliit na bagay. Yun bang mawawala ang paghuhusga sa isat isa at matutunan natin mahalin sila ng walang tanong tanong. Sana isang araw, bigla na lang magsulputan ang bawat isa sa barkada na nag hi high five sa isat isa.

Bakit ba kasi tayo naghahanap ng karamay? Dahil sila ang tumutulong satin sa paghahanap ng solusyon o kaya naman sumusuporta sa gagawin nating desisyon. Kung tutuusin, tayo ang nagdedesisyon para sa sarili natin.
Meron kang mga kaibigan, best friend, boyfriend, kapamaliya, kamag-anak.. name it. Kung wala sila kapag kailagan na kailangan mo sila, paano ka na? Hahandusay ka na lamang ba sa daan? Mag-iiyak hanggang sa dugo na ang luha mo? Magpakamatay? Hindi naman sa lahat ng oras, may superhero na tumutulong satin kapag may problema tayo.

Isa lang ang siguradong makakatulong, ang mga sarili natin mismo. Siguro yun din ang lesson na natutunan ko. Wag tayong pakampante na may masasandalan tayo palagi.


At dahil sabaw na ko ata wala ng masabe, here I am:







Friday, November 4, 2011

If I were a boy

I’m not that gurlie and I’m not that feminine, but I’m definitely a girl.


Pero minsan mas prefer kong ginagawa yung mga ginagawa nang mga lalaki. Di ako ganon kumilos na ma ala maria clara. Muka akong lalake maglakad, minsan parang lalaki ako manamit(minsan lang naman), mahilig din ako sa computer games na karamihan lalaki ang mga gumagawa. And I'm a big fan of Megan Fox. I wonder if that would be weird.. Naaah, not really. Karamihan siguro ng fans ni Megan Fox ay mga kalalakihan kasi napaka Hot niya. 


Pero kung lalaki ako..


Abaah, magiging famous skateboarder ako. Sounds cool, right?


Kung magkakapamilya man ako, hindi ko sila iiwan at ipagpapalit. At maganda ang magiging kinabukasan ng anak ko.


I would treat the ladies right.
Rerespetuhin ko lahat ng babae na karespeto respeto.  Her heart-I will never break. She would trust me and she would run to me every time she’s in need. Lagi lang akong nasa tabi niya para pasayahin siya.


Magiging proud sakin ang nanay ko kasi alam niya na may pinalaki siyang anak na gentleman. Ganon din ang tatay ko.  


Teachers would love me; I’ll be teachers pet.


Papatunayan ko na hindi lahat ng lalaki ay hindi lang sex, drugs, gangs at alcohol ang hanap. 


My grades would be worthy. People would think I’m a good guy with a good heart. I’ll be generous, helpful, caring, loyal, honest, silly, caring, strong and handsome!


Pero malamang hindi ako magiging perpektong lalake. Alam naman ng lahat na nobody is perfect. Hindi kasing perfect nang babae na naghahangad na maging lalake. 


As a girl, I think I have power-power to prove people wrong. Girls don’t have an advantage at life just because they have something the men like, like a lot of people think. Society thinks females are too sensitive. Society ranks girls, teenage girls especially, as “tramps”. We try to get everything our way because society thinks we’re cute. No. It’s not like that. We go through everyday issues like a guy does; maybe not the same, maybe not as much, maybe not as less. Who knows?


Mahal ko ang pagiging babae. Di ko hiniling ang maging lalaki.. pero if there's a chance. Why not? Wala na sigurong babaeng umiiyak ngayon.