Ano na? Ano na nangyayari sa buhay ng isang may tililing na katulad ko? Nakakapagod din pala tumunganga kahit papano no. Yung tipong pag wala kang ginagawa, nakatunganga ka lang at kung ano ano na ang mga sasagi sa isip mo. Mas maganda din pala maging hyper para laging masaya. Kasi naman.. ganun naman talaga. Dapat lagi tayong masaya. Eh pano pag puro lungkot na lang yang dadalin mo sa mga balikat mo at ipagsisiksikan mo jan sa uatk mo? Anong saysay niyan sa buhay mo bilang isang tao dito sa mundong ibabaw? (yess. ansabeeeh? Haha) Wala. Para ka lang umutot sa isang napakasikip na Kwarto na puro kaibigan mo ang kasama mo at walang nakaamoy. Eh ano ba kaseng balak ko talaga patunayan dito sa mga pinagsasabe ko dito? Wala. May namimiss lang kasi ako, eh. Kahit kakakita lang namin kagabi, sobrang miss ko na naman agad siya. At nakakabaliw na yun.
Hi Tonta, Stupida, Timawa, Indio, Tanga, Shunga, Timang. Hi Ate Sarah (Yes, may ate? :D),
Ano? Gusto lang kitang alalahanin, eh. Bakit ba? Papalag ka pa? Haha. Alam ko naman kasing hindi mo to makikita, eh. Di mo nga alam na may blog ako, eh. Ang shunga mo kasi, eh. Haha. Ayun, Halos 4 months pa lang ata tayo magkakilala pero parang 6 years na tayong magkakilala at magkaibigan. Sorry ha? Lagi kasi kitang chinacharot. Eh alam mo naman yung bonding natin pag magkasama tayo, eh. Sakitan kung sakitan eh. Ayaaan, sa sobrang pagkabaliw mo pag kasama kita wala akong ginawa kundi tumawa. Tumawa ng tumawa hanggang sumakit yung pisngi ko.
Sarah "blahblah" Villiarias Fernandez. Thank you ha? Kase pinagkatiwala mo sakin yung isa mo pang 1st name. Hahaha. Alam ko kasing hindi mo talaga pinagsasabe yun at isa sa ko sa mga pinagsabihan mo. Woooow! Haha. I'm so grateful kasi nakilala kita at naging ka charutan kita. Eh? Pangmayaman? Haha. Para kong nagkaron ng isang ate (ang matagal ko nang hinahangad). Ayun, eh. Ikaw nag paramdam sakin nun. Sinabe ko naman sayo dati diba? Taktee, ikaw yung naging inspiration ko. Kahit sobrang nakakadiring sabihin. Hahaha. LoLjk, Ehh sinabi ko din naman sayo, eh. Mahal kita. :))
Thank you. Thank you sa mga times na ginawa ko nang bahay ko yung bahay niyo lalo na nung bakasyon. Haha. Thank you sa mga inspiring words mo, lalo na pag seryosong usapan na. Thank you sa pagd`drama mo. Remember? Yung letter. I told yaaaa, may special place siya eh. Papakita ko sayo minsan. Haha.
Sorry. Sorry kase sa mga jokes kong corny. Haha. Sorry din if minsan di na nakakatuwa yung biruan natin. =))))) Sorry din sa mga times na pag inaaya mo ko, di ako pwede. Pero isang beses lang naman yun eh? Sorry na oy! Patawarin mo na ko o jusko. Napakasaki-i-i-it kuya eddie.. ang sinapit ng aking buhay. Haha. Ayy? Chos. Basta.. sorry dun ha? :) Smile!
Ayun.. Lately kase masyado na tayong mga busy. Kaya hindi na tayo nagkakausap. Madame na ulit akong gustong ikwento sayo stupida. Haha. Parang kagabi lang.. hinuhuli mo ko dun about dun sa......... :) Basta.. secret lang muna haaa? Ayuun.
I love you dear. Ingat ka lagi.. tanga ka pa naman. :) Keep the fire burning! Alam ko namang kaya mong i-handle lahat ng mga problema mo sa buhay mo, eh. Lagi lang naman kasi tayo nakakapit sa kamay Niya diba? :) Godbless.
Nagmamahal, chuchu. :))
Monday, August 20, 2012
Saturday, August 11, 2012
Fear of Rejection :3
Oh eto mabalik tayo sa ka emohan at makabagbag damdaming usapan. Masyado ata ako natuwa sa buhay ko nakalimutan ko na bawal nga pala ako sumaya. Chos.
Alam mo ba ang feeling na parang ginagawa mo na ang lahat pero kulang pa rin? Yung tipong kulang na lang e sungkitin mo ng literal ang mga bituin sa langit? Di ba parang sampal sa mukha na para bang napaka useless ng effort mo?
Ganun siguro talaga pag wala kang boses sa puso nya. Kahit anong sigaw at tawag ay hindi nya maririnig ang mga sinasabi mo. Kahit ilang beses mo nang nag rereach out, ilang beses kang kumakayod para sa isang tao, hindi nya marerealize yun. Kasi nga sarado ang utak nya sa yo. Wala syang ibang maririnig at makikita kundi ang sarili nya ang mga hinaing nya sa buhay. Kaya ayun. Mananatili kang invisible man.
Sabi nila ang mga lalake daw e gusto lang na pinakikinggan sila. E bakit ba minsan itry ko lang nq pakinggan sya e minasama pa at bakit daw ako walang imik. Para daw akong walang pakialam sa kanya. Duh??!!?! Napakamot ulo na lang ako. Mga lalake talaga.
Nakakalungkot lang kasi isipin na gusto mo lang naman sya pasiyahin. Gusto mo lang na maalis yung sakit na nararadaman nya. Ggawin ang lahat-magadvice, tumulong at makinig lang. Pero isa lang ang resulta; isang masamang tao ang tingin nya sa yo. Ang pangit pa dito may mga linya pang "pare pareho kayo. Hindi nyo ko maintidihan!" kung makahambing naman e wagas. Hindi nya malalaman na nakakasakit na pala sya kasi nga, again, sarado ang puso nya sa yo. Ang mahalaga sa kanya ang problema nya lang. Period.
Pero in fairness naman naiintindihan ko mga ganitong tao. Mga may saltik sa utak na konting problema lang e akala mo ay pinagsakluban na ng langit at lupa. Mahirap din naman sila tlaga kalamayin ang loob kasi, again and again, sarado ang puso nila. Sabihin mo nga lang na "ok lng yan" e magagalit na sila sa yo at sasabhing insensitive ka. pag nabadtrip naman sila sa dun sa nag emo, magagalit na naman at sasabhing walang nakakaintindi sa kanila. Diba?
Para sabihin ko sa mga emo jan na tao, hindi lang kayo ang may problema. Hindi lang kayo ang bumagsak sa isang subject. Hindi lang kayo ang nauubusan o nawawalan ng pera. Hindi lang kayo ang namatayan. Hindi lang kayo ang sinumpang magpapasan ng lahat ng problema. Mas ok nga sana kung ganun pero hindi. Hindi rason na hindi mo mabago ang pagiging negative mo. Yung iba nga e kaya bakit ikaw hindi? E parepareho lang naman ang kinakain natin. Ok lang naman kasi ang malungkot pag narereject pero hanggang kelan mo ba dadamdamin ang problema? Till the end of time? Everlasting? Habang may buhay? Forevermore? Magpakailanman?
Pero syempre dahil hindi importante ang mga iniisip at sinasabi ko, wala na namang makikinig sa kin. Sabi nga nila it's easier said than done kaya alam ko namang mahirap maging positive sa buhay. Pero ang mag emo sa isang bagay ng mas matagal pa sa 3 araw? Hindi pa ba naubos ang luha mo sa isang araw? Kaya sana kayong mga may mga problema.. Bahala kayo!
Sunday, July 29, 2012
I-suspend na yaaaan!
Tag ulan. Baha. Traffic. Basang medyas. Basang damit... Pantalon... PAYONG :D....
Nakakainis ang tag ulan pag nasa maynila ka. Nagmimistulang waterworld ang kamaynilaan tuwing uulan ng malakas. Pero kung sa dagat e mga isda makikita mo, dito kakaiba. Mga patay na daga, ipis, basura at minsan may makikita ka pang diaper na bagong tapon. Nice diba?
Ang pinaka masaya kapag bumabagyo e yung pauwi ka na galing trabaho, school o kung saan man kayo pumunta. Isang malaking adventure ang dadaanan mo sigurado. Para ka lang si dora na may mapa ng mga obstacle na dadaanan. Kelangan magaling ka sa mga detour kasi siguradong wala kang diretsong madadaanan. Bakit kasi nagbabaha pa e. Buti sana kung nakapaa lang tayo kaso pano mga nakasapatos? Bawat tapak mo e may tubig na mapipiga. Hassle di ba?
Nakakainis din ang mga sasakyan pag tag ulan. Hindi ka na makasakay dahil sa dami ng tao, dadaan pa ng walang modong driver ang baha at syempre, paliliguan ka ng tubig kanal. Ayos diba?
Ang pinaka nakikinabang lang naman sa bagyo e yung mga gumagawa ng tulay o kahit anong sasakyan para makatawid ang mga tao. Kung araw araw bumabagyo sigurado mga milyonaryo tong mga to.
At amp. Ang trapik. Jusko haha. Nakakadalawang pelikula na ang bus e di pa ko nakakauwi. Nkakapanibago tuloy at hindi ka emohan ang nakasulat dito. Parang hindi tuloy ako. Eto epekto ng walang pasok eh. Nakakapagsulat ng kaunting reklamo habang nagiintay ng suspension ng klase.
Wednesday, May 30, 2012
Sorrow
Ano kaya ang nararamdaman ng mga artista kapag may eksena sila kung saan kailangang ilagay ang mga letrato nila sa ibabaw ng kabaong?
Madalas ko 'tong maisip kapag hindi ako makatulog sa gabi, which is lagi. Iniisip ko kung ano nga bang mangyayari kung sakaling hindi na ako magising kinabukasan. Paano kaya malalaman ng mga kaibigan ko na dedbol na nga ko? Eh ng mga internet friends ko? Will they even give a shit kung malaman nga nila o sasabihan lang nila ko ng 'noonecares' pagkatapos ay ipagpapatuloy ang kung anumang shit na ginagawa nila sa mga precious life nila.
Matutuwa siguro ako kung magiging kaluluwa ako't makikita ko ang lahat ng mahal ko sa buhay na magkakasama sa isang pagtitipon. Nagpupusoy, nagkakape, pumapapak ng kornik at kendi, naggigitara, at kumakanta habang humihigop ng maligamgam na sopas na walang sahog. Korni siguro kapag may umiyak. Mumultuhin ko pureber kung sino man 'yung iyakin na 'yun. Ang magandang part dun ay 'yung magsasabihan na ng mga awezomeneszs ko nung nabubuhay pa ko.
Ay, 'yang si estee' napakabait niyan, eh.
Sobrang masunurin sa maguang at hindi tamad
Yang si estee, napakaganda niyan eh
Kumakaen yan ng buhay ng tipaklong, eh
'Yung mga ganun shits ba. Kasi kadalasan namang napupuri at nabibigyan ng medal ang isang tao kung kelan tapos na siyang embalsamuhin. SOP na siguro 'yung ganung shits.
Galit ka ba sa mundo? Pareho tayo. Pareho nating nais na tumakas sa ‘di patas na paghusga at walang kwentang mga daluyong.
Gusto mo rin bang bumalik sa pagkabata? Pareho tayo. Gusto ko ring bumalik sa mundong ang pinakamabigat na problema ay ang bagong laruan ko.
Gusto mo bang tumakbo? Tara, tumakbo tayo. Tumakbo tayo ng mabilis hanggang mapagpag ang mga mantsa sa mga damit natin.
At alam kong hindi na magnyayari yun. Kaya sa burol ko gusto ko ito yung ilagay niyong litrato:
Nawala man ako, masaya pa din ako sa piling ng panginoon. Gusto mo ba sumama?
Thursday, May 24, 2012
Life Changing
Hi Blogspot! Long time no post ha. I miss you, a Lot. <3 I still care for you. I still want you. I still Love you. =))))))) Hahaha. Charot lang. :D Sa sobrang busy ko this may, naalala pa din kita. Be thankful. Haha.
This past few weeks, super busy ko. As in, super busy ako makipagbonding sa mga ka YFC ko. 3 years ago, nagcamp ako sa progressive and after nun halos kalahating taon lang ako nagactive then nawala na din. Then last month lang, nagactive na ulit ako. And masasabi ko na malaki rin yung nabago sa buhay ko.
Friendship and Prayer Life
Iba. Iba talaga ang nadudulot nito. Ish`share ko lang sainyo kung pano nagbago buhay ko dito.
1st. Friendship. Kung dati nangungulila ako sa mga kaibigan.. ngayon. Hindee na. May Iangs at Caramelas na, may YFC pa. As in halos araw araw kami nagkikita dahil araw araw din namin nam`miss yung isa't isa. Araw araw kami nakikipagbonding at nakikipagkulitan kay God. Sila yung mapagsasabihan mo ng problema at kung hinde "dasal lang natin yan sister" ay "everything is possible with God" ang isa`sagot.
Sakanila ko nalaman kung pano magpasalamat sa lahat lahat kay God at sakanila ko natutunan na ang lahat ng bagay ay binigay ng diyos dahil may dahilan.
2nd is My Prayer Life. Kung dati tuwing bago lang ako matulog nagd`dasal.. ngayon, tuwing bago kumaen, bago matulog, pagkagising, pag may lakad at segu segundo.
Naalala ko nung isang linggo, nastress nanaman ako. Nawalan nanaman ako ng pandinig at nagblurred nanaman yung paningin ko [walang nakakaalam nito. nanay ko lang :)] Kala ko nanaman mahihimatay nanaman ako. Umupo lang ako.. at nagdasal. And after ng mga 3 mins. naging maayos na ulit ako. And dahil dun super thankful lang ako kay God na may pinapaalala lang siya sakin sa mga ganung sitwasyon. Another is yung semplang ko, buti na lang talaga hindi malala yun at hanggang dun lang. Haaayyy. Praise God. :)
This past few weeks, super busy ko. As in, super busy ako makipagbonding sa mga ka YFC ko. 3 years ago, nagcamp ako sa progressive and after nun halos kalahating taon lang ako nagactive then nawala na din. Then last month lang, nagactive na ulit ako. And masasabi ko na malaki rin yung nabago sa buhay ko.
Friendship and Prayer Life
Iba. Iba talaga ang nadudulot nito. Ish`share ko lang sainyo kung pano nagbago buhay ko dito.
1st. Friendship. Kung dati nangungulila ako sa mga kaibigan.. ngayon. Hindee na. May Iangs at Caramelas na, may YFC pa. As in halos araw araw kami nagkikita dahil araw araw din namin nam`miss yung isa't isa. Araw araw kami nakikipagbonding at nakikipagkulitan kay God. Sila yung mapagsasabihan mo ng problema at kung hinde "dasal lang natin yan sister" ay "everything is possible with God" ang isa`sagot.
Sakanila ko nalaman kung pano magpasalamat sa lahat lahat kay God at sakanila ko natutunan na ang lahat ng bagay ay binigay ng diyos dahil may dahilan.
2nd is My Prayer Life. Kung dati tuwing bago lang ako matulog nagd`dasal.. ngayon, tuwing bago kumaen, bago matulog, pagkagising, pag may lakad at segu segundo.
Naalala ko nung isang linggo, nastress nanaman ako. Nawalan nanaman ako ng pandinig at nagblurred nanaman yung paningin ko [walang nakakaalam nito. nanay ko lang :)] Kala ko nanaman mahihimatay nanaman ako. Umupo lang ako.. at nagdasal. And after ng mga 3 mins. naging maayos na ulit ako. And dahil dun super thankful lang ako kay God na may pinapaalala lang siya sakin sa mga ganung sitwasyon. Another is yung semplang ko, buti na lang talaga hindi malala yun at hanggang dun lang. Haaayyy. Praise God. :)
YFC
Eto nga pala yung pinanghahawakan ko na bible verse:
"Look at the birds in the sky. They do not sow or reap, they gather nothing in barns; yet your heavenly father feeds them. are you not important than they?"
-Mt. 6:26
Sunday, April 29, 2012
Ano ang English ng baka? Edi Bakasyon :))
Despite of my busy schedule (weh?), we were still able to find time to celebrate my birthday. Five days of having fun is enough. And being with my family and friends is satisfying. And yes, it's satisfying, and I realized that english doesn’t suit me. Hello grammar nazis!
Hahaha! Mainit ang singaw ng araw ngayon kaya siguradong nakakatamad na tumambay sa labas. Wala rin naman ‘yung iba kong mga kaibigan sa pagtambay kaya mabuti pang dito na lang siguro ako sa loob ng bahay at tatanga buong maghapon.
Pero teka` sa pagkakaalam ko ay magku`kuwento nga ko sa mga nangyari sakin sa limang araw na yun. Bumalahaw ang katamaran ko.. naman talaga.
Nagpunta kame ng Zirkoh Tomas Morato nung 24 ng Gabi. At dahil nga birthday ko nun, obligado akong manglibre. Haha. Pero biro lang. Ako mismo nangaya sakanila.
Naligaw pa kame nung gabing yun dahil nagiba na pala ang pwesto ng zirkoh.. nawalan na kame ng pagasa at napagpasyahan na sa klownz na lang. Ngunit habang nasa daan ay nakita ang zirkoh. Yeeey! Kay kalbo na si waly pa din pala ang bagsak namin.
Syempre ang nagpasaya ng gabi namin na kalbo. :D
At kundi dahil sakanila wala kame dun. =))))) I love you Mommy and Daddy. :**
3:30 am na din kame nakauwi nun at derecho bagsak sa kama. Di pa nga namen alam kung pano kame hahatiin. kung 3 sa kama ko at 3 sa latag sa sahig, para equal diba. Pero napagpasyahan na 4 sa kama ko at 2 kame ni judea sa sahig. Hahaha! 10 30 na din kame nagising nun. Kulang pa yung oras na yun sa tulog namen at lahat bangenge pa. Halos isang araw din wala ang mga kaibigan ko sa bahay nila. At super thankful ako sakanila dahil hindi sila naging kj. Alas tres na din kame umalis ng bahay namin dahil nagka yayaan sa OLEP. =)))))))) At dun.. nagfoodtrip.
Huwebes ng madaling araw ay umalis kame ng pamilya ko. Syempre, family bonding naman. Nagpunta kame eL puerto. =))))))) Konting pictures lang yung maish`share ko dahil sa kabobohan ko na nawala lahat ng pictures ko sa phone ko at yung sa cam lang yung natira. :|
Lahat naman nag-uumpisa sa isa. Hanggang masundan nang masundan. Magugulat ka na lang, sira na pala ‘yung pundasyon.
Oo, tatapangan ko. Kapag umabot sa tatlo ang bato, ako na mismo ang sisira sa haligi at hindi ako magsisisi kahit na makita kong sumampal ang mukha ko sa lupa.
Kahit na alam kong ako lang naman ang malalaglag at masasaktan.
Friday, April 20, 2012
Eh ano, eh?
Hello Blogspot!
Ang tagal na din kitang hinde nabubuhusan ng mga kung ano anong kabaklaan, ah. Namiss din kitang pagbuhusan ng mga kadramahan.
Nagsasawa na ‘ko sa kababawan. Umay na umay na ‘ko sa mga hilaw na katamisan, sa mga komedyang nakakatawa lang dahil sa kaplastikan. Nakakarindi na ang mga reklamo. Nakakasuka na ang mga landi. Gusto ko ng bago.
Gusto ko ng kalaliman. Nagugutom ako sa matatalinong opinyon, sa matatalas na katha at mga pulidong salita. Nais kong lakbayin ang mga daang komplikado. Nais kong umunlad. Bored na bored na ko dito sa pamamahay ko! Gusto ko ng pumasooooooooook! Hahaha.
May napanood akong korean drama dati kung saan naliligo 'yung bidang lalake sa gitna ng lamig ng hating-gabi. Ginagawa niya 'yun para mawala 'yung lungkot na nararamdaman niya. Geez, nasabi ko sa sarili ko. Hindi ko kaya 'yung ganung trip. Siguradong pulmunya ang abot ko kinabukasan. Nawala nga ang lungkot ko, mawawalan din naman ako ng buhay. Teka, nakakamatay ba ang pulmunya?
Gagawin ko sana. Pero..
Tae, isang buhos pa lang, halos masuka ako sa lamig.
Speaking of dramas, siguro naman eh nakapanood ka na ng mga pelikulang ganito ang skema:
Nagkaron ng conflict itong magsyotang bida, at 'di rin nagtagal eh nauwi rin sa hiwalayan. Tapos may makikilalang lalake itong si bidang babae. Sabihin na nating itong si new guy eh 'yung tipo ng lalakeng hahabul-habulin ng mga chikas. Oo, parang perfect boyfriend na siya kumbaga. To cut the story short, babalik din itong si babae dun ke bidang lalake. Bakit kamo? Kasi bida 'yun eh. Kahit anong mangyari, kapwa bida dapat ang magkakatuluyan. Kahit na gaano kaperpekto itong si new guy, hindi parin siya bida. Kadalasang nangyayari 'yan sa mga pinoy movies. Halimbawa eh 'yung Mulawin. LOL.
Ahmm, teka, ano nga bang gusto kong iparating dito. Wala naman. Gusto ko lang sabihin na sa paulit-ulit na nangyayari, siguro eh malapit na kong masanay na hanggang 2nd place na lang.
I'm the great 2nd placer.
Hindi ko alam kung bakit kahit ilang ulit akong magsunog ng pakialam sa tao eh paulit-ulit din akong mistulang nagiging basurero na pumupulot ng basura sa pag-aakalang makakatulong pa ito sa akin.
Pare-pareho kayo.
Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ng lahat ng nangyari ay parang naging hangin na lang ako na walang mukha, kaya di mo makilala. Isa sa pinakamasakit na pakiramdam ay yung tratuhin akong isang estranghero. Pero kahit anong paghihimutok ko, sa huli ay ako rin naman ang magiging talo. Dahil di ako napapagod na umasa.
Siguro eh nangalay na lang ako. Nakakangalay naman kasi ‘yung iwanan kang nakabitin lang sa ere. Kaya siguro naramdaman kong kailangan ko nang gumawa nang paraan para makababa mula sa pagkakabiting ‘yun.
Katulad nga ng sinasabi nila, sayonara. :)
Me mai-post lang. =)))))
Wednesday, March 28, 2012
Chupssssss
Di ko alam kung pano ko uumpisahan to. Di ko alam kung bakit dumating sa ganito. Di ko alam kung bakit kelangan sabihin lahat ng lahat ng to.
Ikaw. Pag kasama kita lagi akong masaya. Kahit na sa panahon ako ng depression.. nakikita pa lang kita, natatawa na ko. Iba ka, eh. Ikaw yung lagi kong nasasabihan ng mga problema ko, ikaw yung laging nasasapak ko pag gusto ko ng masasapak at ikaw yung laging namumura ko pero walang pakeelam. Ikaw yung naging confidante ko.
Pero di ko alam kung bakit di nila maintindihan yun. Lalo na yung mga kaibigan mo. Tropa ka eh. Kaya nga gusto kita makasama, eh. Yung ugali mo.. swak na swak. Kahit madalas ka nagba`barbero pero di ko magawang magalit kase napapatawa mo pa din ako.
Iba talaga, chups. Yung ugali mo lang naman. Pero bakit kailangan mong magpaalam? Bakit kailangan mong lumayo? Dahil sa mga sulsol ng mga kaibigan mo? Iyakin ka talaga eh noh. :))
Kahapon.. sa sobrang stress ko kaya ikaw yung nilapitan ko. Umiiyak ako.. Pero nung nakita kita sa 711, ayan natatawa na ko. Ikaw yung nilapitan ko kahapon kase alam kong ikaw lang yung makakaintindi sakin.. kase ang kailangan ko lang naman, eh yung makikinig sakin.
Ikaw. Pag kasama kita lagi akong masaya. Kahit na sa panahon ako ng depression.. nakikita pa lang kita, natatawa na ko. Iba ka, eh. Ikaw yung lagi kong nasasabihan ng mga problema ko, ikaw yung laging nasasapak ko pag gusto ko ng masasapak at ikaw yung laging namumura ko pero walang pakeelam. Ikaw yung naging confidante ko.
Pero di ko alam kung bakit di nila maintindihan yun. Lalo na yung mga kaibigan mo. Tropa ka eh. Kaya nga gusto kita makasama, eh. Yung ugali mo.. swak na swak. Kahit madalas ka nagba`barbero pero di ko magawang magalit kase napapatawa mo pa din ako.
Iba talaga, chups. Yung ugali mo lang naman. Pero bakit kailangan mong magpaalam? Bakit kailangan mong lumayo? Dahil sa mga sulsol ng mga kaibigan mo? Iyakin ka talaga eh noh. :))
Kahapon.. sa sobrang stress ko kaya ikaw yung nilapitan ko. Umiiyak ako.. Pero nung nakita kita sa 711, ayan natatawa na ko. Ikaw yung nilapitan ko kahapon kase alam kong ikaw lang yung makakaintindi sakin.. kase ang kailangan ko lang naman, eh yung makikinig sakin.
Uminom tayo ng shake at kumaen ng baka na di alam ang luto kahapon. Salamat dun! Pero bigla mo na lang akong hinatak.. hinatak talaga ah. As in. Yung mapupunit na yung damit ko at mapuputol na yung braso ko at saka mo ko pinasakay sa trycicle dahil gusto mong magkaayos kame.
Ngayong di kame nagkaayos.. bat pati ikaw? Ba't pati ikaw kelangang gumulo din yung pakikisama sakin? Sinabe mo na lalayuan mo na ko. Iba kase yung tingin sayo ng mga kaibigan mo. Tinutulungan mo na ko pero ako hindi pa din nage`effort.
Chups, salamat sa lahat. Hindi hindi kita makakalimutan kahit kinakalimutan mo na ko. Kung date na isang text ko lang sayo na pumunta ka ng bahay.. sunduin mo ko at punta tayo sa ihaw ihaw, mukang hindi na at mangyayare ngayon yun.
Naging parte ka na ng buhay ko. At walang makakapagpabago nun.
Wednesday, February 15, 2012
His purpose.
My LIFE purpose?
Live in the present
compassion,
love, truth.
Actually my first name says it all
Would you like to sail the unknown seas with me?
I believe the greatest gift in life is not to know, the future is not real yet, fear of it makes it worse, or trying to avoid the future.
My purpose is to be limitless to allow myself to discover what I can do myself and what I can do with others.
Sometimes your purpose follows you around for your life until one day when you decide to turn and embrace it.
You can also find your purpose in the good habits you do everyday of your life.
After I knew my situation now I should only have to do is to thank God. I should live to the fullest. And one thing is for sure, We exist for God's purpose. Just Pray. :))
Friday, February 10, 2012
See the change?
Things may change from this day on
here with us is where you belong
someone like you there is no other
you're the closest thing I have to a sister
you have only been in my life for quite a short while
but even when I'm down you seem to make me smile
that place in my heart you will always stay
such good memories they will never fade away
The tears I shed I shed for you
but now i'ts time to make your dreams come true
for all the times you have helped me out
a good future ahead of you I have no doubt
you gave me confidence you gave me pride
even when your gone I'll be by your side
for all them fears in which we shared
to say goodbye I'm not prepared
for you I'll hold my head up high
keep myself strong to say goodbye
it may hurt and I may cry
I think to myself and I wonder why
what we'll do I really don't know
all I know is I will never let go
you're a true friend for that is true
when I was down I came to you.
I am so glad that we became friends
but this isn't where our journey ends
the memories we have will last forever more
I will always love you for that I'm sure.
always in my heart and in my heart you will stay
I can't believe today is the day
you made me stronger and that I believe
but now it's time to let you leave.
Sabe ko na nga ba hindi kita matitiis, eh. Anak ng teteng. Kahit ako unang lumayo, ako pa din ang babalik. Siguro hindi mo alam kung bakit ako ganto o siguro ng alam mo dahil madami na din ang nagsabi. Alam kong napakakorni sayo ng mga gantong bagay at nakakatawa na lang para sayo pero itutuloy ko pa din to let you know of what I felt these past weeks.
Bakit ba ko ganito? Siguro marami ang nagsasabi o nagsabe na na ang babaw ko sa mga gantong bagay. Hindi ko kaya sabihin sayo sa harapan kaya dito ko na lang ida`daan. Lahat naman tayo napapagod na sa mga bagay na walang katuturan sa buhay, pero ako alam kong may katuturan lahat ng ginagawa ko sayo. Magiging prangka na ko para di na ko mahirapan pa.
Siguro kaya minsan nasasabi natin na walang katuturan ang mga ginagawa natin kasi walang nagpapahalaga, walang pagpapahalagang nakikita. All this time alam mo naman na papansin ako pero yung at yun ang hinahanap ko sayo, pero.......... wala.
Kung gano ko ilapit yung sarili ko sayo, ganun mo siya ilalayo. Minsan nakakapagod na din yung ganto. Kahit pala ipilit ang isang bagay kung hindi na dapat ay wag na ipilit. Alam mo naman na madami na kong nagawa para sayo pero hindi pala sapat ang lahat ng iyon.
Sinabi ko minsan sa isang kaibigan na bakit lagi ako na lang ang nage effort? Bakit kahit isa sayo parang di ako mahalaga? Pero ayun nga, natanggap ko naman. Alam mo naman nagiinarte talaga ako.
Sinabi ko na wala na akong pake sayo pero sa huli ako pa din pala tong magkaka ganito. Tanginaaa~ sa sobrang pagmamahal ko sayo nakalimutan ko na pala yung sarili ko. Sorry for my words, pero di ko na talaga kata ilabas ang lahat ng sakin na nararamdaman ko. Ang sakit sakit, eh. </3
Kahit may bago ka nang bestfriend at di mo na ko kailangan pero lagi mong tandaan na ikaw lang bestfriend ko in soul and in my heart.
Siguro hindi mo makikita to kasi alam ko namang di mo alam tong blog ko at kung mabasa mo man to malamang may nagsabi sayo. Malamang siguro ngayon tumatawa ka at walang pake elam sa nararamdaman ko. Alam kong pagkatapos mong basahin to wala pa ding mangyayari, may lamat na eh. Siguro hindi na maibabalik ang pagkakaibigan natin. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.
MARIJOY
Siya ay isang simpleng babae
Inuuna ang pamilya kahit nagiinarte
Lalo na kapag si Jared na ang umaatake
Wala ng magagawa si ate
Kapag di mo siya tunay na kilala
Tingin pa lang niya ay nakakabahala
Masu`masungit ang dating ng lola
Bagay naman sa nagdadalagang lola
Sa ilang taon naming pagsasama
Wala namang siyang hinangad na masama
Alam kong lagi siyang maaasahan
Kahit pa sa oras ng utangan
Pagdating naman sa usaping pag ibig
Kailangan pa bang sambitin ng bibig
Kung paano pinagdaanan ang nakakabighaning tingin
Na sa kanya`y pinukol at animo'y kriminal na inuusig?
Kung sa karunungan naman ang usapan
Tiyak ang marami ay walang panlaban
Marami siyang tinatago na karunungan
Na handang ibahagi kailan man
Sa panibagong taon sa iyong buhay
Matagpuan mo sana ang ligayang walang kapantay
Sa diyos ay tumalima at siya ang gagabay
Salamat sayo kaibigan at maligayang kaarawan.
Though it's corny but it's from the bottom of my heart. Happy Birthday. I love you.
Subscribe to:
Posts (Atom)