Wednesday, October 26, 2011

Kwentuhan tayo..

Marami ang nagsasabing mas maganda at mas masarap raw mag-usap habang naglalakad. Isang gawaing minsan ko lang magawa. Masarap ngang makipagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Nagkakabigayan ng opinyon, nagkakalabasan ng kalokohan, at nagkakapalitan ng tawa.
Mas trip kong makipagkwentuhan ng one-on-one habang nakatambay sa ilalim ng langit at nakahilata sa damuhanParang job interview ang dating. Masinsinan ang kwento, walang ilangan, may sense at mas maririnig niyo mga bulong sa bawat pasigaw na litanya.
Sabayan mo pa ng beer at kaunting mani. Perpektong bonding-moments-with-matching-iyakan-side-dish na.
At dahil nga magk`kwentuhan tayo. Marami tayong topic ngayon. Kung ano ano lang, kung anong sumagi sa utak. =)))))))))
Positive Poles
Minsan, naisip kong mabuti din ang pagiging nega. Hindi naman sa sobrang nega na nagiging pabrika ka ng negative vibes. ‘Yun bang tipong hindi ka umaasang magiging positibo ang mga mangyayari. Iniisip mong may mangyayaring aberya sa bawat plano kaya hindi mo maiiwasang magtago ng Plan B na minsan pa nga’y umaabot hanggang saPlan Z v42.6.
Ang kinagandahan ng ganitong pag-iisip ay hindi ka masyadong maaapektuhan ng pagkabigo. Hindi na kasi masyadong malakas ang impact sa’yo ng isang pangyayari kung inaasahan mo na ito sa una pa lang. Ang masarap pa dito ay kapag maganda ang naging resulta ng lahat na taliwas sa inaasahan mo.
Puro ang tuwa. Solido ang tagumpay.

At dahil nga sabaw ako ngayon, may iba nanaman akong it`topic

HOW TO BE SOSYALERO/SOSYALERA

1.Tumambay lagi sa Starbucks. Maghapon, magdamag. Butasin ang pwet kakaupo at kakahigop ng kape. ‘Wag kalimutang kuhanan ng letrato ang sarili habang nakabalandra ang baso ng nasabing kape. Gawing profile picture sa Facebook ang nakuhang letrato at lagyan ng caption na “I Love Starbucks.”
Purgahin mo ang sarili sa malamig na kape.
2.Palitan ng titik ‘E’ ang letrang ‘O’ sa mga salitang bibigkasin ninyo.
Halimbawa: Dorm - Derm, Sabon - Saben
3.Umupo sa driver’s seat ng kotse ng kaibigan. Kunan ng letrato ang sarili. Siguraduhing makikita sa letrato na hawak mo ang manibela. ‘Wag kalimutang ngumiti na may kasamang yabang at magpasalamat sa kaibigan.
Ipost sa Facebook ang larawan. Lagyan ng caption na “Badtrip, tumaas nanaman ang gasolina.” at gawing primary picture.
4.‘Wag kalimutang singitan ng salitang “bitch” ang bawat sasabihin. Puwedeng sa gitna, sa unahan o sa dulo ng mga sasabihin mo.
5. Kapag inabot ng pag-aalburuto ng tiyan habang namimili sa mall, ‘wag kang matataranta. Dumaan muna sa isang mamahaling restawran at umorder ng marami. ‘Wag nang kainin ang inorder dahil baka lalong magalit ang tiyan mo. Ibulsa ang libreng tissue.
Dumiretso sa restroom. Diretso ang lakad na para bang wala kang nararamdaman. Ngitian ang mga makakasalubong at punasan ang mukha kapag pinagpapawisan.
Paalala: Ang susunod na gagawin ay kinakailangan ng matinding timing. 
Hawakan ang flush kasabay ng pag-upo sa toiletbowl. Siguraduhing sasabay ang pagflushmo sa pagbagsak ng dumi sa tubig ng inidoro. Kapag nagawa ng tama, siguradong walang makakaamoy ng sama ng loob na inilabas mo. Gamiting panlinis ng puwet ang libreng tissue na nakuha sa restawran. Lumakad palabas ng restroom

Hahahahahaha!
Maligayang pakikipagsosyalan! =)))

The ever famous "about me"


Sino ‘yung may-ari ng esteeliling - blog?
Estee. Nasanay na ako sa ganyang pagtawag. Kilala ako ng mga kaibigan, magulang at kamag-anak sa ganyang pangalan. Kilala din ako sa ganyang pangalan ng mga taong hindi naman ako kilala.
Bakit  esteeliling ang title ng blog mo?
Kasi, ganito ‘yan, makinig ka, hindi ko na ‘to uulit-ulitin kaya makinig ka, este magbasa ka pala.
Dati kasi, hindi ko binalak na seryosohin ang pagboblog dito kaya naisip kong magandang ipangalan dito ay “esteeliling” kasi nga pang may tililing lang naman talaga siya. Dati ‘yun. Pero ngayon, sa tingin ko’y mas karapat-dapat nang tawaging “esteeshits” ’to dahil puro kalokohan lang naman ang laman.
May balak ka bang mag-artista? Kasi ang ganda mo sobra eh.
Hahahaha! Ito ang isa sa mga magagandang dahilan kung bakit gustong-gusto kong interbyuhin ang sarili ko kasi malayang-malaya akong purihin ang sarili ko at puwedeng-puwede kong buhatin ang napakagaan kong bangko.
Gusto ko maging .. maging.. maging.. makeup artist. Kaya ang sagot ko sa sarili kong tanong ay ‘wala’. Wala akong balak mag-artista. Maging extra sa horror movie, pwede pa.
Meron ka bang boyfriend??
Wala. next question.
Kung ikaw ang tatanungin, anong gusto mong itanong ko sa’yo? At ano ang isasagot mo dito?
Ahhm. Siguro ag pinakamagandang tanong na pupuwede mong ibato sa’kin ay ‘Ano ang pinakamatindi mong takot?’ Oo, ‘yun nga siguro.
At ang sagot ko naman dun ay ang pag-iisa. Takot akong mag-isa. Ang tinutukoy ko sa pag-iisa eh ‘yung pag-iisa sa buhay hindi pag-iisa sa bahay. Although takot din akong matulog ng mag-isa sa bahay. Takot akong mag-isa. Ayaw na ayaw kong dumating ‘yung oras na mag-isa na lang ako. Wala na ang lahat ng mahal ko sa buhay— pamilya, kaibigan at barkada. Mahina kasi ako. Masyado akong umaasa sa mga tao sa paligid ko. Nakadepende lang ako sa kanila. Sila ang source ko ng energy at lakas ng loob. Sila din ang dahilan kung bakit kaya kong magteleport mula sa bahay namin hanggang sa MOA.
Kelan mo balak tapusin tong blog mo?
At bakit ko naman tatapusin? Kasi wala lang. Wala lang talaga. Walang magawa. Sige na, eto na. Tatapusin ko na.

Tuesday, October 25, 2011

Irrelevant.

Ang boring. Nakakawalang gana. Nakakawalang buhay.



Nakakapagod kumilos ng kumilos, o gumalaw ng gumalaw pero mas nakakapagod ‘yung hindi ka makagalaw ayon sa gusto mo. Nakakasawa. Nakakasakal. Hindi ka malaya, nakatali ka.
Nakakainis kapag hindi mo magawa ang isang bagay hindi dahil pinagbabawalan ka kundi dahil baka may magalit o may maapakan ang paa, o ego.
Hindi ka pwedeng umalis at humiwalay papunta sa lugar na gusto mong puntahan dahil sasabihin nilang nang-iiwan ka.
Hindi mo pwedeng ilibre itong isa dahil magseselos ang iba.
Hindi mo pwedeng gastusin ang sarili mong pera dahil baka sa mga susunod na araw eh kailanganin nila.
Hindi mo magawa ang mga bagay na gusto mo dahil ayaw nila.
Hindi ka makapagsuot ng mga trip mong damit dahil nababaduyan sila.
Nakakasakal.
Bakit ba sa bawat hakbang ko eh kailangan ko pang isipin ang iba? Bakit kailangan ko pang isipin ang mararamdaman nila? Bakit kailangan ko pang isipin kung gusto o ayaw nila?
Nakakapressure.
Hindi ko pwedeng sabihin na ayaw ko na dahil magagalit sila. Susumbatan ka nila. Wala kang kwenta.
Naba`blanko ang utak ko ngayon at kung ano ano na lang pumapasok sa utak ko at yun ang tinatype ko. Pasensya na.

Okay? Moving on..


May nagtanong sa’kin dati kung ano raw ba ang pinagkaiba ng selos at inggit. Bigla ko lang naalala, kasi wala akong magawa at Martes ngayon at wala talaga akong magawa.
Ano nga ba ang pinagkaiba ng selos at inggit? Sa unang tingin ay parang iisa lang naman sila ng kahulugan, pero kapag tinignan mo ng mabuti ay malalaman mo kung ano nga ba ang pinagkaiba nila. ‘Wag mo lang pakatitigan ng husto dahil baka kung ano ang makita mo. K.
Selos. Inggit. Paano nga ba natin mahihimay ang selos at inggit? Naaalala ko dati na ikinumpara ko ito sa isang saging. Halimbawang binigyan ng saging ng kaibigan mo ‘yung isa niyo pang kaibigan, at ikaw ay hindi nabigyan.
Posibleng  maging masaya ka para sa kaibigan mo dahil sa nakatanggap siya ng saging pero kung kupal ka, posible namang makaramdam ka ng selos o inggit. Pero paano mo nga ba masasabi kung selos o inggit ‘yung nararamdaman mo?
Ganito lang kasimple ‘yan. Kung nasabi mo sa sarili mo na sana ako ‘yung binigyan niya ng sagingselos ‘yan brad. Pero kung nasabi mo naman sa sarili mo na sana ako din nabigyan niya ng saging, ‘yan naman ‘yung tinatawag na inggit.
Hindi lang naman sa saging applicable ‘yan, pwede ding i-apply ‘yan sa lahat ng prutas katulad ng papaya, pinya o talong. Kaso gulay ‘yung talong e.

Irrelevant nga diba?

Sunday, October 16, 2011

Ang feeling ng manakawan..

“Di lahat ng taong gusto natin eh napapasatin."- Papa Jack


Now, I know. Ang hirap pala mawalan ng mahal sa buhay. Nagyon nararamdaman ko na ang mga nararamdaman ng mga kababayan ko. Hahaha. LoLs.


Ganito na ba talaga kahirap ang mga pinoy? Kaya pati sa simbahan ay nakuhang magnakaw? Totoo nga bang wala nang konsensya ang mga pinoy ngayong? Susme! 


Kanina habang nagse`serve ako eh, di ko namamalayan nakuhanan na pala akong mga mahahalagang gamit. PSP, wallet at phone. Jusko. Ba`t kaya hindi na lang niya kinuha yung buong bag ko? May konsensya pa pala siyang natitira kahit papano. Hayaan na natin, tapos na eh. May magagawa pa ba ko? Wala na eh. PEROOOOOOO.. 20k. ipapamigay ko lang? Ang bitch eh noh. 


Dear God,


Ikaw na po ang bahala sa taong iyon, kung tao nga ba? Ikaw na po ang magbigay ng kahit papanong konsensya sknya. Altar server mo po naman yun tas ganun lang? Pamasko ko na din po sknya yun. Baka nangangailangan talaga siya. Atat po siguro siya sa pasko. Pero God, patawarin mo po ako kung kilala ko siya at di ko alam ang gagawin ko. I love you pa rin God.


Esther.




Panuorin niyo na lang to: http://www.youtube.com/watch?v=KfTK93nJtL0

Tuesday, October 11, 2011

Tse.

Dumarating talaga sa buhay ng asong katulad ko ang mga oras na bigla-bigla na lang tayong makararamdam ng lungkot, ng bigat sa dibdib, at sa balikat. Hindi ko malaman kung ano nga ba ang dahilan ng pag-iinarte kong ganito. Bigla na lang akong mawawalan ng gana sa mga bagay na kanina'y halos  maghalugapak ako na sa sobrang tuwa. Bigla na lang nabubura ang atensyon ko sa lahat-lahat at biglaang mapapatingin na lang ako sa kawalan, na para bang hinahanap ko ang kasagutan sa mga tuyong dahon ng mangga.

Bigla kong maiisip na sa ganitong mga pagkakataon tumatamis ang ampalaya.

Unti-unting papasok sa papakitid kong isipan ang mga mumunting pagkukulang ko, na habang tumatagal ay dahan-dahan ding lumalaki. Kulang ako sa pera. Kulang ako sa damit. Kulang ako sa laman. Kulang ako sa talino. Kulang ako sa talento. Kulang ako sa kaibigan. Kulang ako sa pagmamahal.

Siguro nga'y masyado lang akong naghahanap. Masyado akong naghahangad at umaasa na ganito ang kalalabasan ng ganyan, at ganun ang kalalabasan ng ganito. Kaya siguro naging matalik na kaibigan ko ang pagkadismaya.

At bigla akong mapapayuko.



Okay. Moving on..



Kapag pangit ang kinalabasan, pede ka naman daw magsimula ulit. Akala ba nila madaling magsimula ulit? Nakakatamad. Sa hinaba-haba na ng nilakad mo, babalik ka lang pala sa simula. Pero ang maganda lang dun, alam mo na ang mga dapat at 'di dapat na gawin, mga tama at maling diskarte at kung saan nga ba mas magandang dumaan. Dre, sa pagkakamali ka nga raw matututo e.

Pero anu't-ano pa man, mahirap paring isipin na pagkatapos ng lahat eh sa pag-ulit ka lang pala babagsak.

Katulad ng isa kong subject ngayon. Tenang subject 'yan, ang kati. Sa lahat ng subject ko ngayon, ito 'yung pinakamakirot. Tumataginting na palakol ang grades ko nung 1st grading. Hindi ko alam kung bakit ba ganun ang mga marka ko samantalang lagi naman akong pumapasok at lagi naman ako ngngumingiti sa klase. Siguro nga kulang 'yung pagpapacute. Balak kong kausapin 'yung teacher ko dun bago dumating ang kuhanan ng card at tatanungin ko ang grade ko para sa 2nd grading kundi, kakatayin ako ng buhay sa bahay. Minsan nga sumagi sa isip ko na ano kaya kung ialay ko na lang ang sarili ko sakanya? Pwede ba? Haha. Mahirap  dito, hindi ko maalis sa utak ko 'yung posibilidad na bumagsak ako at hindi makagraduate dahil sa isang subject na 'yun. Tuwing umaabot sa batok ang ngiti ko dahil sa nginitian ako ng crush ko, bigla namang papasok sa utak ko na pipti-pipti ang grades ko. Tuwing magsasaya kami ng barkada ko dahil mga lasing na, bigla naman akong mag-eemo dahil naghihingalo ang bwisit na grades ko.


At kagaya nito. Sinubukan kong magpost ulit na may konting katuturan. Kahit na sa tingin ko eh gasgas na ang killer typing skills ko at bulok na ang mga ideya ko sa utak. Nitong mga nakaraang araw kasi eh napapalaban ako lagi sa inuman kaya siguro nabobobo na ako. Ayan Estee, kaya ka bumabagsak eh, puro ka inom! 


Sunday, October 9, 2011

Almost ..


I feel lucky to that you have let me into your life
Although at times our love is painful
The pain somehow seems worth it each time I see you
You are and always will be a special person to me
when I am down I think about our time together
It will usually make me smile.

Wednesday, October 5, 2011

Ano nga ba ang dahilan?

Tara`t pakinggan na lang natin to.

http://www.youtube.com/watch?v=D7EyJv1Aj_s


Sarado na ang Bukas
Wala na ang yong tinig
Bigla na lang kumupas
ang magandang himig
na noo’y kinakanta
tinginan sa mata
ano ang gagawin
paano tatanggapin
Maaari bang malaman
Ang Dahilan ng iyong paalam
May araw pang sisikat
Ngunit wala ka na
Wala ka na
Napupundi na ang ilaw
Bilang na ang Pag-asa
Bigla na lang humupa
ang masayang nakaraan
na noo’y kinakanta
tinginan sa mata
ano ang gagawin
paano tatanggapin
Maaari bang malaman
Ang Dahilan ng iyong paalam
May araw pang sisikat
Ngunit wala ka na
Wala ka na

Sunday, October 2, 2011

My 42..

I want to:


1. Experience 30 days of silence
2. Experience space flight
3.  Learn to speak Thai, Vietnamese, Cantonese, Spanish, French, German
4. Ride a camel in the desert
5. See the Earth from space.
6. Go to rome, specifically-- at st.peter's square.
7. Own a Victorian style home, complete with claw-foot tub, window seat, and sparkling crystal chandelier.
8. Change my darn name.
9. Travel to Barcelona
10. Read all of Philosophy
11. Own a Bose Music System
12. Learn to write by left hand
13. Wath a live arctic monkeys concert.
14. Become a Licensed driver.
15. To show my whole family other countries
16. See penguins in antartica.
17. Win the amazing race. =))))))))
18. Watch the sunset in santorini.
19. See the giant pandas in wildlife.
20. Develop 100% self belief
21. Go at the eiffel tower
22. Go to the top of the empire state building
23. Tell someone the story of my life , sparing no details
24. Watch the launch of a space shuttle
25. Donate money and put my name on something
26. Fall deeply in love — helplessly and unconditionally
27. Swim with dolphins
26. Learn Black Jack and win a Jackpot in Vegas
27. Take photograph next to Mona Lisa
28.Learn to juggle with three balls
29. Form a Rock Band
30. Ride the World’s Scariest Roller Coaster
31. Mt Everest ! Climb it or See it . It works for me
32. Own five cars simultaneously
33. Own an audi A9
34. Own and race a Porsche Cayman S
35. Live in NYC for a season
36. Dinner with Bill Gates!
37. Own a school for special children
38. Learn how to Swim. (please stop laughing, ok? =)))))) )
39. Watch Olympics Live.
40. Date Alex Turner
41. Turn back time
42. Be the boss

Saturday, October 1, 2011

The gals

DEAR BOYS,

ANG MGA BABAE.....

1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip kami, wag niyo nang sasabayan.

2. Pag sinabi naming nagtatampo kami, lambing lang katapat: Yung salitang tampo way lang namin yun para sabihing lambingin niyo kami. Konting I love you niyo lang, okay na kami.

3. Gusto namin yung palagi kaming kino-compliment: Pag may bago sa itsura namin, gusto naming mapansin niyo. Kasi nakakataas ng self-confidence namin yun.

4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text namin, may mali: Kapag ganun, may nagawa kayong di namin nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe naming wala, meron talaga. Nahihiya lang kami. Kaya pilitin niyo kaming sabihin sa inyo. At pagtapos naming masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.

5. Selosa kami: Kaya iwasan niyong makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan namin. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang kayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.

6. Kaming mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang kami. Kasi hindi naman na namin makikita ulit. Ma-attract man kami sa 1M lalaki, ang puso namin ay para lang sa tunay naming mahal. Ganun din naman kayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang kayong magtago.

7. Kaming mga babae, pinagmamalaki namin yung mga mahal namin ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR at syempere dito sa blogspot.

8. Ayaw namin sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba namin sila sasagutin. Naiirita kami. Kaya dapat maging matiyaga kayo kasi dun namin nalalaman kung sino talaga kayo.

9. Kapag malungkot o tahimik kami, gusto namin ng yakap galing sa inyo: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak niyo na kami. Gumagaan yung pakiramdam namin. :">

10. Gustong gusto namin yung mga lalaking malaki ang respeto samin: Yung tipong pag ayaw namin magpa-kiss, hindi niyo gagawin. Instead, lalambingin ka na lang sa ibang paraan. Ang pinaka gusto naming kiss, kiss on the forehead. It symbolizes, respect.

11. Ang nagpapa-turn on samin ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama namin kayo, feeling namin safe na safe kami. Walang mangyayaring masama at hindi kami ilalagay sa panganib.

12. Ayaw namin sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal niyo talaga kami, patunayan niyo sa personal. Wag yung sa text lang kayo magaling. Magpaka-lalaki kayo!

13. Sobra kaming natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, feel mo eh special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling naming babae eh, isa kaming prinsesa.

14. Ang pangarap naming mga babae yung ipapakilala kami ng mga lalaki sa kanilang mga barkada at lalo na sakanilang pamilya: Feeling namin kami na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala kami sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nmin angkin na angkin na namin ang isang lalaki dahil nakilala na namin ang mga taong bumubuo sa buhay niya. :)

15. Magaling kaming mag-pretend: Kapag nasasaktan kami, nagpapaka-manhind kami. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan kami. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan kami. Pero kapag mag-isa nalang kami, dun kami naglalabas ng sakit. Dun kami umiiyak. Kaya ang pangarap naming lalaki is yung sensitive enough sa mga nararamdaman namin. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin kami.