Tuesday, August 30, 2011

Pelikula..

Ang sarap tumunganga diba? 30 mins na ko nakatunganga dito sa screen, pinipilit ang sarili na may matype kasi ito yung pinipilit ko sa utak ko... blaaaaaaaaaaaaaaah. Pero bakit ba tuwing gusto ko na eh ayun, gone with the wind ang mga laman ng utak ko. Parang ang dami kong gusto itype pero, sa tuwing pipindot na ako dito sa keyboard, puro ..... ang lumalabas.

Pano ba naman ako gaganahan magsulat. Walang nangyayaring exciting sa buhay ko. Walang gumuguhong building sa tuwing nade`depressed ako. Walang lupang bumubuka tuwing papagalitan ako ng nanay ko. Ang marami lang sa akin ngayon ay oras... oras na hindi ko alam gamitin dahil nga nuknukan ako ng tamad.

Simula ng natutunan kong maging monghe sa bahay namin, parang wala nang saysay buhay ko. Buti na nga lang at hindi ako suicidal baka wala kayong nababasa dito ngayon.

Dugo.. Sino ba ang hindi takot sa dugo? Ako :)) may nars at doktor. E nak ng tokwa, mga propesyonal yan, syempre kahit sino e masasanay pag naging ganyan ka. Wag mo i eexample sa kin ang mga mamamatay tao. Takot din yang mga yan, nakasanayan lang din. Yung mga tulad nung sa Saw o kaya yung mga serial killer sa pelikula, meron naman yan pinaghugutan kung bakit sila nagkaganun. Kaya wag ka na mag isip pa kasi walang taong hindi takot (o natakot kahit isang beses) sa dugo. Ako lang talaga. Bwahahahaha!

Pero pagdating naman sa mga pelikula o palabas, masasabi kong walang kakutob kutob ko itong tinatangkilik. Pano ba naman, alam mo na ang mangyayari. Handa na sarili mo sa makikita mong juice na kulay dugo. Ganito kasi lagi ang settings: May isang grupo ng magkakaibigan. Maliligaw sila. May makikitang nakakatakot na bahay. Dahil utos nga ni direk, papasukin nila. Isa isa silang mamamatay. Ang ending, magkakatuluyan yung dalawang bida na mortal na magkaaway sa umpisa at sila lang makakaligtas. Minsan bago pa dumating ang ending e may sex scene pa sila. O diba panalo? Ilang pelikula na bang ganito ang tema ang nabuhay ang lahat at wala man lang napatay yung killer? Wala. Kaya kahit minsan, hindi na ko nathrill sa ganyang mga pelikula.

Yan ang uso sa Amerika. Yan ang tinatangkilik nila. Pero sa tin meron ding ganyang "cliche" o mga recycled ideas. Manood ka ng mga action movies. Yung mga tipong Robin Padilla o Bong Revilla. Ganito setting: Mabait na tao si [insert bida name]. Mamumurder ang pamilya at mapagkakamalang killer si bida. Magtatago si bida. Yung mastermind, huhuntingin si bida. Magkakaroon ng car chase. Sasabog ang mga kotseng mga panahon pa ni kopong kopong. Mauubos ni bida ang lahat ng kalaban. Magkakaroon ng last dialogue ang bida at mastermind na karaniwang title ng pelikula. Mapapatay ni bida si mastermind. Dadating ang mga pulis, senyales ng ending ng pelikula.

O di ba mas panalo tayo? maaksyon na, madrama pa.

Sasabihin ng iba, yan yung mga makalumang pelikula. Di na uso yan. Hep hep hep. Jan kayo nagkakamali!

Kanina lang (o kahapon ba?) bigla akong napatawa habang nanonood ako ng 100 days to heaven. Mejo nadadala na ako nung palabas ng biglang nasa scene na ni Jewel mish at saka ... di ko kilala yung lalaki. Haha!. Etong si babae eh, mukang nagp`propese sa lalake. Eto namang si lalake, eh ayaw kaya naisipan makipagbreak. Pinalabas siya ni babae ng pintuan at kunwareng nagd`drama si lalake. Pero nung kinalaunan masaya pa to si lalake. How epic, right? Kung sa totoong buhay.. Kakalas ka pa ba sa mayaman at magandang babae? Hahahaha!

Pero sa totoo lang, bilib na bilib ako sa mga scriptwriter ng mga Pelikulang Pilipino. Hindi ko alam kung san sila pumupulot ng mga salitang ginagamit nila sa scripts at nagagawan nila ng magandang linya ang mga bida tulad nito:



Yan ang linyang nagpasikat kay Mark Lapid. Sa sobrang benta ng linya nyang yan e nagsulputan ang kung ano ano parodies sa youtube. Ganyan kagaling ang pinoy. Dahil jan saludo ako! Sila ang inspirasyon ko ngayon sa pagsusulat. [Insert sarcasm here]

Malay nyo, ako na ang susunod na gagawa ng pinakasikat na one liner sa buong pinas, pati na rin sa buong mundo! [Insert sarcasm here again]



Hahaha! Pero............... minsan lang talaga ang mood kong tumangkilik ng local na pelikula. Dahil nga.... di kagandahan. Oh, san ka makakakita na horror movie dito sa pilipinas na nakakatakot talaga? 1 out 10 lang. 


Sa totoo, sa buong buhay ko. Isang palabas lang talaga na lokal ang pinakagusto ko.. "One more chance" ni Bea alonzo at John Lloyd. At eto ang lines na pinaka gusto ko: "Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin - 'yung hindi tayo sasaktan at paasahin...'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin"."


MyGhaawd!



Saturday, August 27, 2011

SAN LUKAS: Nanalo daw tayo?

Sigaw ng San Lukas: Nanalo daw tayo?


Hayy. Juskooo. Di ko alam kung matutuwa ba dapat ako o hinde, eh. Biyernes, araw ng wika sa SOLS. Kami ay lumaban sa patimpalak ng katutubong sayaw. At naisip namin na TINIKLING dapat ang sayawin namin dahil  ito ang pambansang sayaw ng ating bansa. Isip dito isip doon ng mga steps. Pero.. walang mailagay sa isip. Nawawalan na ng pag asa. Lahat kame sinasabi na kaya namin to. 


..............


Dalawang araw na lang? Oo dalawang araw na nga lang ang natitira para magisip kame kung anong gagawin namin. Sa unang araw, naghanap na kame ng buho. Buti na lang may nahanap kame. Nung ika hapon` binigyan kame ng time para magpractice pero wala kaming nagawa kasi ang hirap controlin ng mga kaklase ko. Ang nagawa lang name ay magpukpok ng magpukpok ng kawayan. As in yun lang talaga. Ni`formation nga.. Walaaaaaaaa eh... Nawawalan na talaga ako ng pag asa. Zzzzzz.


Alright.


Ikalawang araw. Sasali pa ba tayo? Ika ng bawat isa. Nabadtrip na ako, naiyak na ko, nag walk out na rin ako. Ohmeygaaawwwdd! Pero section ko to! Kailangan may gawin ako. Pagkatapos ko umiyak, bumalik ako sa covered court. Nag kunwari lang ako ng di nag walk out, kunwari kinuha ko yung tema at kinopya ko. Hahaha! Syempre, para hindi halata. Pagbalik ko naman ng covered court, di ko naman nahalata sa muka nila na natatawa sila dahil bumalik ako. Hahaha. Chos! 


Back to the ball game. Last 2 hours na nga lang ang natitira.


4 o`clock na at uwian na. Pinapaalis na kame sa covered court at di namin alam kung san na nga ba kame magp`practice dahil wala pa kameng nagagawa kahit isa. At nung nakapasok na kame sa small gate ng school kung san kame pinadpad ng mga kawayan namen ay dun kame nagstay. Actually, umuulan na nga nun eh. Pero hindi kami natinag, nagpaulan na nga kame. Last 1:30 mins na lang ang natitira. 


Ako: St.Luke ayos na tayo..
At ayun umayos na nga ang lahat. Lahat pinapaalis kame. Si Sr.Beth, Manong guard, Sir.Amodia at Ang adviser namin na hindi naman kami sinusoportahan ay pinapaalis kame. Buti na lang to si Sr. Letty masayang nanunuod samen. Tinuturuan pa nga kame kung pano ang gagawin namin. 


Madami ng nagawa.....


Shet. Adrenaline rush!


Sr. Letty: Last 5 mins.
St. Luke: Opo, saglit na lang po to..


At ng 6`oclock nagpaysa kame ng itigil na. Bukas na lang daw. Ang usapan 4:00 am sa covered court. Pero nagsimula kame ng 5:30. Funny isn`t? Filipino time nga naman. 


Araw ng patimpalak.


Panagalawa pa kameng magpe`perform. Ohmeygaaawwddd! Wala na talaga kameng nagawa. 2 hours? Dere`deretso kame. Hahaha. Sabi namin ie`enjoy na lang namin. At pagdating nga sa stage. Yeah! \m/ We really enjoy it! Nagkalat kame. Hahaha.


Sinasabi na yung mga nanalo..


Emcee: 1st place.. Ikaapat na pangkat... (di na kame umaasa na mananalo kame. Kasi ang alam talaga namin yung kabilang section na yung mananalo. natutulog na nga lang kame eh) SAN LUKAS!


Ang dami naming reaction. Ako natulala na lang dahil di ko alam kung totoo nga ba ang narinig ko, dahil nga nagkalat kame. Haahahaha! Pero ayun, naiyak talaga ako. Di sayang yung paghihirap ko. :))


I`m so proud sa section na to. See? Wala kameng proud and supporting adviser pero nagagawa naming tumayo sa sarili naming mga paa. Alam namin kung anong ibig sabihin ng FOLK DANCE sa MODERN. Hahaha. LoLjk. Baka resbakan niyo ko. Pero.. Seryoso.. Di kame nagexpect. 


Aaaaaaaaand.. Nga pala. Last option kame dahil yung iba na disqualified kasi nag modern. Pero a tleast. We did it! :))


Ako yung nasa stage. ;)

St.Luke..
Oh diba? Halatang di kame prepared. Hahaha








PS: Being bitter is a waste of time. It doesn't change anything. It messes with your mind and steals your happiness. :)) So, don`t be.




Aaaaaaaaaand.


Please? Walang trashtalk-an. Tanggapin na lang. ;) 



Kahirapan..

Since isang linggo na ata kong di nabubuksan ang blog na`to. Sa wakas may laman na rin ang utak ko. --kahirapan--
Bakit? Eh kasi naghihirap na ang grades ko O.O . Kuhanan na ng card bukas? At what the fuck? Long weekends, Long sermon din -___-


Okay.. Moving on..


Bakit nga ba merong nuknukan ng yaman at merong sobrang hirap? Lagi ko yan natatanong tuwing mapapadaan ako jan sa may Bagong Silang. Ang daming squatter, ang daming mga pulubi. Ang daming kakalabit sa yo at mag pa-puppy eyes at magsasabing "Ate kahit konting barya lang." Hindi ka pa makakalayo e may makikita kang sobrang laking bahay. Akala mo e presidente ang nakatira. Hindi kaya sukatin ng 50 tao sa haba ng lote at sa laki ng bahay na nakatirik sa lupang yon. Para ngang sobrang ironic nung lugar. Isang larawan ng marangyang buhay sa gitna ng kahirapan.

Minsan may nakausap ako tungkol sa kahirapan ng buhay. Aktibo sya masyado. Sa sobrang aktibo e para na lang akong nanonood ng tv na hindi pede sumagot sa kanya. (Sige try mo kausapin ang TV mo, now na.) Mahirap daw makapag aral dahil nga kapos sa pera. Minsan pa nga raw kelangan nyang umabsent dahil kahit pamasahe e wala sya. Pero bilib ako sa taong to. Makikita mo ang determinasyon na makapagtapos. Makikita mo sa mga mata nya ang kagustuhang makaahon sa kahirapan.

Yan ang nakakainis na realidad sa ating mga Pilipino. Kung sino pa ang may kagustuhan na umunlad ay sya pa tong nasisilat sa gulong ng buhay. At kung sino pa ang may limpak limpak na salapi, sila pa ung nagkakalat. Totoo diba?

Marami akong kakilala na hindi nakapagtapos na ang common denominator nila ay mapera sila or pamilya nila. Marami akong kakilala na nalulong sa droga na common denominator ulit ay mapera sila. Marami akong kakilala na paeasy easy lang sa buhay dahil.... alam mo na... may common denominator sila.

Siguro dahil kahit kelan ay di nila naranasan ang hirap ng buhay. Wala silang drive or reason kung bakit kelangan nilang makatapos at magkapera dahil nga.. um... Mapera na sila. Kahit ano mabibili mo, kahit pa kaluluwa ng ibang tao. Ganyan ang karaniwang mindset ng mga mayayaman.

Hindi ko naman ginegeneralize pero un ang common. Dapat sisihin nila ang mga pelikula. Kung mapapansin mo, sino ba ang karaniwang kalaban sa mga pelikula? Sino ba ang karaniwang mga pushers, kidnappers at mga big bosses? Di ba ang mga MAYAYAMAN? Kasalanan nila to kung bakit ganito ako mag isip. Namulat ako na may takot kay Paquito (R.I.P) at kung sino sino pang mayayamang kontrabida.

Ang point ko lang, mas nagiging determinado lang ang mga mahihirap na makapagtapos dahil nga sa nararanasan nilang hirap ng buhay. Alam kong may pagkakataon na nagkakabaliktad ang mga situasyon. Alam ko rin na pede nyong sabihin sa kin na kaya nga sila mahihirap dahil kulang sila sa lakas ng loob.

Bakit ba?

E blog ko to at ang laman nito e mga naiisip ko. Kung gusto nyong ibalanse ang mga bagay bagay tulad nito post na to.

Gumawa rin kayo ng sarili nyong blog.



Hahahaha! Natatawa tuloy ako. Alright. ;)

Saturday, August 20, 2011

O8.18

Mga taong walang magawa sa buhay..


Religion/christian living time namin ngayon. Mag a`act daw kame as grade five pupil to be ready for our cathecism sa pabahay elementary school. Biro mo yun? 4th year palang kami pero magiging teacher na kame. At ang ituturo namin ay religion, ewan ko ba kung bakit pinaka ayaw ko na subject to. Hindi naman sa hate ko si GOD pero na bo`boringan talaga ako sa subject na to and its all because of our subject teacher. Lagi akong tulog sa klase na to. Parang ang mga kaklase kong walang magawa. Lahat na lang may sariling mundo at bihira lang ang makikinig.


*mga iba`t iba kong naririnig:


(at dahil nga mag a`act kame as gr. 5)
Paula: Ano yung templo?
Eldon: Yung malaki.
Joshua: Eeeewwww.
[ang green ng utak nila]


*eto pinatayo kami, ituturo daw ang sign of the cross (kunwari di namin alam)


*lahat nagsisigawan na penge daw ng candy


*etong mga katabi ko (team mapagmahal) ay eh ang iingay. Banatan ng banatan
Tokz: Mahal ko pa ang buhay ko
Erwin: -____-
Tokz: Eh ikaw ang buhay ko


*si willie the pooh nakangiti magisa.


*si carls tsaka angeline ang sweet. kala mo naman sila. nakasandal sa isa`t isa


*si jim nilalambing si basbas. Pa hard to get naman si basbas


*si porniyang kinakamot yung likod ni eulita.


*si kuya emar inaantok na naman.


*may nagbigay sakin ng pluma ko. Almost 3 weeks ko na tong hinahanap. Naiyak na nga ko eh.


~may ginawa nga pa lang tula ang mapagmahal~


ETO:


Ang pagibig isipin mo, pag iniisip, nasa puso
pag nasa puso, nasa isip, kaya ito`y magulo
Pag ibig na akala mo ay totoo na:
Yun pala`y panandaliang dadaan lamang

Mag - isip, malungkot, mayamot ay napagdaanan,
maging masaya`y ni minsa`y di naranasan,
Lintek na pag ibig ba`t pa naramdaman?

Umaga, tanghali, gabi sayo`y nakatuon
Kahit na kinakain ko lang ay tutong
Dahil yan lamang ang pinapakain sakin taon taon
Kaya naman lumalaki na ang aking ut*ng

Pati aso namin pagkain tutong
Galing sa carinderya, pati sabaw ng pagong
Di makatulog sa gabi iniisip ang aso naming na ulol
Dahil sa tahol ng tahol, ayun nga naulol!

At paglipas ng isang taon, kapit bahay namin na bulol
Ng dahil sa aso naming na ulol
Pati pinsan ko hindi na makapag OL
Paksyet1 Lahat na na-olol.
LOL!

-mapagmahal team

Random day.. Tawa na lang

Thursday, August 18, 2011

Part 2

Gaano ba kasakit ang breakups? Katulad din ba ito ng mga pagkabasted na parang dinadaanan ng pison ang puso mo? Eto ba yung point ng relasyon niyo na pilit kang naghahanap ng kanta na babagay sa pakikipag break sabay iiyak habang kinakanta ito? Buti nga di applicable dito yung karaniwang sinasabi ng mga matatanda na di ito tulad ng mainit na kanin na pag sinubo at napaso e pede mo isuka. Isuka tala yung term. Parang yung pelikula ni judy ann at ni ryan agoncillo. (basta pinanood namin to nila vanessa sa sinehan :D).






Okay.. Moving on..






Ang paghihiwalay ay karaniwang desisyon ng parehong kampo. Kumbaga sa gera eh sabay nagtaas ng puting bandera habang sinasabing "Tama na! suko na ako!" .. Karaniwan kasing hindi magkasundo sa maraming bagay kaya nauuwi sa hiwalayan. Di mo naman masisisi ang dalawang tao kasi nga masaya naman ang umpisa. Kaya lang nga, habang tumatagal, mas lalo nyo nakikilala ang isa't isa at dito na mararamdaman ang pagkayamot sa karelasyon mo. Dito na lalabas yung mga natatagong baho at kung ano pang skin diseases at mage`end up nga ng hiwalayan. Hindi compatible eh. Di rin naman pwedeng ipilit. :)






Meron din namang one-sided ang break ups. Ito yung mga tipong katulad ng nasulat ko sa unang parte ng breakups makaraan na ang mga linggo. Sinabi dun na "it's not you. It`s me". Ano nga ba magagawa kung talagang ayaw na nung isa sayo. Buti kung katulad ko kayong lahat -- tanga, bobo, uto uto kumabaga martyr type. Hindi naman lahat may tililing na katulad ko. Mapapakanta ka na lang ng Hurting Inside ng FOJ dahil nga, syempre, masakit. Mas doble ang sakit nito sa isa kasi ayaw mo pa eh. Gustom mo pa magwork out yung relasyon pero wala. Para ka lang tanga at bobo na pilit ng pilit sa isang bagay na wala ng saysay at wala ng patutunguhan.






Naisip ko nga bigla, kaya siguro naimbento ang mga monthsaries kasi sa panahong ito, bihira na lang talaga ang nakakaabot at nakakapagcelebrate ng anniversaries. Para kasing ang hirap na maghanap ng talagang kamatch mo. Buri sana kung lahat eh parang yung commercial nung Nestle 100 years na simula pagkabata hanggang pagtanda eh magkasama pa rin sila. O kaya yung commercial ng McDo na sa simpleng fries lang ay makukuha na ang loob mo. Minsan nga naiisip ko pang kwentong barbero na lang yun. Minsan nga mas ok pang mahalin mo na lang ng barbero kasi makikinig yun sa lahat ng sasabihin mo. hindi yan kokontra sa yo at basta lagi ka lang magpapagupit sa kanya.






May nabasa nga ako long time ago sa tumblr, eh. Itong si lalaki ay gwapo. Lagi silang magkaaway ng jowa niya. Pero lamang ito si lalake. Alam niya kasing inde siya kayang iwan nung babae. Kaya malakas loob nito maghamon ng hiwalayan kasi alam niyang di kaya nung babae. Nagulat na lang ang sambayanan(LOL) isang araw na may nabalitaan na lang na patay na pala yung lalake. Rason? Nagbigti kasi di kinaya nung nakipagbreak sa kannya tuluyan yung babae. Ironic right? Very very ironic.








Masakit talaga ang breakup. Ilan lang talaga ang matibay ang dibdib o makapal ang mukha na hindi tinatablan nito. Biruin mo, magpupuhunan ka ng sangkaterbang emosyon at pagmamahal pero sa huli malulugi ka lang at mapipilitan kang magsara...... magsara ng puso. Hindi ko alam kung pano nakakamoveon pero sabi nga nila, time heals all wounds. ang problem lang dito hindi mo masasabi kung kelan dadating yung time na yun. Minsan ilang araw lang. Minsan isang linggo.
Minsan buwan.... taon.. siglo. Minsan nga hindi na talaga, eh. Kasi pinanghahawakan mo pa din ang salitang ipinangako niyo sa isa`t isa nung kayo pa (zzzzzz. mey nakakarelate. haha). Hindi mo malalaman kung kelan mo masasabi na "Ok na ko". Hindi mo malalaman na handa ka na pa lang umabante sa buhay at kalimutan na kung ano mang sakit ang naranasan mo sa nakaraan. It takes time to heal all wounds nga daw.... pero time din ang nakakasira sa bait ng isang tao.


At eto lang talaga ang masasabi ko.. minsan kahit sabihin ayaw mo na, kusa na lang nagbabago ang lahat. Kung para sayo, para sayo talaga. 

Tuesday, August 16, 2011

Let`s chew the fat.

Kung mahal mo talaga ang isang tao, ipakita mo.

Wag kang mag-aksaya ng oras sa pagpapairal ng pride mo.

Hindi mo alam kung hanggang kailan siya magtatagal sa buhay mo.

Hindi Porket alam mong mahal ka niya, eh makakampante ka na.

Wag mong isipin na "mahal ako niyan, di ako iiwan nun"

Kasi alam mo? Kahit gaano ka kamahal ng isang tao, pag hindi na nya maramdamang importante siya sayo, iiwan ka niya kahit masakit sa kanya.

Kaya ipadama mo yung nararamdaman mo, dahil pwedeng mawala yan sa isang kisapmata.

Hindi sa lahat ng pagkakataon tamang isumbat yung.. "kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan". Dahil may mga bagay na talagang kahit gusto mo, Wala kang magagawa na paraan.

Maraming bagay ang pwedeng ipaglaban, pero di lahat yun eh dapat ipagpilitan.

As they say "No one falls in love by choice, it's by chance. And no one fall out of love by chance, it`s by choice" :))

Tuesday, August 9, 2011

Greek mythology..

Tayong mga 4th yr.. As in tayo, ngayong quarter ay malamang dinidiscuss natin ang greek mythology. At eto binalik ng aming guro na mag proyekto para sa quarter na ito na ukol sa greek mythology( as usual ). Buong 4th year ng sols ay nagkaisa para sa proyekto na ito.. Nung una pinamili lang kame ng character na ip`portray namin. at dahil na wala pa akong alam sa greek mythology ng mga panahong iyon ay si "hera" ang pinili ko. :D Si hera ay asawa ni zeus na king of all deities. :)) Nang lumaon, sabe ng kaklase ko na maitim daw iyon at dahil nga sa di naman ako ganun kaitiman ay nagisipisip ako na palitan na lang ang character ko. Si "artemis" na lang daw ako sabi ng kaklase ko. Ako naman, sige lang. Pinalitan ko na.. Sinulat ko sa papel --artemis--. After 1 week.

Ma`am Neri: I will be the one who will choose your character.

Sa isip isip ko .. anak ng nyemas. Sino na lang ako dito?-- At ayon sinabe na nga daw na ako si aphrodite --godess of love, beauty and sex.--

-Sa una, ayaw ko dahil hindi fit sakin tong role na to.
-Pangalawa, nakahubad si aphrodite.. Pano ko ip`portray to? Ohmeyggaaawwsshh!
-Pangatlo, madaming naghahangad nito? Ba`t ako pa?

Pero sa huli, napagisipisip ko na din na madami ngang naghahangad na iportray to at ako ang napili. Dapat kong ikatuwa ito diba? Ni`hindi ko man lang naisip na pag sinunod ko ang sinabi ng aming guro maaring tumaas ang aking grado..

Okay.. Moving on..

Nasabi na nga lahat ng characters na gaganapin namin. Yung iba.. "Ba`t ako? Ayoko nga!", "Sige na nga lang", "Gusto ko tatay ni ganito, nanay ni ganyan.. etc" , "Gusto ko goddess ako".. Matatawa ka nga sa iba`t ibang reaksyon nila eh. Pero sa huli, nagampanan naman nila ang kanilang mga karakter.

Namomoblema ang iba sa costume pero nagawan naman nila ng paraan.

APHRODITE~
Hindi ako nageffort no? Pinatahi ko pa yan. Hahaha. Yabang ko! Pictorial na hindi din naman nagamit at naging haggard kame nung mga panahong pictorial na yan. :D Souvenir na lang daw.

MEET THE FAMILY (the olympian gods and goddesses) --incomplete--

Tekaaaaaaaa~ Nagugutom na ako.. Sa susunod ko ico`continue to. Tignan niyo na lang ang ibang pictures dito..

http://www.facebook.com/media/set/?set=a.230148643696426.62772.100001038757808&type=1

At ang pinaka nag caught ng attention ng mga mata ko. :''>

Ang Hot talaga niya (yung katabi ko). :O :''> :)) <3

Sunday, August 7, 2011

Kumplikasyon sa pagtatapat ng pag ibig

Pano mo masasabi sa isang tao na mahal mo sya? Marahil sa iba nga e napakadali neto, ngunit pano kung ang pagmamahal na iyon ay mas kumplikado pa sa isang rubix cube? Ito ang ilang halimbawa na maaaring maging kumplikasyon sa pag-ibig:

1. Mahal mo sya pero may mahal syang iba

Oh diba? Ansaket no? E sa dinami dami ba naman ng tao na nakakakiskisan mo ng siko eh sya pa ang napili mo. E ano magagawa mo kung di ka gusto nung tao na yun? "Move on" ang sabi nila... E PANO KA MAKAKAMOVE ON KUNG WALA NAMAN DAPAT IPAGMOVE ON? Di man lang kayo nagbreak, di man lang kayo nagkarelasyon. Basted in an instant ka lang! Sus. Kung di mo kayang kalimutan ang nararamdaman mo, pede bang maglason ka na lang?

2. Ang "Kapatid lang tingin ko sa yo" Lines

Pano mo nga naman masasabi ang nararamdaman mo kung sa tuwing magkikita kayo eh laging ang maririnig mo eh "kamusta bunsoy?" o "Cute ng little sister ko" etc. etc.... etchapwera ka na! Dalawa lang naman pede mong gawin jan eh. It's either suklian mo ang "brotherly" love nya o kaya maglason ka na lang.

3. May ex syang lagpas 5 years ang pinagsamahan

Aminin man natin o nde, di basta basta nawawala or nakakamove on yang mga taong nasa ganyang situasyon. Hello? 5 years kaya un? 5 taon kayong mukha nyo lagi ang nakikita nyo. Di maiiwasang makumpara ka sa ex nya. Mahirap pa nyan eh kung may chance pang magkabalikan. Ung mga tipong cool off muna, or break-breakan lang... Sasabihin mo pa rin ba? Handa ka pa rin bang sumugal kahit ang chance mo lang eh .00001%? La ka laban sa relasyong pinagtibay na ng panahon. Para ka nga lang singaw sa buhay nya. Either itago mo na lang nararamdaman mo or magbigti ka na (Overused na kasi ung lason)

4. Ang mga "Friends lang tingin ko sa yo" lines

Parang showbiz.... "friends lang kami". Parang ikaw si macho gwapitong artista na nanliligaw kay super gandang artista pero paginterview sa babae ang sagot nya lang ay "We're just friends". Pano nga ba ang gagawin mo kung sa tuwing magkikita or magkasama kayo, laging bukambibig nya eh "ayokong mainlab sa tropa" o di kaya "Di tayo talo"? Magkakaroon ka pa ba ng lakas ng loob para magtapat? Dito mo titimbangin ung tropa o panliligaw? Kahit ano man maging desisyon mo, pareho ka lang din naman masasaktan. So ano ngaun ang gagawin mo? Oo! Tama! Maglaslas ka na.

5. Pagbibigay ng mga senyales ng pag-ayaw sa yo

Bakit ba sa tuwing magkasama kayo eh laging "di tayo pede" o di kaya eh "Magkamukha tayo kaya di tayo pede" ang bukambibig nya? May occasional ding pagbanggit sa mga nanliligaw sa kanya o kaya sa mga past lablayp nya? So ano na ngaun ang plano mo? Wala ka pa nga sinasabi, binabasted ka na. Wala pa nga ung matatamis na tingin, basted ka na. Siguro naman alam mo na ung gagawin mo. Kung di pa, read mo ung dapat mong gawin sa number 1-4.

6. Masyado lang syang malambing

Aminin na natin, may mga tao talagang super maglambing at sobrang makahawak sa taong feeling nila e komportable sila. Sa totoo lang, ito ang pinakamahirap na situation... Minsan kasi na mimisinterpret natin ung pagiging super sweet at sobrang malambing nila. Makikita mo na lang na aba, sa lahat ng tao ganun sila, kahit sa alaga nyang aso eh ganun na lang nya lambingin. Magagawa mo pa rin bang magtapat? Syempre maiisip mo "Pano kung mali ako at bigla na lang sya mawala pagkatapos kong magtapat"? Ang hirap no? Kaya mag esep-esep kang mabuti.


Pero sa totoo lang, di mo naman talaga kelangang basahin lahat ng sinulat ko eh. Kung mahal mo ung tao, ipaglaban mo (di bagay kay esteeliling no? haha). Kahit makuha lahat ng sinasabi kong kumplikasyon (yun bang mga tipon 5 in 1) sa taong mahal mo, go lang! At least nasabi mo na nagmahal ka. Wala namang mawawala diba? Kesa naman sa huli e mapuno ka ng "what ifs" diba?....




Pero kung di mo talaga kaya, Iumpog mo na lang ulo mo sa pader. Yung tipong lalabas ung utak...Luluwa ung mata...

Thursday, August 4, 2011

At dahil madami akong ideya ngayong gabi. :D

BOYS V GIRLS


Nakikinig ako sa radyo isang araw ng makuha neto ang aking atensyon. Yung topic nila ay tungkol lalake vs. babae. Pero dahil matanda na si esteeliling, di ko na nagawang matandaan ang frequency at title nung show :)). Napaisip ako, mejo marami nga namang pagkakaiba ang dalawang kasarian. Subukan ko isa isahin ang pagkakaiba ng dalawang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga eksena na pedeng mangyari sa totoong buhay

Case No. 1

Naglalakad ang dalawang magkaibigang lalake. Dahil matalik silang magkaibigan, nag HHWW sila. Holding hands while walking kung di nyo alam ^^. Bawat daanan nila ibat ibang reaksyon makikita sa mga tao. Pero ang summary ng lahat ng reaksyon ng mga nakakita ay nahahati lamang sa dalawang conclusion:

a.) bakla ang isa sa kanila
b.) bakla sila pareho

Oh diba? bakit pag ang mga babae nagholding hands, parang wala lang. Di mo agad iisiping merong tagilid sa kanilang dalawa. Pero bakit pag dalawang lalake nagholding hands, iisipin agad na confused sa kasarian ang isa? Unfair diba? Di ba pedeng maglakad ng holding hands ang dalawang lalake? Wag nyo kong pag isipan ng masama, kahit ako nandidiri ako pag nakakita ako ng ganun LOL

Case no. 2

Isang dalaga ang namimilipit na dahil gus2 na niya mag wiwi. Pero dahil nasa lugar sya na kung saan pinagkaitan ito ng CR, wala sya magawa kundi maglakad ng maglakad upang makahanap ng CR. Dahil sadyang ang bawat hakbang nya ay nagbabadya ng pagragasa ng baha, napilitan syang mag wiwi sa isang waiting shed. Kadiri diba? Pag nakakita kayo ng ganito, sigurado eto ang mga magiging reaksyon nyo:

a.) Mandidiri
b.) Aabot ang ngiti sa tenga
c.) Makukyuryus at lalapitan pa
d.) Aabot ang ngiti sa tenga
e.) paulet ulet


Malamang sa hindi, kung isa kang lalake, alam mo na ang gagawin mo. Yan ang problema sa mga babae. Magkakasakit sila sa bato sa kakapigil ng wiwi nila. Di tulad ng mga lalake, makakita lang ng pader, gulong ng sasakyan, waiting shed o puno pwede na. Pero kahit nagkalat ang CR ng mga lalake, ang nakakapagtaka eh mas malaki ang tyansa na magkasakit sa bato ang mga lalake kesa sa mga babae. Ang weird. Tsk

Case no.3

Isang mag asawa ang gabi gabi na lang nag aaway. Tuwing uuwi si lalake, katakot takot na sermon ang inaabot nya. Parang kung bibilangin mo ung may sense na sinabi ni babae, mabibilang mo lang sa kamay. Si lalake, dahil mautak, naglalagay ng mga bulak sa tenga bago umuwi. Kung may maririnig man syang mga ingay ng asawa nya, minimal na lang. Ano ang pinapatunayan nito?

* Ang mga lalake ay mas matalino kesa sa mga babae
* Mas maingay at mahilig magsalita ang mga babae kesa sa mga lalake

Base sa aking pagsusuri at pagsusurvey, lumalabas na mas malaki ang bilang ng mga lalakeng mas matalino kesa sa mga babae. Mapapatuyan daw ito sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng katawan ng isang lalake. Ang mga lalake raw ay may dalawang ulo upang mag isip. Dito napapatuyan ang kasabihang "two heads are better than 1". Pinilit kong intindihin kung pano nagkadalawang ulo ang mga lalake, pero un ang karaniwang sinasabi nila. [maiintindihan to ng mapagmahal team] hahaha. LoLs. PEro di lang talaga ako pumapayag na mas lamang ang mga lalake

Ang mga babae naman, kaya daw maiingay dahil meron daw silang dalawang bibig. Sinubukan kong iexamine ang isang babae pero isa lang nakikita kong bibig. Di ko rin maintindhan kung bakit nila ito nasabi. Minsan tuloy naiisip ko, abnormal ata ako kasi kung ibabase ang katangian ng mga tao base sa nilalaman ng aking pagsusuri, bakit may isang bibig lang ako? [para sa mapagmahal team ulet]

Case no. 4

Isang mag dyowa ang nagdadate sa isang mamahaling restaurant. Agad tinawag ni lalake ang waiter at umorder. Si babae, order rin. So ayun, pagkatapos nilang kumain tinawag na ni lalake ang waiter para kunin ang "chit". Tiningnan ni lalake ang babae. Naktingin lang sa malayo habang nagtotoothpick. Napailing na lang si lalake dahil sa laki ng bill nila, sya lang ang magbabayad. Ang conclusion, sa tuwing may date, laging lalake lang ang dapat magshoulder ng bill

Mas madalas ganito ang nangyayari sa mga magsyota. Mga lalake kasi mga tanga, ayun, naiisahan sila ng mga babae. Ang saya nga nila eh, nakakabili sila ng mga abubut nila kasi ang laki ng tipid nila. 

Case no. 5

Isang muslim na lalake ang bumisita sa kanyang asawa. Ang sarap ng tanghalian nila dahil nga ngaun lang ulit nakauwi dun ang asawa nya. Bonding bonding sila ng mga anak nya, kasi matagal nga naman sila di nagkita. Isa talaga silang larawan ng isang masayang pamilya. Nang pagsapit ng kinabukasan, muli nang nagpaalam si lalake at sinabing "Ma, dadalawin ko naman si Vivian, ung pangalawa kong asawa, sa kabilang ibayo".

Di sa nakikialam ako sa pangaral ng mga Muslim, pero bakit ang mga lalake ay pedeng mag asawa ng marami? Alam kong naaayun ito sa pangaral ng Koran, pero ang di ko maintindhan eh kung bakit lalaki lang ang pde? Di ba pedeng mag asawa rin ng marami ang mga babae? Unfair din ito.

Case no. 6

Nag aaway ang mag syota isang araw. Biglang nagwalk out si babae at nangakong di na kakausapin si lalake. Walk out effect din si lalake dahil sa inis. Pagkalipas lamang ng ilang minuto, parang aso na buntot ng buntot si lalake kay babae. Ginagawa ng lalake ang lahat para wag na magalit si babae. Ano ang konklusyon dito?

Ang mga babae, gus2 lagi silang nilalambing. Gusto nila lagi sila inaaamo. Minsan kahit sila ang mali, dahil lalake ka, kelangang kainin mo ang pride mo. Unfair diba? Di yata alam ng mga babaeng to na may hangganan din ang lahat, at maaaring sa isang pitik lang wala na ung lalake na umaaamo sa kanya. Wag nyo na sabhing may mga instances na baliktad. E point of view ko to eh bakit ba? Hahaha. Parang di ako babae kung magsalita eh noh. Nasasabi ko lang siguro to kasi hindi ako ganito. haha. Chos!

Alam ko wala ako napatunayan sa mga pinagsasabi ko dito dahil maaaring:
a.) bangag na ako
b.) Antok na ko
c.) Wala akong kwentang tao
d.) All of the above

Nde ko na nga alam kung ano nga ba mga pinagsasabi ko dito.